top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 12, 2023


Haharurot sina Malita at Superhawk sa 3-Year-Old Maiden Race ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan, Batangas.


Sasakyan ni jockey Rey Adona si Malita habang si AM Bufete ang rerenda kay Superhawk na isang dehado, makakalaban nila ang tatlo pang tigasing kabayo sa distansiyang 1,200 meter race. Nakalaan ang P20,000 added prize, ang ibang kasali ay sina Angry Maxinne, Lovely Day at Unconditional Love.


Komento ng ibang karerista, posibleng magpakitang gilas din sina Angry Maxine at Unconditional Love sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Mga batang kabayo, halos tago lahat ang pruweba kaya pagalingan na lang sa pag-aral ng pipiliing kabayo," pahayag ni Jess Vicente, veteran karerista.


Samantala, may pitong karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya magiging masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng pitong kabayo sa Condition Race (22) na pakakawalan sa pangalawang karera.


Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina Pilya, Professor Jones, Gil's Magic, Speeding Hero, Stravinsky, Fast Sailing at Bebang.


Ipinapatok ng mga karerista ang kalahok na si Bebang kaya posibleng siya ang magdomina sa takilya sa oras ng laban.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Malita (1), Superhawk (2)

Race 2 - Bebang (7), Fast Sailing (6)

Race 3 - Manang Biday (8), Avenue Shopper (10), Spyglass (4)

Race 4 - Golden Eight (7), Gold N Silver (3), Haymaker (4)

Race 5 - Early Bird (8), Jannanigans (4)

Race 6 - My Dad Bogart (4), Since When (13), Lightning Bolt (9)

Race 7 - Seven Of Diamonds (8), Princess Isabelle (4), Daldalero (5), Step Bell (2)



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 11, 2023


Sasalang sina Orange Bell at Sky Story sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Stakes race na pakakawalan sa darating na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Makakatagisan ng bilis nina Orange Bell at Sky Story ang 10 pang tigasing kabayo na naghayag ng pagsali sa distansiyang 1,600 meter race.


May garantisadong premyo na P1-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kasali ay ang Cash On Hand, Domsat Seven, Easy Way, Glamour Girle, I Under Oath, Keep The Trick, Light Bearer, Melania, Mill Run, Prime Billing at Secretary.


Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Orange Bell habang si Conrad Henson ang rerenda sa Sky Story.


Mag-uuwi ang mananalong kabayo ng P600,000 premyo, mapupunta ang P200,000 sa pangalawa habang P100,000 ang kukubrahin ng tersero.


Ibubulsa naman ng fourth hanggang fifth placers ang tig-P50,000, P30,000, P20,000 ayon sa pagkakahilera sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Tatanggap din ang breeder ng winning horse ng P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Ayon sa mga komento ng mga karerista posibleng magbigay din ng magandang laban si Prime Billing na gagabayan din ng isa pang dating PSA-JoY awardee na si Patricio Dilema.


Kaya naman tiyak na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 10, 2023


Masisilayan ng mga karerista sina Grand Monarch at Earli Boating sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Hopeful Stakes Race" na ilalarga sa Mayo 13, (Sabado) sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Paniguradong mabibigyan ng magandang laban sina Grand Monarch at Earli Boating dahil kasali rin ang magkakamping Boat Buying at Winner Parade sa distansiyang 1,600 meter race.


Nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, gagabayan nina Conrad Henson at former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema sina Grand Monarch at Earli Boating ayon sa pagkakasunod.


Ang ibang kalahok sa karerang may P900,000 na premyo sa mananalong kabayo ay ang Badboy MJ, Borrowed Heaven, Mano Po, Rough Cut, Song Bird, Sweetie Giselle at Take A Chance.


Rerendahan naman ni class A rider Kelvin Abobo ang Boat Buying habang si John Alvin Guce ang sasakay sa Winner Parade.


Hahamigin ng segundo puwesto ang P300,000 at P150,000 sa pangatlo habang tig P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P75,000 ang breeder ng winning horse habang tig P45,000 at P30,000 ang second at third sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Samantala, tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa lineup na ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa mga darating na araw ng karera.


Maliban sa nabanggit na stakes race ay may iba pang malaking karera ang pakakawalan kaya inaasahang aabangan ng mga karersita kung sino ang mga tatakbong kabayo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page