top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 24, 2023



Nakatutok ang mga liyamadista sa magkakamping Open Billing at Prime Billing na kalahok sa magaganap na 2023 Araw ng Maynila "Gran Copa De Manila" Division II na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Pero tiyak na mapapalaban sina Open Billing at Prime Billing kontra pitong tigasing kabayo.


Inaasahang magbibigay ng magandang laban kina Open Billing at Prime Billing ay sina Sky Story at Keep Da Trick sa distansiyang 1,600 meter race.


Rerendahan nina Andreu Villegas at former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee, Patricio Ramos Dilema sina Open Billing at Prime Billing ayon sa pagkakasunod.


Bukod kina Sky Story at Keep Da Trick, ang ibang makakatagisan ng bilis nina Open Billing at Prime Billing ay sina Tell Bell, Badboy MJ, Cluster, Boat Buying at Light Bearer.


Nakalaan ang P800,000 guarateed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P480,000, mapupunta ang P180,000 sa second placer habang tig, P100,000 at P40,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Komento ng mga karerista sa social media, mahihirapan talunin ang magka-kuwadrang sina Open Billing at Prime Billing


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 23, 2023


Hindi nasisindak ang magka-kuwadrang Robin Hood at Magtotobetsky sa husay ni Boss Emong paglarga ng 2023 PHILRACOM Gran Copa De Manila Cup na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas bukas ng hapon.


Tiyak na makakakuha ng maraming suporta sa karerista ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA - Horse of the Year awardee na si Boss Emong pero siguradong mapapalaban ito sa coupled entry na Robin Hood at Magtotobetsky.


Sasakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay si Magtotobetsky habang si Jomer Estorque ang sasakay kay Robin Hood sa distansiyang 1,600 meter race. Maliban kay Boss Emong, ang ibang makakatagisan ng bilis nina Robin Hood at Magtotobetsky ay sina Don Julio, Gomezian, Jungkook at Life Gets Better.


May nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ibubulsa ng mananalo ang P600,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Hahamigin ng second placer ang P225,000, susungkitin naman ng third ang P125,000 habang P50,000 ang i-uuwi ng pang-apat na kabayong tatawid sa finish line. Hahablutin ng breeder ng winning horse ang P50,000 premyo habang P30,000 sa second at P20,000 sa third.


Samantala, tiyak ang pagdagsa ng mga karerista sa karerahan upang masaksihan ang magagandang pakarera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI). Balanseng regular races din ang inihanda ng MMTCI kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 22, 2023


Nagsaya ang mga dehadista matapos manalo ni Sakalam sa naganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Martes ng gabi.


Kumaripas sa largahan si Sakalam upang hawakan ang bandera subalit hindi naging madali sa winning horse ang pagbaybay sa unahan dahil binubuliglig siya nina Janni Banni at Buwayang Bato.


Nagpatuloy ang matinding bakbakan nina Sakalam, Janni Banni at Buwayang Bato pero pagdating ng huling kurbada ay nakihalo na rin sa kanila ang rumeremateng Rockaway.


Nagkapanabayan ang apat na nabanggit na kabayo sa rektahan subalit sa huling isang daang metro ng laban ay umungos na ng bahagya ang Sakalam.


Sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, tinawid ni Sakalam ang meta ng may kalahating kabayong agwat sa pumangalawang si Buwayang Bato.


Nilista ni Sakalam ang tiyempong 1:13.6 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P10,000 ng winning horse owner na si AK Castro.


Tumersero si Rockaway, pumang-apat si Janni Banni sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naman naging masaya ang pananaya ng mga karerista.


Hinahanda naman si Sakalam sa susunod niyang takbo upang makaulit ng panalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page