top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 9, 2023


Pinanis ni Blackburn ang mga nakatunggali matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nagsaya ang mga liyamadista sa panalo ni Blackburn, kahit lumabas na pang-apat sa largahan ay kalmado itong ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.


Nagtagisan ng bilis sa unahan ang matutulin sa arangkadahan na Papa Ohh Mamaw at Luke Skywalker habang nasa pangatlo puwesto ang Krugerrand.


Pagsapit ng huling 400 metro ng karera, lumapit na sa unahan si Blackburn kaya naman pagsungaw ng rektahan ay tangan na ng winning horse ang bandera.


Dahil sa sobrang husay ay nagwagi si Blackburn ng may pitong kabayo ang agwat sa pumangalawang si Super Master, tersero ang Krugerrand sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Mahusay si Blackburn at maganda pa ang pagkakadala ni Patty (Dilema), sobra nanalo kahit tatlong sunod na panalo kaya pa niya," saad ni Jack Jacinto, veteran karerista.


Nilista ni Blackburn ang tiyempong 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse pwner na si BC Coching ang P10,000 added prize.


Samantala, hinahanda si Blackburn sa susunod na karerang sasalihan kaya inaasahang aabngan ito ng mga karerista lalo na ang kanyang mga tagahanga.




 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 8, 2023


Nalugmok ang mga liyamadistang karerista matapos manalo ni Secret Service sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Nanaig si Secret Service ng dehado, sinakyan ito ni jockey Jonathan Flores at tinalo ang mga bumenta sa takilya at mga liyamadong Family Affair at Kanyon For Freedom.


Pumuwesto sa tersero sa largahan si Secret Service at habang pumapasok sa far turn ay lumalapit na ito sa unahan kaya naman pagdating ng rektahan ay nagsisigawan na ang mga dehadista dahil kita na nila ang panalo ng kanilang kabayong tinayaan.


Dahil sa laki ng agwat ng lamang ay hindi na naabutan si Secret Service ng kanyang mga katunggali sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nanalo si Secret Service ng may walong kabayong agwat sa pumangalawang si Family Affair, tersero si Kanyon For Freedom at pumang-apat si Mendel Bell.


Inirehistro ni Secret Service ang 1:27.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AK Castro ang P20,000 added prize.


Samantala, inihahanda na rin si Secret Service sa susunod niyang sasalihang karera kaya tiyak na aabangan ito ng mga karerista.


May 10 karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya paniguradong nasiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 7, 2023


Masusubukan ang husay ng magkakamping sina Patong Patong at Asiong pagsalang nila sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Sasakyan ni Jomer Estorque si Patong Patong habang si JC Guerra ang rerenda kay Asiong sa distansiyang 1,600 meter race.


Nakalaan ang P35,000 karagdagang premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Sari Baby, Treasure Hunting, Golden Sunrise, Bombay Nights at Charm Campaign.


Posibleng sina Charm Campaign at Bombay Nights ang magbigay ng magandang laban sa magka-kuwadrang sina Patong Patong at Asiong.


Kukubrahin din ng winning horse owner ang added prize na P10,000 kaya paniguradong bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa nasabing event na pakakawalan sa unang karera.

May 10 karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya inaasahang masaya ang pangangarera ng mga karerista.


Lahat ng karera ngayon ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang banatan ng siyam na matikas na kabayo sa isa pang PRBHS na ikakasa sa pangalawang karera.


Ang mga maglalaban ay sina Burning The Tracks, Speak Easy, National Treasure, Trust Worthy, Color Blast, Caloocan Girl, Make A Difference, Plus at Greater Good.


Race 1 - Patong Patong/Asiong (4/4A), Treasure Hunting (2)

Race 2 - Caloocan Girl (5), Burning The Tracks/Speak Easy (1/1A)

Race 3 - Super Master (5), Blackburn (6)

Race 4 - Oktubre Katorse (6), Isla Puting Bato (3)

Race 5 - Signature Move/High Quality (4/4A), Sapin Sapin (1)

Race 6 - Main Event (4), Lucky Savings (6)

Race 7 - Arigato (3), Top grosser (11), El Mundo (6)

Race 8 - Magnolia Yana (9), Captain Det Det (7), Rockaway (4)

Race 9 - Easy Landing (8), Heaven's Gift (1), Pendant (4)

Race 10 - Eutychus (9), Viva Forever (8), Gugma (7)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page