top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 5, 2023


Kikilatisin ang husay ni Secretary ngayong araw pagsalang nito sa 2023 PHILRACOM Lakambini Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Makakatagisan ng bilis ni Secretary ang 10 pang tigasing kalahok sa pangunguna nina Chrome Bell at Domsat Seven sa distansiyang 1,600 meter race.


Sasakyan ni jockey Mark Gonzales si Secretary, maliban kina Chrome Bell at Domsat Seven at ibang kasali ay sina Earli Boating, Glamour Girle, I Under Oath, Keep Da Trick, Sister Moon, Winner Parade, Wolfgang at Amiable Maxinne.


May nakalaan na P2-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Sisikwatin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.2-M, mapupunta ang P400,000 sa pangalawa habang tig-P200,000, P100,000, P60,000 at P40,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.


Ibubulsa ng breeder ng winning horse ang P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third.


Samantala, pakakawalan din ang 1st Leg Juvenile Stakes Race kung saan may walong kabayo ang magbabanatan sa karerang may distansiyang 1,200 meter race.


Maliban sa dalawang derby, may mga regular na karera ang ihahanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya nasa walong races ang mapapanood ng mga karerista at magiging masaya ang kanilang paglilibang. Pili ni Green Lantern:


Race 1 - War Cannon (3), Hamlet/Moderne Cong (6/6A), My Jopay (1)

Race 2 - Jambo (5), Believe Me (2), Happy Julliane (3)

Race 3 - Mommy's Love/Amor My Love (6/6A), Sonnet Forty Three (3), Blame The Ghost/Bravemansgame (1/1A)

Race 4 - Secretary (10), Chrome Bell (9), Sister Moon (4)

Race 5 - Caraga Wonder (6), Chef Cat (11), Shine (3), Antonio Delamugis (4)

Race 6 - Golden Buzzer (5), The Barrister (6), Mettle Strength (4)

Race 7 - Sun Dance (8), Janni Banni (2), Smart Julliane (11), El Mundo (3)

Race 8 - Sultanov (11), Che Che (13), Bullet (7), Noir (2)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 2, 2023


Masisilayan ng mga karerista ang bakbakan ng siyam na tigasing kabayo sa magaganap na 2023 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Stakes Race na pakakawalan bukas sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Kabilang sa mga kasali si Sonnet Forty Three na handa ng ipakita sa kanyang mga tagahanga ang husay sa karerahan.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema si Sonnet Forty Three na posibleng mapalaban sa magka-kuwadrang sina Blame The Ghost at Bravemansgame.


Maliban kina Blame The Ghost at Bravemansgame ang ibang makakatagisan ng bilis ni Sonnet Forty Three ay sina Amor My Love, Artsev, Ghost, Heartening To See, Malibu Princess at Mommy's Love sa distansiyang 1,200 meter race,


Ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line ang nakalaan na P1.8 guaranteed prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa pangalawa ang P360,000 habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang 6th placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang tig0P54,000 at P36,000 ang second at third.


May kabigatan ang papasanin ng colt sa filly, dadalhin ng lalaking kabayo ang 54 kgs. habang sa babaeng kabayo ang 52 kgs.


Ilalarga din sa nasabing petsa ang Lakambini Stakes race na sasalihan ng 11 mahuhusay na kabayo.


Inaasahang mapapahirapan ang mga karerista sa kanilang pipiliin na kabayong tatayaan at tiyak din na kalat ang magiging bentahan sa takilya.


Samantala, dahil sa mga umatakeng bagyo na Goring at Hanna ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan kahapon at para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga hinete at kabayo ay kinansela na lamang ang karera kahapon ng Biyernes.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 1, 2023


Makikilatis ang tikas ni Benjie's Prayer pagsalang niya sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


May distansiyang 1,200 meter race, makakalaban ni Benjie's Prayer ang limang mahuhusay na kabayong kasali sa event na nakalaan ang P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line.


Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, makakatagisan ng bilis ni Benjie's Prayer sina Lucky Noh Noh, Double Happiness, Fantastic Silver, Rockaway at Red White And Blue.


Base sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang-gilas din sina Lucky Noh Noh at Rockaway na kilalang matitikas na kabayo.


"May kahirapan pa rin sa pagpili kahit patukan sa karera tipsters, magagaling mga kasali kaya dapat mapag-aralan ang mga dating tiyempo ng mga kasali," saad ni Henry Victoria, veteran karerista.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang karagdagang P10,000 premyo sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, may walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga PIli ni Green Lantern:


Race 1 - Benjie's Prayer (5), Rockaway (4)

Race 2 - Kalanggaman Island (4), Frizmatic (5), Columbus (8)

Race 3 - Quid Pro Quo (2), Ring A Bell (3), Speedy Wego (6)

Race 4 - Uncle Vhine (2), Guerrero Warriors (6), IceMan (5)

Race 5 - Tenteng Enteng (1), Since When (2), Sultanov (10)

Race 6 - Atomic Bomb (4), Under Pressure (1), Sebrything/Factorah (2/2A)

Race 7 - Signature Whisky (3), Che Che (6), Noir (8), Dollarama (1)

Race 8 - Sun Dance (7), Static (5), Janni Banni (14), My Dad Bogart (3)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page