top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 23, 2023


Magtatagisan ng bilis ang dalawang tigasing kabayo na sina Don Lucas at Sky Story sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na gaganapin sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Bukod kina Don Lucas at Sky Story, ang ibang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Oktubre Katorse, Boysofmedows, Port Kennedy at Nicole's Favorite.


Sasakyan ni Jerico Serrano si Don Lucas habang si Conrad Henson ang rerenda kay Sky Story sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nakalaan ang P25,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ay hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang P10,000 premyo.


Ayon sa komento ng ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kina Don Lucas at Sky Story ay si Port Kennedy na gagabayan ni Rodeo Fernandez.


"Mahusay din na kabayo si Port Kennedy kaya malaki ang tsansa na manalong dehado," saad ni Felipe Villahermosa, veteran karerista. "Mas mainam isama na rin sa 1st PICK 5."


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo.


Magsisimula ang unang race ng 3 p.m. kaya may oras pa ang mga karerista na pag-aralan ang mga tiyempo ng kabayo na kanilang tatayaan.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Lucas (5), Sky Story (6)

Race 2 - Signature Move (4), Ring A Bell (7)

Race 3 - Jeane Genie (2), Love Radio (5)

Race 4 - Melania (4), Batang Kankaloo (2)

Race 5 - Rockaway (7), You Never Know (2), Greater Good (3), Determinado (8)

Race 6 - Achi Holy (4), HeadStrong (7) Fredie Wong (5)

Race 7 - Che Che (7), Columbus (5), Galloping Ghost (8)

Race 8 - Fast Sailing/Major Ridge (8/8A), Since When (5), Sweet Spot (7), Colony Bell (4)





 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 22, 2023


Isa sa markado ng mga karerista si Sky Shot sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Chairman's Cup II" na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Abril 29, (Sabado).


Seryoso ang paghahanda ng trainer at jockey ni Sky Shot sa nasabing malaking karera na nakalaan ang P750,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line.


Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Sky Shot upang harapin ang limang tigasing kabayong kalahok sa distansiyang 2,000 meter race.


Ang ibang makikipagtagisan ng bilis kay Sky Shot ay sina Moderne Cong, Blackburn, Fortissimo, Gusto Mucho at Magtotobetsky sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban sa Sky Shot ay ang Moderne Cong at Magtotobetsky.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta ang P168,750 sa second placer habang tig-P93,750 at P37,500 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ang P37,500 habang tig-P22,500 at P15,000 ang second at third.


Samantala, may siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. kahapon ng Biyernes kaya kuntento ang mga karerista sa naramdaman nilang kasiyahan.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 21, 2023


Napabilib ni Boat Buying ang mga liyamadista matapos angkinin ang 3-Year-Old & Above Maiden Race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Paglabas ng aparato ay puwesto agad sa pangalawa si Boat Buying habang hinawakan muna ni Runway Ten ang unahan.


Ngunit sandali lang sa unahan si Runway Ten dahil inagaw na agad sa kanya ito ni Boat Buying na nirendahan ni class A rider Kelvin Abobo.


At pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ang anak nina El Kanyon at Miss Chief sa meta at nanalo ito ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang Runway Ten. Inilista ni Boat Buying ang 1:11. 4 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ni horse owner Melaine Habla ang P20,000 added prize.


Walong races ang nilarga ng Metro Manila Turf Club Inc (MMTCI) noong Miyerkules lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, siyam na karera naman ang pasisibatin ngayong araw ng Biyernes kaya inaasahang matutuwa na naman ang mga karerista.


Isa sa tiyak na aabangan ng racing aficionados ay ang banatan ng walong mahuhusay na kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race.


Ang mga kasali ay sina Moment Like This, Lady Julliana, Carolina Bell, Angry Maxinne, Family Affair, Kanyon For Freedom, Vee Gee at Douglas Fir.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Carolina Bell (3), Family Affair (5)

Race 2 - Rocking Bell (5), Player Andri (4)

Race 3 - My Dad Bogart (4), Batas Kamao (3), Great Connection (8)

Race 4 - Raxa Bago/Barayong (6/6A), Inner State (5), My Way (4)

Race 5 - SpyGlass (4), Light And Shade (7), Action Rules (1)

Race 6 - Roaring Kanyon (6), Guerrero Warriors (5), Euroclydon (8)

Race 7 - Clairboyant (2), Honey Ryder (3), Amelia (4)

Race 8 - Bebang/Vavavoom (8), Kathy N Alice (5), Arogante/Sun Dance (9/9A)

Race 9 - Chase The Gold (3), Tontoneeto (7), Heavenly Star (12)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page