top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 15, 2023


Kakasahan ni Prime Billing ang tikas nina Chrome Bell at Cluster ngayong araw sa magaganap na 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Maliban kina Chrome Bell at Cluster, kikilatisin din ng Prime Billing ang ibang kalahok na sina Badboy MJ, Glamour Girle, Grand Monarch at Winner Parade.


Babaybayin ng mga kalahok ang distansiyang 2,000 meter race kaya inaasahang marami ang puwedeng mangyari sa karerang nakalaan ang P1.5M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Prime Billing, puntirya nilang masilo ang first place prize na P900,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Komento ng mga karerista, tiyak na magandang laban ang kanilang masisilayan at paniguradong mahirap pumili ng tatayaan dahil lahat ng kasali ang magagaling na kabayo.


Kukubrahin ng second at third placers ang P300,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod habang tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ang 4th, 5th at 6th.


Mag-uuwi rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.


Samantala, pakakawalan din ngayong araw ng Biyernes ang 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race, pitong kabayo ang magtatagisan ng bilis.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 14, 2023


Pipilitin ni Don Pedro na masilo ang panalo pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sasakyan ni jockey John Allyson Pabilic si Don Pedro, makakalaban niya ang walong tigasing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.


May nakalaan na P20,000 karagdagang premyo sa unang kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina The Alpha Male, Solomo Enni, Heroes Of Caloocan, Golden Jaraywa, Oras Na, Unafraid at magka-kuwadrang Iris at Ang Bigote.


Bagama't wala pang gaanong experience sa pista ang mga kalahok ay inaasahan ng mga karerista na lahat ay may tsansang manalo. "Lamang diyan yung madalas tumakbo sa pista, mga batang kabayo at wala pang masyadong pruweba kaya kahit sino puwedeng manalo," ani Daniel Victorino, veteran karerista.


Samantala, may walong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Lahat ng ilalargang karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Jambo (8), Spaghetting Pababa (5), Lucky Julliane (2)

Race 2 - Golden Jaraywa (6), Don Pedro (5), Iris/Ang Bigote (2/2A)

Race 3 - Taipan One (3), Fredie Wong (5), Flashy (1)

Race 4 - Lucky Lea (9), Money For Sheltex (6), Magnolia Yana (3), Melliflous (2)

Race 5 - May Ten (1), Factorah (2), Janni Banni (10), Coal Digger (8)

Race 6 - Kaboom (1), Rancheros (2), El Mundo (7), Love Radio (4)

Race 7 - Super Cong (11), Riding The Tiger (3), Jannanigans (6)

Race 8 - Windmaster (9), National Treasure (10), Markee's Angel (6), I Tell You (7)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 11, 2023


Hinangaan si Sky Lover noong Linggo ng hapon matapos nitong manalo sa 3-Year-Old Maiden Race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Sinakyan ni jockey John Allysson Pabilic, ipinuwesto nito si Sky Lover sa pangalawa sa largahan upang hindi makalayo ang matulin na si Flashy Bell na ginabayan naman ni Pablito Cabalejo.


Pagdating ng far turn ay bakbakan pa rin sa unahan ang Flashy Bell at Sky Lover pero papasok ng hometurn ay inagaw na ng winning horse ang unahan.


Ganado si Sky Lover, umabot sa dalawang kabayo ang nilamang nito sa rektahan kaya magaan nitong tinawid ang meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nagwagi si Sky Lover ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang si Dreamsoftheworld, tersero si Golden Jaraywa habang pumang-apat si Flashy Bell.


Inilista ni Sky Lover ang tiyempong 1:01 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ang P20,000 added prize.


Nagpakitang-gilas din si Apollo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa pangalawang karera.


Nirendahan ni jockey RA Base, umoras si Apollo ng 1:01.4 sa 1,400 meter race para maibulsa ang karagdagang premyo na P10,000 ng winning horse owner na si FR Sevilla.


Samantala, walong balanseng karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page