top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 5, 2023


Nasilayan ng mga karerista ang tikas ni Bantay Sarado ng manalo ito sa 3-Year-Old Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng gabi.


Umalis sa largahan na pang-lima si Bantay Sarado habang nag lulutsahan sa unahan ang matutulin na Oradas Gray at Angry Maxinne.


Nagpatuloy ng tagisan ng bilis nin Angry Maxxine at Oradas Gray hanggang home turn.


At ng umungos ng bahagya si Angry Maxxine sa unahan ay biglang humaharurot ang Bantay Sarado at lumampas ito sa huling 50 metro ng karera.


Nanalo si Bantay Sarado ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Angry Maxxine.


Nirendahan ni jockey CL Advincula, nirehistro ng Bantay Sarado ang tiyempong 1:01 sa 1,000 meter race.


Nasilo ng may ari na si Leonardo Javier ang added prize na P20,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dumating na tersero ang Sunrider habang pumang-apat ang Oradas Gray.


Samantala, may walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado kaya naging masaya ang pangangarera ng mga karerista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 3, 2023


Pokus sa paghahanda ang mga connections ng magkakamping sina Boat Buying at Winner Parade para salihan ang 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na aarangkada sa Hunyo 10 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Paniguradong mapapalaban sina Boat Buying at Winner Parade laban sa siyam na nagsaad ng paglahok sa distansiyang 1,800 meter race.


Makakatagisan ng bilis nina Boat Buying at Winner Parade sina Badboy MJ, Borrowed Heaven, Chrome Bell, Domsat Seven, Easy Does It, Glamour Girle, Grand Monarch, Rough Cut at Sandigan.


Rerendahan nina class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce si Boat Buying at Winner Parade ayon sa pagkakasunod.


Nakalaan ang P1.5-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Komento ng mga karerista sa social media na posibleng maging hadlang kina Boat Buying at Winner Parade ay ang kalahok na sina Chrome Bell at Glamour Girle.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang P150,000 sa third.


Mag-uuwi naman ang fourth hanggang sixth ng tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ayon sa pagkakahilera.


Hahablutin naman ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 1, 2023


Magkakampihan sina Tell bell at Orange Bell para masilo ang panalo sa magaganap na 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Hunyo 10.


Inaasahang mapapalaban ang magkakamping sina Tell Bell at Orange Bell dahil mga tigasing kabayo rin ang ibang nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,800 meter race.


Una sa listahan ng mga lalahok ay sina Cash On Hand, Danueis Son, I Under Oath, Keep Da Track, Mano Po, Prime Billing, Sweetie Giselle, Take A Chance, Secret Service at Sky Story.


May nakalaan na guaranteed prize na P1-M ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000 habang P100,000 ang iuuwi ng tersero.


Magbubulsa naman ng tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakasunod.


Samantala, hahamigin ng breeder ng winning horse ang P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, todo na ang paghahanda ng mga kalahok kaya tiyak na magandang laban ang kanilang masisilayan sa araw mismo ng bakbakan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page