top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 10, 2023


Nakakita ng magandang daraanan si Cat Bell kaya nasikwat ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Nasilayan ng mga karerista ang husay ni Cat Bell sa rematehan nang lumabas lang ito na pang-lima sa aparato habang nagbabanatan sa unahan ang matutulin sa largahan na sina King Hans, Ambisioso at Fortissimo.


Umabot ang bakbakan sa farturn at doon ay unti-unti nang lumalapit sa unahan si Cat Bell kaya naman sa home turn ay halos nakakapit na ang winning horse na si Ambisioso na tangan na ang bandera.


Swak sa balya si Cat Bell dahil nagbukahan ang mga kalaban nito.


Idinaan ni Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez sa balya si Cat Bell at dahil walang sagabal ay nakaungos ang winning horse kay Ambisioso sa huling 100 metro ng laban.


Inilista ni Cat Bell ang tiyempong 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 na karagdagang premyo.


Dalawang kabayo ang lamang ni Cat Bell sa pumangalawa na Ambisioso, tersero ang King Hans habang pang-apat ang Fortissimo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasa bakuran ng Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon ang Cat Bell kung saan si Donny Sordan ang trainer.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado ng hapon kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 9, 2023


Makikilatis ang tikas nina Sky Lover at Flashy Bell pagsalang nila sa 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Tiyak na mapapalaban sina Sky Lover at Flashy Bell laban sa limang tigasing kabayo na naka line-up sa karerang pakakawalan sa unang karera.


Ang ibang kalahok sa distansiyang 1,000 meter race, ay sina Golden Jaraywa, Cat's Whiskers, Fantastics, Dreamsoftheworld at Oras Na. Paniguradong magpapakitang-gilas din sina Golden Jaraywa at Dreamsoftheworld sa event na nakalaan ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner.


Base sa komento ng mga karerista, mahuhusay din ang kalahok na sina Golden Jaraywa at Dreamsoftheworld kaya inaasahang magandang laban ang kanilang masisilayan.


"Mga batang kabayo mga 'yan kaya kahit sino puwedeng tayaan, tingin ko lahat ay bebenta ng malaki sa takilya," saad ni Dennis Pangan, veteran karerista.


Gagabayan ni jockey John Allysson Pabilic si Sky Lover habang si Pablito Cabalejo ang rerenda kay Flashy Bell sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, walong balanseng karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. ngayong araw ng Linggo kaya inaasahang todo saya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Sky Lover (6), Flashy Bell (1), Oras Na (7)

Race 2 - Flintridge/Princess Serena (5/5A), Polloc Island/Manlot Island (4/4A)

Race 3 - Medaglia D' Amor (6), Luke Skywalker (7), Silab (3)

Race 4 - Raxa Bago (7), Easy Landing (3), Olympic Swimmer/Freestyle (2/2A)

Race 5 - Iikot Lang (1), Best Offer (4), Buena Bell (9)

Race 6 - Advance Party (7), Maki Boi (11), Red Hawk (6), Humidor (3)

Race 7 - Autumn Shower (7), Prince Uno (4), Mythic Layla (11), Lucky Hilda (2)

Race 8 - Heroesdelninetysix/Atomic Bomb (10/10A), Kathy 'N Alice (11), Hombre (1),


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 8, 2023


Determinado ang mga trainer at hinete na masikwat ang korona sa 2023 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas sa Hulyo 16.


Kaya naman puspusan ang kanilang paghahanda at pag-ensayo sa pambato nilang kabayong isasali sa nasabing prestihiyosong event para sa mga batang kabayo.


Markado sa nasabing karera sina La Trouppei at Jaguar na nagwagi sa first leg at second leg ayon sa pagkakasunod.


Pero posibleng may ibang puwedeng kumuha ng panalo dahil mas mahaba ang distansiyang paglalabanan sa nasabing stakes race na may 2,000 meter race.


Nakalaan ang P3.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Maliban kina La Trouppei at Jaguar, ang ibang nagsaad ng paglahok ay ang Boat Buying, Earli Boating, Easy Does It, Going East, Istulen Ola, Keep Da Trick at Secretary.


Sisikwatin ng mananalong kabayo ang P2.1M, mapupunta sa second placer ang P787,500, iuuwi ng tersero ang P437,500 habang P175,000 ang sa fourth.


Ibubulsa ng breeder ng winning horse ang P175,000 habang tig-P105,000 at P70,000 ang sa second at third. Dahil sa laki ng premyo ay inaasahang puspusan ang pag-ensayo ng mga sasali upang masilo ang inaasam na panalo at mahalagang nakataya.


Samantala, pakakawalan din ang 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race at Hopeful Stakes Race ngayong Hulyo kaya masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang ngayong buwan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page