top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 28, 2023


Inaasahang tututok ang mga liyamadista sa magka-kuwadrang Robin Hood at Magtotobetsky pagsalang nila sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Dahil patok sa karera tipsters sa programa sina Robin Hood at Magtotobetsky ay asahang liyamado ang magkakampi sa karerang may distansiyang 1,600 meter race.


May nakalaan na P45,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina The Accountant, Bombay Nights, Runawayfromrosenot at Charm Campaign.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang karagdagang premyong P10,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Rerendahan ni Jomer Estorque si Robin Hood habang si veteran jockey Jeffrey Bacaycay ang sasakay kay Magtotobetsky.


Samantala, siyam na races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya asahang masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Ayon sa mga karerista posibleng magbigay ng magandang laban kina Robin Hood at Magtotobetsky ay si Charm Campaign na gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee at class A rider, Patricio Ramos Dilema.


Isa pang aabangan ng mga racing aficionado ay ang bakbakan ng siyam na kabayo sa isa pang PRBHS na pakakawalan sa pangatlong karera. Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina Maki Boi, Flashy, Saoirse, Princess Via, Mettle Strength, One For The Road, Blue Empire, Magnifico at Bagay Na Bagay.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Heaven's Gift/Double Time (1/1A), Prince arman (6)

Race 2 - Robin Hood/Magtotobetsky (2/2A), Charm Campaign (5)

Race 3 - Saoirse (3), Bagay Na Bagay (9), Mettle Strength (5)

Race 4 - Advance Party (9), Panday Pira (3), Princess Isabelle (8)

Race 5 - Boat Buying (7), Domsat Seven/Work from Home (4/4A), Don Lucas (10)

Race 6 - Arrogante (3), Magnolia Yana/Piece Of Cake (4/4A), Viva Forever (7)

Race 7 - Kalanggaman Island (9), Raxa Bago (5), National Treasure (6)

Race 8 - Blackburn (7), Asiong (3), Main Event (1)

Race 9 - Flair Bottom (6), Prince Uno (13), The Barrister (14)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 27, 2023


Inaabangan ng mga karerista ang mga stakes races na ilalarga sa susunod na buwan.


Atat ng mapanood ng racing aficionados ang bakbakan ng 11 tigasing kabayo sa 2023 Philracom Hopeful Stakes Race na aarangkada sa Hunyo 10 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Muling magtatambalan sina Boat Buying at Winner Parade para masikwat ang inaasam na titulo sa nasabing malaking karera.


Gagabayan ni class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce sina Boat Buying at Winner Parade ayon sa pagkakasunod upang labanan ang siyam pang mahuhusay na kabayo sa distansiyang 1,800 meter race.


Maliban kina Boat Buying at Winner Parade, ang ibang nagsaad ng paglahok ay sina Badboy MJ, Borrowed Heaven, Chrome Bell, Domsat Seven, Easy Does It, Glamour Girle, Grand Monarch, Rough Cut at Sandigan.


Nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang-gilas din ang Glamour Girle at Chrome Bell kaya tiyak na makakauha rin sila ng malaking suporta sa mga mananaya.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang P150,000 sa third.


Mag-uuwi naman ang fourth hanggang sixth ng tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ayon sa pagkakahilera.


Ibubulsa naman ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 26, 2023


Masusubukan ang husay nina Wild Eagle at Greater Good pagsalang nila sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Tiyak na mapapalaban sina Wild Eagle at Greater Good sa apat pang tigasing kabayong kalahok sa distansiyang 1,200 meter race.


Nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kalahok ay sina Princess Serena, Private Dining, Burning The Tracks at Lightning Bolt.


May hahamigin ang winning horse owner na P10,000 karagdagang premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista, malaki ang tsansang manalo ni Wild Eagle lalo na't rerendahan siya ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.


Samantala, walong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.


Isa sa inaabangan din ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa isa pang PRBHS race na pakakawalan sa pangalawang karera.


Posibleng si Sun Dance ang makakuha ng malaking suporta sa mga karerista pagsimula ng laban pero asahang bebenta rin sa takilya ang ibang kalahok.


Maliban kay Sun Dance, ang ibang kasali ay sina Grand Laughter, So Beautiful, Speed Revolution, Eochirunrun, Gugma, Fast And Easy at Queen Louise.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Wild Eagle (4), Greater Good (5)

Race 2 - Sun Dance (5), Fast And Easy (7)

Race 3 - Double Rock (1), Happy Julliane (3), Bakya Mo Neneng (5)

Race 4 - She Is Sizzling (8), Grey Factor (5), Basket Of Gold (6)

Race 5 - Haymaker (1), Batas Kamao (11), Ka Emon (7)

Race 6 - Early Bird (30, Amor Mi Amor (4), Fortress (6)

Race 7 - El Mundo (14), Rockaway (4), Commodora (5)

Race 8 - Bishop Blue (7), Red Hawk (4), Jambo (6)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page