top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 22, 2022

ree

Nang matsismis si Michelle Vito na buntis ay okay lang sa kanya kasi hindi naman totoo. Pero nu’ng paulit-ulit na itong pinag-uusapan ay na-stress siya nang sobra.


Inamin niya ito kay Ogie Diaz nang magkita sila sa 1st birthday ni Baby Felize na anak nina McCoy de Leon at Elisse Joson.


In-upload ito ni Ogie sa Showbiz Update YouTube channel niya kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.


Sabi ni Michelle na natatawa habang katabi ang boyfriend na si Enzo Pineda, “Hindi, pero mas na-stress ako noong ang dami nang tuluy-tuloy nagko-comment. Pero kasi, ayaw ko ‘yung parang pinag-uusapan. ‘Yun ‘yung ayaw ko, eh.”


Say ni Enzo, “Hindi ko nga alam na may ganu’ng nangyari nu’ng time na ‘yun. Nagulat na lang ako, tumawag ‘yung daddy ko, (tinanong) ‘Buntis ba si Michelle?’ Sabi ko, ‘Hindi ko alam, bakit?’”


Sagot daw ng tatay ng aktor, “Kasi nasa news, eh.”


“Huh? Sabi ko, ‘Dad, wala, busog lang si Michelle,’” natatawang sabi ni Enzo.


Kaya ang realization ni Michelle, “Hindi ako kakain 'pag nag-swimsuit. Hahahaha!”







 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 21, 2022

ree

Lalong tumibay ang hinala ng lahat na hiwalay na sina Kylie Versoza at Jake Cuenca dahil naging emosyonal ang ex-beauty queen sa It’s Showtime episode nitong Martes, Abril 19.


Isa si Kylie sa mga hurado sa Sexy Babe segment kasama sina Chie Filomeno at Ruffa Gutierrez.


Napag-usapan ni Vice Ganda at ng contestant sa nasabing segment ang mga signs of breaking up kung saan ikinuwento ng huli ang mga senyales at kapag ganu’n daw ay wala na siyang magagawa kundi tanggapin ito.


Napansin ni Vice na affected si Kylie kaya tinanong niya ang aktres-beauty queen, “Uy, si Kylie, parang nag-iisip. May pinagdaraanan ka bang challenge o may nakikita kang sign?”


Natawa at napahawak sa buhok niya si Kylie at naging emosyonal na kaya panay ang hingi ng sorry.


Nilapitan siya ni Vice at niyakap, at maging sina Chie at Ruffa ay lumapit din para i-comfort siya.


Hirit ni Vice, “'Wag naman nating isipin na may pinagdaraanan. Baka may naisip lang s’yang ano, 'di ba? Minsan, kahit hindi tayo, naa-affect tayo.”


Baka nasundot daw ang emosyon ng dalaga, ayon naman kay Vhong Navarro na isa rin sa mga hosts ng segment.


Naaliw kami kay Ruffa dahil nang sinabi ni Vice na sumayaw siya para mapagaan ang pakiramdam ni Kylie ay kaagad namang tumalima ang TV host-actress sa awiting Tala ni Sarah Geronimo.


At in fairness, nagkatawanan talaga ang lahat.


Sabi nga ni Vice, “Si Ruffa talaga 'yung best friend mo na gagawin lahat para lang mapatawa ka.”


Sabay sabi ni Ruffa, “Tanungin naman natin kung ano'ng nangyari. Oh, my gosh! Baka naman you wanna say something.”


Pero pinigilan kaagad ito ni Vice dahil baka raw lalong umiyak ang dalaga.


“Ayoko. Ayoko namang tanungin. Minsan, meron tayong mga fragile moment,” katwiran ni Meme Vice.


“Na-touched lang ako, Meme,” sambit ni Kylie.


“'Di ba, may maaalala ka, tapos mata-touched ka? Tapos, para sa ibang tao, masasaktan ka ulit. Hindi naman kinakailangang ikaw, 'di ba? Maiiyak ka for them.


“Kasi maraming tao ngayon ang nalilito kung ang pinagdaraanan ba nila ay kung another challenge lang o sign ba ito na talagang kailangan nilang pag-aralan,” paliwanag ni Vice.


Abangan na lang ang official statement nina Jake at Kylie kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.


Balita namin ay nitong Marso pa naghiwalay ang dalawa kaya mapapansing ilang araw nang malungkot ang mga mata ng dalaga.





 
 

ni Reggee Bonoan - @Teka Nga! | January 21, 2022



Blind item:


Sa panahon ng pandemya na walang masyadong project ay may mga kakilala kaming artista na nangangatok sa mga kakilalang producer at direktor na sana ay maisama sila kapag may bagong show o project na gagawin.


Maliban na lang sa mga superstar o super-sikat na talaga dahil ang trabaho na ang mismong lumalapit sa kanila, kahit pa katatapos lang nila ng isang proyekto.


Perfect example rito si Jodi Santamaria na pagkatapos ng seryeng Ang Sa Iyo ay Akin ay siya ang napiling gumanap na Dra. Jill Ilustre sa The Broken Marriage Vow na mapapanood na sa Lunes, Enero 24.


Ang bida sa aming blind item ay isang aktor na bilang na nga lang ang proyektong dumarating sa kanya ay namimili pa dahil hindi niya type ang maging suporta lang.


Inalok ang aktor na maging second lead sa bida pero tumanggi siya dahil ang katwiran niya ay nagbida na siya at hindi na puwedeng bumaba sa level na lead role.


Naloka ang producer at direktor na ang tanging sagot lang ay, “NOTED!”


Ito naman kasing si aktor, wala na ngang regular na trabaho at wala rin kaming alam na may negosyo siya para sana may pagkunan ng gastusin sa araw-araw, eh, namimili pa.


Ilang beses na nga siyang naba-blind item na kailangan daw niya ng trabaho base sa mga kaibigan niya, pero namimili naman ng role. Dapat daw ay bida siya.


“Bida pala lagi ang gusto niya, sana, inaayos niya ang pag-arte niya para hindi siya nawawalan ng project. Minsan lang naman siya nakatikim ng lead role, ah?” sabi ng nakatsikahan naming artista rin na naka-work niya.


Oh, well, may ganu’n talaga, para sa profile na 'pag tiningnan, eh, pang-leading man siya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page