top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 23, 2023


Nakitaan ng husay si Gomezian matapos magwagi sa Condition Race Merged na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Hindi nagpaiwan sa largahan si Gomezian at sinundan lang muna nito ang matulin na si Gusto Mucho pero pagdating ng backstretch ay kinapitan na agad ito ng una.


Naka-puwesto naman sa tersero si Charm Campaign at pang-apat si Runawayfromrosenot.


Mahigpit na bakbakan hanggang sa pagsapit ng home stretch sina Gomezian at Gusto Mucho pero pagdating ng rektahan ay umungos na ang winning horse.


Bahagyang nagbigay ng magandang laban si Bombay Nights pero nanatili pa rin ang tikas ni Gomezian at nanalo ito ng may kalahating kabayo ang agwat.


Nirendahan ni class A rider O'Neal Cortez, inilista ni Gomezian ang tiyempong 1:39.6 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AP Santos ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dumating na segundo si Bombay Nights habang tersero at pang-apat sina Charm Campaign at Gusto Mucho ayon sa pagkakasunod.


Samantala, hinahanda si Gomezian sa malaking karera kaya tiyak na aabangan ito ng kanyang mga tagahanga.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 22, 2023


Nagpasiklab si Chrome Bell noong Sabado ng hapon matapos nitong sikwatin ang panalo sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Hindi inapura ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Chrome Bell sa largahan kaya pumuwesto ito sa pang-apat. Nagtatagisan naman ng bilis sa unahan sina Eyevan at Deus Ex Machina pero pagdating ng far turn ay kumukuha na ng bandera ang Chrome Bell.


Kaya naman sa huling kurbada ay apat na kabayo na ang lamang ni Chrome Bell at umabot pa sa siyam pagtawid nito sa finish line. Nagtala si Chrome Bell ng tiyempong 1:26.2 sa 1,400 meter race sapat upang mapunta ang added prize na P20,000 sa Bell Racing Stable.


Dumating na segundo ang Special Secretary, tersero ang Deus Ex Machina habang pumang-apat ang Suddenly sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon ng Linggo kaya naman naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya. Sa Race 1 pa lang ay nakapanood na agad ng magandang karera ang mga karerista at para sa kanila ay sulit at masaya ang kanilang pananaya.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 21, 2023


Maghaharap sa pista sina Gomezian at Gusto Mucho pagsalang nila sa Condition Race Merged (10) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas ngayong araw.


Markado na sina Gomezian at Gusto Mucho pero inaasahang mapapalaban sila sa tatlo pang kalahok sa distansyang 1,600 meter race.


May nakalaan na P10,000 added prize sa mananalong kabayo, ang ibang kalahok ay sina Charm Campaign, Bombay Nights at Runawayfromrosenot.


Komento ng mga karerista sa social media, tinitiyak nilang magandang laban ang nasabing lineup ng mga kabayo at posibleng magpakitang-gilas din ang kalahok na si Runwayfromrosenot na sasakyan ni jockey Rico Suson.


Sina O'Neal Cortez at Kelvin Abobo naman ang rerenda kina Gomezian at Gusto Mucho ayon sa pagkakasunod.


Samantala, siyam na races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong maligalig na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.

Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang mga karerang pakakawalan ngayong araw.


Isa sa aabangan din ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa PHILRACOM Rating based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Gomezian (1), Gusto Mucho (4)

Race 2 - Asiong/Patong Patong (3/3A), Fortissimo (8)

Race 3 - Ambisioso (2), Super Master (6)

Race 4 - Saoirse (4), Jambo (7)

Race 5 - Caraga Wonder/Magnolia Ashley (2/2A), Paramount (4), Majestic Star (5)

Race 6 - Piece Of cake (4), Top Of The Mark (3), Distinction (2)

Race 7 - Sun Dance (11), Hombre (2), Monument (10), Viva Forever (1)

Race 8 - Luke Skywalker (7), Don Lucas (10), Great Britain (9)

Race 9 - Truthmaker/Double Time (6/6A), Advance Party (4), Sagitsit (8)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page