top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 25, 2021


ree

Tanggap ni Yassi Pressman na si Julia Montes na ang bagong leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa katunayan ay masaya siya dahil ka-join na ang aktres sa action serye ni Cardo Dalisay na anim na taon na ngayong Setyembre.


Isa si Julia sa bagong karakter na pumasok sa FPJAP bilang si Mara at obviously, bagong love interest ni Cardo dahil nawala naman agad si Jane de Leon bilang si Capt. Lia Mante dahil sa bago nitong TV series na Darna.


Anyway, sa ginanap na renewal ng kontrata ni Yassi sa Viva Artist Agency ay natanong siya tungkol sa pagpasok ni Julia sa programa kung saan umabot siya nang mahigit na apat na taon.


“I’m so excited. Nu’ng nakita ko po (trailer), sabi ko, ‘This definitely a great move. Sigurado po ako na nami-miss ng mga tao si Julia Montes.


“Ang tagal-tagal n’ya pong nagpahinga siguro or I don’t know what she did but I’m sure it was great for her. And for her to be coming back po and dito po sa show na Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat.


“And I wish her the best. Kasi alam ko po na kahit ano pong gawin ng Ang Probinsyano family, it’s always going to be worked on hard, tapos pinag-isipan po nang mabuti at lagi pong exciting.”


Samantala, bukod sa weekly game show ni Yassi sa TV5 na Rolling In It Philippines ay may bago siyang TV series na Pinoy version ng Korean movie na More Than Blue kasama sina JC Santos at Marco Gumabao.


Aniya, “I’m so honored to have been chosen to play this character kaya I’m so excited po talaga. I read the script many times na po and every time, I cry. Every time I feel what the character’s feeling, tapos I feel for the different characters as well.”

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 24, 2021



ree

Ilang araw nang pinag-uusapan ang pag-unfollow ni Paolo Contis sa live-in partner niyang si LJ Reyes sa Instagram, pati ang pagtanggal niya ng masasayang larawan nila kasama si Aki na anak ng aktres kay Paulo Avelino.


Bukod-tanging larawan lang nila ng anak nila ni LJ na si Summer ang itinira ni Paulo at mga larawan ng co-actors niya sa mga ginawa niyang pelikula tulad ni Yen Santos.


Pero si LJ ay patuloy pa ring naka-follow sa ama ng anak niyang si Summer.


May sagot na ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa dahil kinumpirma na nga ng talent manager na si Manay Lolit Solis na hiwalay na ang dalawa sa kanyang Instagram post nitong Linggo nang gabi.


Ang caption ni Manay Lolit sa ipinost niyang larawan nina Paolo at LJ, “Naku, ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos, Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen Santos, 'noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari.”


At ipinagdiinan ng talent manager na walang 3rd party sa paghihiwalay ng dalawa.


“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon.


“Kesa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay nang maayos, at dasal na mag-end as friends.


“Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ, 'noh!


“Huwag nang guluhin ang issue, huwag nang magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah-hah. Stop na natin script sa ending nina Paolo at LJ, huwag nang dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya.


“Ganu'n lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga, 'di ba, Salve at Gorgy, ayaw n’yo ng triangle love affair, 'di bah? Kaya, tapusin na du'n ang story. Finish na. Babuuuu ! #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun.”


Hindi naman naniniwala ang netizen na si @colleen_denice sa sinasabing na-outgrow na ang romance dahil kung laging ganu'n ang dahilan ay walang mabubuong pamilya.


Aniya @colleen_denice, “Ganern, may pa-outgrow ng romance? Kung ang lahat ng tao, may ganyang pag-iisip, walang buong tahanan. Walang buong pamilya. I understand pa if maghiwalay kasi merong 3rd party, may pang-aabuso na involved. Pero 'yung na-outgrow ang romance? Bullsh*t. Mawawala ang romansa sa isang couple kapag 'yung isa, eh, nakahanap na ng bagong romansa sa iba.”


Iba naman ang paniniwala ni @kaylavldz sa hiwalayan, “Parang si Paolo, lumaki ang ulo. Siyempre, mas marami siyang projects kay LJ ATM (at the moment). Parang love story lang nina Chris Pratt at Anna Faris (Hollywood actors, naghiwalay after 8 years of marriage).


Sumang-ayon naman si @jemappellekristel sa hiwalayan at ikinumpara pa kina Carmina Villaroel at Rustom Padilla na ngayon ay kilala bilang si BB Gandanghari.


“Korek! Except sa case nina Carmina at Rustom na 'yang 'outgrow' din ang idinahilan ni Carmina pero ‘yun ay para itago ang kanyang kasarian. Hmmm, teka langgg, baka naman. Pakulot ko nga hair ko. Char.”


Bukas ang BULGAR sa panig nina LJ at Paolo.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 23, 2021



ree

Si Jackie Chan ang itinapat ng Shopee kay Hyun Bin na endorser ng kakumpitensiyang online shopping app, kaya tuwang-tuwa ang mga regular buyers ng nasabing app dahil sinayawan lang ng global superstar at movie icon ay nag-'crash landing' na ang Korean actor.


Sabi nga ng ilang Shopee addicts, “Sayaw lang ni Jackie, pamatay na kay Hyun Bin.”


Samantala, hindi naman nakadalo si Kris Aquino sa isinagawang Zoom mediacon ng Shopee na siya sana ang magpapakilala kay Jackie Chan. Sayang, sigurado kaming marami itong masasabi sa legendary actor.


Nanghinayang nga rin ang mga imbitadong vloggers at media dahil wala si Kris. Gayunpaman ay nasiyahan naman nang husto ang lahat dahil bumaha ng premyo sa isinagawang pa-games at sangkatutak ang pa-raffle.


Anyway, ang sikat na bida ng pelikulang Rush Hour ang bagong brand ambassador ng Shopee ngayong ‘ber months’ para sa promo nila simula ng 12 midnight hanggang 2 AM sa September 9.


Isa pang kinatuwaan ay nang magsalita ng Tagalog si Jackie na, “Bili na sa Shopee. Salamat Shopee.”


Ayon kay Ginoong Martin Yu, director ng Shopee Philippines, “The pandemic continues to affect both individuals and businesses. As communities continue to live, work, shop, and play from home, we have stepped up our efforts to ensure users have access to their daily essentials through our shopping campaigns.


“We are also committed to supporting local MSMEs and have launched a series of support initiatives as well as Support Local campaigns to generate greater visibility and enable users to easily identify and support local businesses. We look forward to bringing some joy to our local communities during this year-end season.”


Say naman ni Jackie, “I enjoy putting a smile on people's faces. It's exciting to partner with Shopee to celebrate the action-packed year-end festival and bring more joy to my fans and Shopee users. I had a lot of fun working with Shopee and I think people of all ages will enjoy the activities and content that we have prepared together. I hope everyone can join us to make the year-end shopping season a memorable one.”


Abangan sa Setyembre 9 sa GMA-7 ang bagong ipapakilalang sikat na K-Pop group na makikiisa sa mega sale ng Shopee bukod sa iba pang performers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page