top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 18, 2023


Napipisil na pang primera ng karera tipsters ng programa ang kalahok na si Winner Parade sa magaganap na 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Subalit inaasahang mapapalaban pa rin si Winner Parade dahil may mga angking galing din sa larangan ng karera ang ibang kalahok sa nasabing event na may distansiyang 1,200 meter race.


Sasakyan ni class A jockey John Alvin Guce, makakatagisan ng bilis ni Winner Parade sina Malabon King, Dreamsoftheworld, Moon Island, Flashy Bell, The Alpha Male, Come Back Stronger at Golden Jaraywa.


May nakalaan na P20,000 added prize na kukubrahin ng mananalong kabayo sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Base sa komento ng mga karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay Winner Parade ay sina Dreamsoftheworld at Golden Jaraywa na sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.


Samantala, isa pang aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng walong mahuhusay na kabayo sa Condition Race Merged na ilalarga sa pangalawang karera.


Mag-uunahan sa meta ang mga kalahok na sina King Hans, Golden Sunrise, Goldsmith, Gomper Girl, Sylvia Plath, Eazacky, Pharaoh's Fairy at Under Pressure.


Nakalaan naman ang P10,000 karagdagang premyo sa distansiyang 1,200 meter race, magsisimula sa nasabing race ang winner take all (WTA) kaya tiyak na pag-aaralan mabuti ng mga karerista ang mga kasali para maka-isang puntos agad.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Winner Parade (8), Golden Jaraya (7), Flashy Bell (4)

Race 2 - Gomper Girl (5), Golden Sunrise (2), King Hans (1)

Race 3 - Electrify (6), Phraoh's King (4), Mythic Layla (3)

Race 4 - Speak Easy (4), Song Of Silver (5)

Race 5 - Lemon Bell (7), Grand Majesty (6), My Dad Bogart (3)

Race 6 - Frizmatic (5), Oh Rootie (2), Smart Julliane (3)

Race 7 - Love Radio (4), Ayuda/Moderne Verde (1/1A), Shine (2)

Race 8 - Rain Rain Go Away (2), Janni Banni (11), Sun Moon Lake/Noh Sen Young Yana (1/1A)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 17, 2023


Target ng connections ni Gomezian na masilo ang titulo sa 2023 PHILRACOM "4-Year-Old & Above Sprint Race" na ilalarga sa Agosto 20 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Maliban kay Gomezian, nagsaad din ng pagsali sa nasabing karera ang mga tigasing sina Gusto Mucho, Attractive Force, Bravo at Life Gets Better.


Rerendahan ni class A rider O'Neal Cortez si Gomezian para makipagtagisan ng bilis sa iba pang naghayag ng paglahok sa karerang nakalaan ang P1.5-M guaranteed prize.


Ang iba pang nominado ay sina Agi Daw, Ambisioso, Asiong, Main Event, Palauig, Stardust at Weather Lang.


May distansiyang 1,000 meter race, hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang tig-P150,000, P75,000, P45,000 at P30,000 ang third hanggang fourth ayon sa pagkakasunod.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng tangkilikin ng mga karerista ang mga kalahok na Gomezian, Gusto Mucho at Attractive Force.


"Mahirap na karera, mahirap mamili lalo na at maraming dehadong nananalo ngayon sa stakes race," ani Victor Gil, veteran karerista.


Magbubulsa rin ang breeder ng winning horse ng P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000.


Samantala, may mga malalaking stakes races pa ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong buwan.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 16, 2023


Bumilib ang mga karerista sa tibay ni Super Spunky sa balikatang labanan matapos manalo sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Nasilayan ng mga karerista kung paano pinahirapan si Super Spunky bago nasilo ang panalo.

Paglabas ng aparato ay nagtagisan na agad ng bilis sa unahan sina Super Spunky at Don Pedro na umabot hanggang home stretch.


Patuloy ang bakbakan sa unahan ng dalawang kabayo at sa huling 150 metro ng karera sa rektahan ay umungos na si Super Spunky.


Nanalo si Super Spunky ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang si Don Pedro habang tumersero si Time Traveller.


Ginabayan ni jockey Cezar B. Ardona, inirehistro ni Super Spunky ang tiyempong 1:01 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JA DiChaves ang P20,000 added prize.


Pumang-apat sa nasabing karera ang Batang Batute na ginabayan ng hineteng si Isaac Ace Aguila.


Samantala, inihahanda ang Super Spunky sa susunod na karerang tatakbuhin kaya naman tiyak na aabangan ito ng kanyang mga tagahanga.


Nasiyahan naman ang racing aficionados noong Linggo dahil umabot sa walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page