top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 25, 2023


Nagpakitang-gilas sa mga karerista si jockey Jomer Estorque matapos ang mahusay na pagkakadala kay Diamond Story kaya nasilo ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nag-abang lang muna sa tersero-puwesto si Estorque at sakay nitong si Diamond Story pag-arangkada sa largahan, pinanood nito ang naglulutsahan na sina Minimal Invasive at The Alpha Male.


Pagsapit ng far turn ay kumuha na ng unahan si The Alpha Male habang si Diamond Story ay nagsisimula pa lang uminit at lumapit sa bumabandera.


Sa home turn ay isang kabayo pa ang lamang ng The Alpha Male subalit sa rektahan ay nakakapit na ang Diamond Story at sa huling 100 metro ay lumampas na ang winning horse sa una. "Maganda ang pagkakadala ni Jomer (Estorque), nagmatyag lang muna at saka gumalaw habang lumalapit sa huling kurbada," saad ni Allan Manansala, veteran karerista.


Tinawid ni Diamond story ang finish line ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si The Alpha Male.


Ipinasa ni Diamond Story ang tiyempong 1:28 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P20,000 added prize, terserong dumating sa finish line si Trump Peter habang pumang-apat ang Riga.


Samantala, may siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya naman nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Ihahanda naman ng connections ni Diamond Story ang susunod na sasalihang karera ng kanilang pambato.


Nasiyahan din ang mga karerista sa panalo ni Charm Campaign sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ang karera noong Linggo ay parte ng pagdiriwang ng 2023 National Disability Prevention and Rehabilitation Week race.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 24, 2023


Nasaksihan ng mga karerista ang tikas ng dehadong Euroclydon matapos angkinin ang panalo sa Condition Race (18) noong Sabado ng hapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.


Mabilis na umarangkada agad si Euroclydon paglabas ng aparato para hawakan ang unahan pero nasundan agad siya ng matulin na si Weather Lang habang nasa tersero si Medaglia D'Amor.


Subalit hindi sina Weather Lang at Medaglia D'Amor ang naging mahigpit na kalaban ni Euroclydon, ang Flattering You ang nagpahirap sa winning horse.


Humarurot mula sa pang-apat na puwesto si Flattering You at inagaw nito ang unahan kay Euroclydon bandang far turn.


Hindi basta bumigay si former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, pinagpapalo nito ng latigo si Euroclydon upang magalit at tumakbo pa ng mabilis.


Nadaan sa tiyaga ni Dilema sa pagpapagalaw sa kabayo, pagdating sa huling 100 metro sa rektahan ay biglang umungos ulit si Euroclydon na dumaan sa tabing balya para kumuha ng unahan at tawirin ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Flattering You.


Inilista ni Euroclydon ang 1:24 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AM De Ubago ang P10,000 added prize.


Tumersero si Hamlet habang pumang-apat si Weather Lang sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, inihahanda si Euroclydon sa susunod nitong sasalihang karera at posibleng isabak sa stake race para puntiryahin ang malaking premyo.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 23, 2023


Magsasanib-puwersa sina Diamond Story at Humble Strike para masikwat ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Makakatagisan ng bilis nina Diamond Story at Humble Strike sina Senor Buboyski, Noble Promise, Riga, Cat's Whiskers, Trump Peter, Lucky Emma, Minimal Invasive at The Alpha Male.


Nakalaan ang P20,000 added prize para sa winning horse owner, ang nasabing karera ay parte sa selebrasyon ng "2023 National Disability Prevention and Rehabilitation Week Race."


Sasakyan ni Jomer Estorque si Diamond Story habang si Christian Advincula ang rerenda kay Humble strike at ayon sa mga hinete ay mapapalaban sila sa nasabing karera.


May distansiyang 1,400 meter race kung saan ay suportado ang karera ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, siyam na karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. ngayong araw ng Linggo kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Kabilang sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng siyam na mahuhusay na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Magbabanatan sa distansiyang 1,600 meter race ay sina Eazacky, Summer Brew, Gusto Mucho, Cam From Behind, Golden Sunrise, Charm Campaign, Attractive Force, My Jopay at La Liga Filipina.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Diamond Story/Humble Strike (2/2A), Lucky Emma (8), The Alpha Male (10)

Race 2 - Gusto Mucho (3), La Liga Filipina (9), Charm Campaign/Attractive Force (6/6A)

Race 3 - Maki Boi (4), Red Hawk (8), Act Of Kindness (2)

Race 4 - Laguardia/Blue Mist (7/7A), Frizmatic (8), Spoiled Brat (11), Munich (6)

Race 5 - Tiger Boy (1), Agidaw/Landslide (8/8A), Krugerrand (4)

Race 6 - Panday Pira (6), Todo Pong (8), Laguna De Bay (1)

Race 7 - Queen Louise (8), Mucho Talker/Club Kensai (1/1A), Electrify (3)

Race 8 - Rogelio (12), Luke Skywalker (1), Sky Lover (2), Silab (7)

Race 9 - Iikot Lang (11), Bucasgrande Island (14), Shine (6), Noh Sen Young Yana (3)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page