top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 27, 2022

ree

'Pag si Luis Manzano ang nakaisip ng kalokohan ay tiyak na bentang-benta ito sa mga netizens tulad ng ginawa niyang pagpa-prank call sa nanay niyang si Congresswoman Vilma Santos-Recto kasabwat si Willie Revillame.


Sa nakaraang guesting ni Luis sa Wowowin ni Willie via live streaming sa Facebook at YouTube nitong Lunes, Abril 25, ay tinawagan ng una ang ina pero si Willie ang kausap ni Ate Vi.


Isa ring pang-asar ang bati ni Kuya Wil sa Star for All Seasons, “Kayo po ba si Ate Guy (Nora Aunor)? Hello, Ate Guy?”


Sumagot naman kaagad ng “Hindi” si Ate Vi.


Sabi ulit, “Ako si… yeah, tama, you’re right, Noranian!”


Kasi pala, nabosesan na niya si Willie sa kabilang linya.


“Ay, si Willie ka! Luka-luka! Willie, siraulo mo, ha? Hi, Willie, how are you?” ang chika ni Vilma. “Hi Willie, kumusta na? I love you! I miss you.”


At nagbalik-tanaw ang Wowowin host na ikinuwento kay Luis na ang mama nito ang ninang niya sa kasal kay Liz Almoro noong Hunyo, 2005.


Tanong ni Willie kay Ms. Vilma, “Ninang kayo nu’ng pangalawa, 'di ba? Alam n’yo ano ang nangyari? Hiwalay!”


Tawa naman nang tawa ang mama ni Luis sa sinabing ito ni Kuya Wil.


At kinuha naman palang ninong sa kasal nina Luis at Jessy Mendiola si Willie na ginanap sa Lipa City, Batangas noong February, 2021.


Say ni Ate Vi, “Willie, I just want to congratulate you. Maraming-maraming salamat sa ginagawa mong sharing sa mga kababayan nating nangangailangan. Ibang klase ka talaga. That’s the only way na pasasalamat natin sa mga taong inilagay tayo kung saan tayo ngayon. 'Yun bang payback time.”


Sa unang pagkakataon at sa tagal nang magkaibigan nina Willie at Luis ay ngayon lang dumalaw ang huli sa show na Wowowin dahil digital na ito.


Dati kasi ay magkatapat ang programang Minute to Win It ng ABS-CBN na si Luis ang host at ang Wowowin ng GMA-7.


Ang sabi ni Luis, “Alam n’yo po, nagkakataon na magkatapat 'yung mga programa namin, eh, talagang hindi nawala ‘yung pagkakaibigan namin ni Tito Wils. Ang gusto lang namin, tumulong, magpasaya. 'Yun lang.”


Ayon naman kay Willie, “Baka hindi n'yo alam, nagmi-meeting kami dito at nag-uusap kami. Ang nakakatuwa kay Luis, eh, nagsi-seek siya ng advice sa akin. Itong batang ito, very honest, very humble. Nakikita ninyo na masayang-masaya ito, ang puso nito, napakababang-loob sa ating mga kababayan.”


Iisa kasi ang takbo ng utak at mga adhikain nila sa buhay kaya magkaibigang tunay sina Willie at Luis.




 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 25, 2022

ree

Kahit na biro ang sinabi ni presidential aspirant Isko Moreno na libreng booking ang mga miyembro ng LGBT sa anak niyang si Joaquin Domagoso ay hindi ito maganda bilang ama ng binata.


Kahit binawi ito ni Mayor Isko na nagbibiro lang daw siya, namenosan na siya ng boto sa ilang netizens na naringgan naming nagsabing, “Hindi mo dapat ginagawang biro ang miyembro ng pamilya mo lalo’t anak mo pa. Puwede kayong magbiruan na kayu-kayo lang, pero sa publiko na naririnig ng buong Pilipinas dahil kumakandidato kang presidente? Hindi tama ‘yun!”


Ito rin ang pahayag ng batikang manunulat at Cristy Ferminute and Showbiz Now Na host na si ‘Nay Cristy Fermin na hindi rin nagustuhan ang biro ni Mayor Isko.


Sa kaa-upload lang nitong video sa Showbiz Now Na YouTube channel kasama sina Morly Alinio at Rommel Chika ay binanggit ito ni ‘Nay Cristy.


“Hindi ko gusto ‘yun! ‘Yung ginawa ni Mayor Isko Moreno na umakyat siya doon sa kanyang rally, tapos may mga LGBTQ doon, nagsigawan. (Sabi ni Isko) Bibigyan ko kayo ng booking, libre.’


“Hulaan mo (kung) sino ‘yung libreng booking (baling kay Rommel), si Joaquin!” bungad ni Nanay Cristy.


Ipinakita ang video na binati ni Mayor Isko ang mga miyembro ng LGBTQ, “Mamaya, ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre booking.”


Naghiyawan ang lahat sabay labas naman ni Joaquin sa entablado na tila lulundag sa maraming tao.


Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Napanood ko ‘yung video. Nakita ko rin ‘yung translation. Kasi kami, hindi namin siya (Isko) kabisado. Sinabi niya, may libre raw na booking. Ang showbiz po, ito po ay isang hulmahan ng kilos ng isang artista, huwag na po tayong magmalinis, ‘wag na tayong mambato ng putik sa iba na parang tayo ay walang kadungis-dungis, alam naman natin ‘yan, ‘di ba?”


Sabi naman ni Rommel, “Kung sinabi po niya ito para lang pasayahin ang mga LGBT nu’ng gabing iyon, pangit!”


Hirit ni Morly na may mga anak na pawang mga lalaki ay, “Bilang isang magulang, hindi ko gagawin ‘yun! Puwedeng mangyari ‘yun, Ate Cristy, na ibinooking ang anak mo na hindi mo sinabing magpa-booking ka sa sarili niyang kagustuhan na wala kang alam, ‘di ba? Pero para ialok mo sa mga tao na libreng booking?”


“Nakakalungkot lang na nu’ng pumasok si Mayor Isko sa showbiz, ang tawag namin sa kanya ‘lalaking Nora Aunor.’


Kasi ‘di ba, ang ganda-ganda ng kanyang istorya. Saan ka nakakita na namamatsoy ng basura mula umaga hanggang gabi kapag walang pera?


“Manok ang pinupulot nila sa mga food chain. Kapag may pera si Aling Chayong, ‘yung nanay niya, nakakabili sila ng isda saka karne.


“Bakit hindi tutulo ang luha mo o mawawasak ang puso mo sa isang tulad ni Mayor Isko Moreno na produkto ng basurahan?


“Hindi roon nahinto ang kanyang pangarap. Nag-aral siya, nag-artista siya, kumuha siya ng mga kursong may kinalaman sa kanyang pagiging pulitiko at nagsipag talaga siya kaya nakakatuwa,” pag-alaala ni Nanay Cristy.


Samantala, may payo ang isa sa mga tumulong kay Mayor Isko noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz para masulat sa limang magazine ng Mariposa Publications na si Morly.


Ani Morly, “Ako, bilang isa sa mga naging hagdan (pag-akyat ni Yorme) ay masaya ako sa kanyang kinalalagyan kasi hindi man niya pinapansin ‘yung nagawa ko na ako ang nagbukas ng kanyang kuwento sa tunay na kahirapan, at least, hindi ako nabigo na maiangat siya.”


Biniro ni ‘Nay Cristy si Morly dahil teary-eyed na pero itinanggi ito ng huli, “Hindi ako umiiyak, Ate Cristy, nagbabalik-tanaw lang ako.”


At dito na lumabas ang lahat ng mga hindi alam ng tao dahil isa-isa na itong ikinuwento ni Morly.


Panoorin ang Showbiz Now Na para malaman kung anong tulong ang nagawa sa kanya ng manunulat at isa sa host ng YT channel nila nina ‘Nay Cristy at Rommel.


Ang payo ni Nanay Cristy kay Mayor Isko, “Sana, managalog na lang, tutal masang Pilipino ang kanyang kinakausap. Pero ‘yung layo ng naabot, walang kuwestiyon.


“Kaya lang, lagi sana niyang tatandaan, ang paglundag ay unti-unti. Ang pagpapalipad ng saranggola, hindi muna matayog agad. Unti-unti ‘yan, level-level ‘yan, hanggang sa maabot mo.”





 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 24, 2022

ree

Walang narinig na ‘oo o hindi’ kung hiwalay na ba o hindi pa sina Kylie Versoza at Jake Cuenca sa face-to-face mediacon ng pelikulang Ikaw Lang ang Mahal mula sa Viva Films na idinirek ni Richard Somes at mapapanood sa Vivamax sa Mayo 20.


Inaasahan kasi ng mga invited media at vloggers na magbibigay na ng statement si Kylie tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jake dahil nga puro cryptic messages ang mga nababasa sa Instagram stories niya at gayundin ng aktor na recently ay nagsabi ng, “I will try to fix you.”


Simula pa lang ng mediacon ay nakiusap na kaagad si Kylie, “Please, huwag n'yo na lang itanong 'yan sa akin.”


Sa tanong kung kumusta siya, ang matipid nitong sagot, “It’s getting better every day! Salamat sa lahat ng respetong ibinibigay n'yo sa akin sa pinagdaraanan ko sa panahong ito. Sobrang grateful lang ako.”


Naitanong din kung kumusta ang estado ng puso ni Kylie kasama ang mga co-actors niyang sina Cara Gonzales at Zanjoe Marudo.


“Ako po, I’m getting better every day. ‘Yun na ‘yun, getting better every day. Lumalakas every day. Kasi alam mo naman ‘yun, nag-e-exercise tayo. Mahilig kasi akong mag-exercise, so the more you exercise, mas lumalakas ang puso n’yo,” saad ng dalaga.


Follow-up question kay Kylie, kung may nagsabi na sa kanya ng "Ikaw lang ang mahal" pagkatapos ng failed relationship niya sa isang aktor. Obviously, si Jake ang tinutukoy na aktor.


“Hindi ko po matatawag na failed relationship,” sambit ng aktres.


Tanong ulit kay Kylie, “Ay, bakit hindi? Kayo pa ba? Hindi ba nag-break na kayo? Kayo pa rin?”


Natigilan si Kylie na halatang gusto nitong maiyak at ibinaba na ang mikropono at hindi na nito sinagot ang tanong, bagay na hinangaan ng lahat dahil ang ganda ng pagkaka-handle niya.


Sa huling tanong na mahal ang magmahal in terms of gastos, “Hindi ko siya kino-consider na gastos kasi mahal mo ‘yung tao, eh,” mahinahong sagot ng dalaga.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page