top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 30, 2022

ree

Sobrang na-miss ba ni Rayver Cruz ang ka-love team niya sa TikTok na si Julie Anne San Jose dahil paglabas niya sa locked-in taping niya nitong Biyernes ay binisita niya kaagad ang dalaga?


Isang buwan si Rayver sa locked-in taping ng teleseryeng Bolera kasama si Kylie Padilla at nitong Huwebes (Abril 28) lang siya umuwi ng Manila.


Imbes na magpahinga ay nakita naming magkasama sila ni Julie Anne base sa ipinost niyang sumasayaw sila sa awiting Ain’t Thinking About You ni Chris Brown na ipinost niya sa kanyang Instagram account.


Ang caption ni Rayver ay, “Ayee.”


Halatang galing sa locked-in shoot ang aktor dahil umitim siya at agad dumiretso sa bahay nina Julie Anne, base sa nabasa naming komento.


Pambubuking ni @deynsdvilla, “Nasa bahay ka na naman ni Julie Anne, homaygad, kailangan ko ng label, hahaha!”


Sabi naman ni @medz_perez_abala, “@deynsdvilla report agad sa love niya.”


Sagot ni @jasminesamson63 kay @deynsdvilla "What you see is what you get - Rayver Cruz.”


Sabi pa ni @joanee1206, “Dyosko, nasa bahay na naman s'ya ni Julie. ‘Yan ang manliligaw, dapat, pumunta sa bahay.”


Hmmm, so, nanliligaw na si Rayver kay Julie Anne?


Napag-isip-isip niya habang nasa taping siya na it’s about time na magkaroon na siya ng kasintahan kaya diretso siya kaagad sa "My Japs" (pangalan ng aktres) niya?


Tatlong emoji hearts naman ang komento ng pinsan ng aktor na si Sunshine Cruz na umabot sa 440 likes and still counting.


Reaksiyon ng kaibigan ni Rayver na si @ea_guzman, “Nayswan! Kill it JulieVer.”


As of this writing ay almost 30K na ang nagkagusto sa TikTok dance na ito nina Rayver at Julie Anne.


Hmm, kailan kaya aamin ang JulieVer?


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 29, 2022

ree

Grabe, hindi namin matagalan ang mga bayolenteng eksena sa pelikulang Kaliwaan na pinagbibidahan nina AJ Raval at Vince Rillon na idinirek nina Daniel Palacio at Brillante Mendoza.


True-to-life ang Kaliwaan, base sa kuwento ni Direk Brillante sa ginanap na private screening nito sa Gateway Cinema 7 nitong Miyerkules.


Well, matagal na itong kuwento na ito, nabanggit ko naman in the past na kahit hindi ako gumagawa ng pelikula, naghahanap talaga ako ng kuwento, lifestyle ko na ‘yun.


“Isa ito sa mga na-gather ko na kuwento kapag nagre-research ako, and si Daniel naman, marami na akong na-produce na pelikula niya at sa kanya ko ipinagkatiwala ito kasi challenge sa kanya dahil sabi ko, gusto ko, violent. Eh, hindi siya ganu’n tipo, so challenge talaga ito sa kanya,” bungad na kuwento ni Direk Brillante na ayon kay Direk Daniel ay hindi siya iniwan sa entire shoot ng Kaliwaan.


Ngayong Abril 29 ang streaming ng Kaliwaan sa Vivamax na tinatampukan nina Monica (AJ), Muslim admirer na si Raji (Juami Gutierrez), dyowang security guard na si Boogie (Vince), ang tiyuhing si Marlon (Mark Anthony Fernandez), matadero at hitman na si TJ (Felix Roco) kasama rin si Irma Adlawan bilang ina ni Vince.


Maraming sex scenes si AJ kina Vince, Felix, Raji at Mark kaya aminadong napagod siya.


“Meron pong araw na parang buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako. Tapos, nu'ng pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Locked-in kami nu'n, eh.


“Tapos pumunta ako sa friend ko, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak. Parang nadala ko po 'yung emosyon ng karakter,” pag-amin ni AJ.


Nakakagulat para sa amin ang eksena nila ni Mark Anthony na habang nasa spa ay ang 45 caliber na baril ng aktor ang ipinasok niya kay AJ na talagang nasasaktan na at nakikiusap na tigilan na habang hinahalikan siya sa binti at boobs.


“Si Kuya Mark, 'di ko alam, aliw na aliw po ako sa kanya na katrabaho. Parang after nu'n, gusto ko na siyang maging tropa. Nakakaaliw po siya. Tapos, 'yung eksena po namin, very ano naman po siya, very professional. Saka 'yung mga restrictions, talagang nagtatanong siya kung hanggang saan puwede. Marespeto naman po siya sa mga eksena namin,” tsika ni AJ.


Sa tanong kung huli nang sexy film ni AJ itong Kaliwaan since back to school na siya, "Ay, hindi po! Actually, hindi po ito 'yung last ko. Ahhh, meron po akong naka-line-up na Sitio Diablo kay Direk Roman Perez naman po.


“At 'yung pagpapaseksi naman po and showbiz, never ko naman pong sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako.


"At 'yung pagpapa-sexy, gusto ko po siya, masaya po ako ru'n. Never ko na pong bibitawan 'yung pagpapa-sexy. Siguro, parang… ahhh, bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon. 'Yun lang.”


Ang daming pumuri sa pelikula at isasali pala ito ni Direk Brillante sa ibang film festivals sa ibang bansa na para sa amin ay deserve nitong makatanggap ng award.


Sabi nga ni AJ, “Ang naging reaksiyon ko nang mapanood ito sa big screen… 'Ganito pala kaganda 'yung film! Kasali pala ako dito!' sabi ko sa sarili ko.


“Kasi, nu'ng isinu-shoot namin 'yun, nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, 'yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganu'n pala kaganda 'yung story, saka kung gaano kagaling sina Vince, sina Kuya Felix.


“'Yung torture scene ni Vince, parang hihimatayin ako kanina! Talagang nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene. Kasi, ang ganda! Ang ganda ng story. Ang galing na aktor ni Vince!”


Sa opening ng Kaliwaan ay torture scene kaagad na ginampanan ni Cataleya Surio. Ganu'n ang gagawin kapag nanghudas ka.


Lesson ng pelikula, crime does pay.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 28, 2022

ree

Lukang-luka si Julia Barretto sa tanong sa kanya ng vlogger-host na si Mama Loi kung ‘daks’ ba si Gerald Anderson nang magkita sila sa campaign rally nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Pasay City, kamakailan.


Nabanggit ni Mama Loi sa Showbiz Update YouTube channel nila ni Ogie Diaz kasama si Tita Jegs na parati raw nanonood si Julia ng vlog nila dahil inaabangan nito kung ano ang mga sinasabi tungkol sa kanya.


Base sa inilabas na video ni Mama Loi ng pag-uusap nila ni Julia, “Nagulat ako, ‘Nay (tawag niya kay Ogie) kasi sabi niya (Julia) 'Lagi kong inaabangan ano'ng sasabihin n'yo tungkol sa akin, eh. Ikaw ha! Joke lang, joke lang,'" kuwento ng co-host ni Ogie.


Tumatawa si Julia nang sabihin niya iyon kay Mama Loi kasi nga, lagi namang pinagtsitsismisan nina Ogie at Mama Loi ang aktres lalo na kapag may mga posts ito na magkasama sila ni Gerald. Hirit pa ni Julia, “Wala siyang nasabi, 'di ba?”


Kasi nga, natawa lang si Mama Loi, pero ang balik-tanong niya kay Julia, “Ano ang reaksiyon mo na lagi naming nasasabing daks si Gerald?”


Kahit naka-face mask si Julia ay kitang-kitang nagulat siya at nanlaki ang mga mata at sabay napapikit at hinawakan ang mukha na hindi mawari kung sasagutin o hindi.


Tumatawang sabi ng co-host ni Ogie, “Hahaha! Nagulat! O, ikaw ‘yung walang nasabi, 'di ba? Hahahahaha!”


Tanging nasabi ng dalaga, “Si Mommy (Marjorie Barretto), nandiyan, ikaw talaga.”


“Oo nga, hahaha!” reaksiyon ni Mama Loi.


Tawang-tawa rin si Ogie sa on the spot question ni Mama Loi sa aktres.


“At least, malambing si Julia, hindi katulad ng iba na, ‘Ay, paalam muna kayo sa manager ko.' At cool si Julia.”


Hirit ni Tita Jegs, “Ano sa tingin mo, Mama Loi, pag-amin na ba ni Julia ‘yun na daks si Gerald?”


Base sa tawa niya at sa silence niya dahil silence means yes, it’s a YES!” masayang sagot ni Mama Loi.


At nagkatawanan na lang sina Ogie, Tita Jegs at Mama Loi, sabay kalembang ng kampana.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page