top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 18, 2023


Masusubukan ang tikas ni Angry Maxinne pag-arangkada nito sa 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, makikipagtagisan ng bilis si Angry Maxinne sa pitong tigasing batang kabayo sa distansiyang 1,000 meter race.


May karagdagang premyo na P20,000 na hahamigin ng winning horse owner, ang ibang kalahok ay sina Instant Message, Foot Note, Be Thoughtful, Sky Lover, Keep The Jade, Little Annie at Heroes Of Caloocan.


Posibleng magbigay ng laban kay Angry Maxinne ay sina Sky Lover at Instant Message ayon sa komento ng mga karerista sa social media. "Mahuhusay ang mga kasali kaya lahat puwedeng manalo, kaya tingin ko malaki tsansa ng mga kareristang dehadista sa laban na ito," saad ni Renato Cabradilla, veteran karerista.


Ang nasabing event na ilalarga sa pangalawang karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pitong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Sa unang karera lang tiyak na magandang laban na agad ang mapapanood ng racing aficionados sa ilalargang PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Magbabanatan sa 1,600 meter race ay sina Elegant Lady, Golden Sunrise, Sari Baby, Biglang Buhos, Ambisioso at Palauig.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Ambisioso (5), Palauig (6)

Race 2 - Angry Maxinne (3), Sky Lover (5), Foot Note (2)

Race 3 - Don Lucas (5), Vavavoom (2)

Race 4 - Digital/Waray Na Mayda Pa (2/2A), Crown In My Head (3), Enno Teresa Chair (9)

Race 5 - Caraga Wonder (1), Great Connection (9), Che Che (2)

race 6 - Atomic Bomb (3), Believe Me (7), Real Fair (5)

Race 7 - Jambo (3), Pilya (4), Forbidden City (7)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 17, 2023


Palakpakan ang mga tagahanga ni In The Zone matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Sinakyan ni jockey Pabs Cabalejo, inirehistro ng In The Zone ang tiyempong 1:10. 4 sa 1,200 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ibinigay ni Cabalejo ang hilig ni In The Zone, hinayaan lang nitong lumarga upang tutukan muna ang matulin sa largahan na Stardust pero papasok ng far turn ay kumapit na ang winning horse.


Pagdating ng huling kurbada ay lamang na ang In The Zone ng tatlong kabayo sa pumapangalawang si Sir William habang tersero na rin si Attractive Force.


Umabot pa sa limang kabayo ang agwat ng In The Zone kay Sir William pagtawid nito sa finish line kaya magaan nitong nakuha ang panalo.


Liyamado sa laban ang In The Zone na pag-aari ni Paolo Mendoza, nasilo nito ang added prize na P10,000 sa pagkakapanalo ng kanyang kabayo.


Dumating na segundo ang Sir Williams, tersero ang Attractive Force habang pumang-apat ang Senyorita.


Walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, inaabangan na ng mga karerista ang opisyal na line up na tatakbo sa Gran Copa De Manila sa Hunyo 24.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 16, 2023


Nasa kukote ni star jockey Patricio Ramos Dilema na maipanalo ang dehadong si My Star sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Pero inaasahang mapapalaban si dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Dilema at sasakyan nitong si My Star paglarga ng nasabing karera na may distansiyang 1,200 meter race.


Ikakasa sa pangalawang karera, ang ibang makikipagtagisan ng bilis kay My Star ay sina Sunrider, Flamenco Dust, Lady Julianna, Samantha, Sebrything, Special Secretary at Iris.


May nakalaan na added prize na P20,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Paniguradong magpapakitang-gilas ang kalahok na Sebrything, Flamenco Dust at magka-kuwadrang Lady Julianna at Samantha. "Maraming magagaling na kasali kaya mahirap na karera yan pero siguradong magandang laban 'yang mga batang kabayo," saad ni Ringo Villahermosa, veteran karerista.


Samantala, walong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa unang race.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Chase The Gold (4), Heaven's Gift (5)

Race 2 - My Star (6), Flamenco Dust (2)

Race 3 - My Boy Lollipop (4), Kaboom (6)

Race 4 - Golden Eight (3), Advance Party (5), Speedy Wego (8)

Race 5 - Riding The Tiger (3), Red Hawk (4), Happy Julianne (8)

Race 6 - Snow White (4), Winsome Maxxine (5), Bagay Na Bagay (3)

Race 7 - Sunny Side (5), Doktora (7), Shine (4)

Race 8 - Batang Kankaloo (8), Sun Dance (4), Rockawy (1)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page