top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 20, 2023


Magsasanib-puwersa sina All Too Easy at Ipolitika sa magaganap na 2023 PHILRACOM Chairman's Cup III na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Linggo.


Gagabayan ni John Alvin Guce si All Too Easy habang si Kelvin Abobo ang rerenda kay Ipolitika para harapin ang anim pang tigasing kabayong nagsaad ng pagsali sa distansiyang 2,000 meter race.


Paglalabanan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kalahok ay sina Eazacky, Landslide, Magna Cum Laude, Shining Vic, The Accountant at Tugatog.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, masisilo ng second placer ang P112,500 habang tig- P62,500 at P25,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Mag-uuwi rin ng P25,000 ang breeder ng winning horse at tig-P15,000 at P10,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, ilalarga rin ang Chairman's Cup Division II sa nasabing araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Nagsaya naman ang mga racing aficionados kahapon araw ng Miyerkules dahil may walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Paniguradong maraming nag-aabang sa mga stakes races na pakakawalan tuwing araw ng Linggo lalo na ang First leg ng triple Crown Championship series.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 19, 2023


Kasama sa mga nagsaad ng pagsali sa magaganap na 2023 PHILRACOM Chairman's Cup II na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa April 30 ay ang tigasing si Moderne Cong.


Maliban kay Moderne Cong may anim na mahuhusay na kabayong pangarera ang nominado para lumahok sa nabanggit na stakes race.


Bukod sa Moderne Cong, naghayag din ng paglahok ang Blackburn, Fortissimo, Gusto Mucho, Magtotobetsky at Sky Shot.


Base sa mga komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban kay Moderne Cong ang mga kalahok na sina Sky Shot at Magtotobetsky.


Nakalaan ang P750,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line sa distansiyang 2,000 meter race.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta ang P168,750 sa second placer habang tig-P93,750 at P37,500 ang 3rd at 4th ayon sa pagkakasunod.


Sasakyan ni jockey Andreu Villegas ang Moderne Cong sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


May hahamigin din ang breeder ng winning horse na P37,500 habang tig-P22,500 at P15,000 ang second at third.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 18, 2023


Nakitaan ng husay si La Trouppei sa rektahan matapos manalo sa 2023 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, ipinuwesto nito ang sinakyan na La Trouppei sa pang-pito sa largahan upang panoorin sa unahan ang kumaskas na si Secretary.


Nasa pang-apat ang Jaguar subalit pagdating ng far turn ay naungusan na ito ng anak nina Brigand at Betty H na si La Trouppei.


Padating ng home turn ay kumukuha na ng unahan si La Trouppei pero bakbakan pa rin ang naging laban sa rektahan kina Jaguar at Going East.


Hindi nasira ang diskarte ng winning horse at nanatili ang tikas nito kaya nanalo ito ng halos leeg lang ang pagitan sa pumangalawang Jaguar at kalahating kabayong bentahe sa tumerserong Going East.


Inilista ni La Trouppei ang tiyempong 1:40,6 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Melaine Habla ang P600,000 premyo.


Nasungkit ni Jaguar ang P200,000 habang P100,000 ang napunta sa third placer na si Going East sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuo ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pinapahinga na si La Trouppei upang paghandaan ang sasalihang stakes race.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page