top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 12, 2023


Makikipagtagisan ng bilis ang batang kabayong Upscale Bell sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga bukas, (Linggo) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, inaasahang mapapalaban ang Upscale Bell kontra apat na tigasing kabayo sa distansiyang 1,200 meter race.


Nakataya ang garantisadong premyo na P1.2M, ang ibang kalahok ay ang Amor My Love, Bravemansgame, Heartening To See at Sonnet Forty Three.


Base sa komento ng mga karerista sa social media, mahirapan ang mga itong pumili ng kanilang tatayaan dahil mga batang kabayo ang tatakbo at wala pa masyadong pruwebang pag-aaralan.


Sisikwatin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000 habang tig-P150,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Hahamigin naman ng breeder ng winning horse ang P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, paniguradong inaabangan na rin ng racing aficionados ang Lakambini Stakes Race na pakakawalan sa susunod na buwan.


Inaasahang ilalabas ng PHILRACOM ang mga magsasaad ng paglahok sa susunod na araw sa karerang may habang 1,600 meter ang kanilang tatakbuhin.


Mahuhusay at mga dekalidad na kabayo ang posibleng sumali dahil may guaranteed prize itong P2-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 11, 2023


Nanalo si Righteous Ruby sa PHILRACOM Special Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nirendahan ni jockey Mark Gonzales, inirehistro ni Righteous Ruby ang impresibong tiyempo na 1:37. 6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JC Dyhengco ang P150,000 premyo.


Tumersero si Civics Class na nag-uwi ng P56,250 habang P31,250 ang naibulsa ng tumerserong si Platinum Frolic na ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.


Labis ang saya ng mga kareristang tumama sa forecast na may kombinasyon na Righteous Ruby at Civics Class, 1/3 dahil nagbigay pa ng dibidendong P44.00 kada limang pisong taya.


"Ang laki pa ng bigayan sa forecast, parang ang daling tamaan tapos ganun pa ang bigay," masayang sabi ni Victor Manansala, veteran karerista.


Samantala, sasalang ngayong araw si Golden Jaraywa sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa unang karera sa nasabing lugar.


Makakalaban ni Golden Jaraywa sina Moon Island, Trump Peter, Unafraid, cat's Whiskers, Anyah Anyah at Silver Lining sa karerang may habang 1,200 meter race.


Tiyak naman na masisiyahan ang mga karerista sa mga susunod na araw ng karera dahil may mga stakes races na ilalarga ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Golden Jaraywa (7), Cat's Whiskers (4), Moon Island (1)

Race 2 - Don Lucas (2), Noble Promise (1), Biglang Buhos (7)

Race 3 - Walking On Sunshine (1), Bucasgrande Island/Signature Whiskey (7/7A), Rain Rain Go Away (9), Pendant (6)

Race 4 - Agaron/Seychelles (1/1A), Victorious Princess (4), Raga Muffin (2)

Race 5 - Charm Luck (2), Binibini (1), Meet In DCorner (8)

Race 6 - Step Bell/Bullet (8/8A), Maki Boi (6), Can You Guib (5)

Race 7 - Gaelic Flavor/Freestyle (10/10A), Sir Jason (7), Buena Bell (9), Gold N Silver (1)

Race 8 - Blue Thunder (6), Fast And Easy (8), Raxa Bago (4), Christiano (1)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 10, 2023


Matinding bakbakan sa rektahan ang napanood ng mga karerista matapos manalo ng Robin Hood sa PHILRACOM Special Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Pag-arangkada ng mga kabayo sa aparato ay nakipagsabayan ng bilis ang Robin Hood kina The Accountant at Gusto Mucho na kilalang mga matutulin sa largahan.


Nagtagisan ng bilis sa unahan ang The Accountant at Gusto Mucho habang malapit na tersero ang puwesto ng Robin Hood.


Pagdating sa far turn ay nagsimula nang umunat ang Robin Hood kaya naman sa huling kurbada ay nasikwat na ng winning horse ang unahan sa nangungunang Gusto Mucho.


Hindi basta bumigay ang Gusto Mucho, nakipagsabayan pa rin ito ng bilis sa unahan kay Robin Hood sa rektahan at bandang 75 metro na lamang ng karera nakaungos ng todo ang huli.


Ginabayan ni jockey Jomer Estorque, tinawid ng Robin Hood ang meta ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Gusto Mucho.


"Pang-stakes race 'yung ipinakitang takbo ni Robin Hood, batang kabayo kaya malaki ang tsansa niyang mag-umento sa mga darating pang araw ng karera," saad ni Joselito Lompot, veteran karerista.


Inilista ng Robin Hood ang tiyempong 1:39.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P150,000 na premyo, nakopo naman ng nasegundong Gusto Mucho ang consolation prize na P56,250 at pangatlong dumating ang Shining Vic.


Samantala, lahat ng races noong Linggo ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).



 
 
RECOMMENDED
bottom of page