top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 5, 2022

ree

Nag-viral kamakailan ang panggagaya ng komedyanang si Ai Ai delas Alas kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para iangat ang sinusuportahan niyang kandidatong kalaban ng huli.


Maraming bumatikos kay Ai Ai sa ginawa niyang ito at hanggang ngayon ay wala siyang sagot na tila dedma siya sa mga bashers dahil TikTok dance ang ipinost niya kasama ang anak na si Sancho Vito.


Ang caption ni Ms. Ai, “Matapos ang mga 100 na attempts, naayos na rin namin, Greco, haha! 'Kaloka, humihinto sa gitna ‘yung music, 'di ko ma-figure out bakit hanggang sa naayos na rin. Tnx anak sa tiyaga, haha! @sanchovito #bondingwithson #iloilo.”


Samantala, sinagot naman ni Mayor Joy ang sinabing panggagaya sa kanya ng komedyana nang mag-guest siya sa online show nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu na Take It! Take It! Me Gano’n? nu'ng Martes.


Ayon sa ina ng Quezon City, “Hindi (napanood)!”


Pero aminado siyang narinig niya ang tungkol dito.


“Actually, matagal ko nang narinig na may plano ang kabilang panig, sabihin na nating ang kabilang parlor, in showbiz speak, na gumawa ng isang nakasisirang video patungkol sa akin. Narinig ko naman na 'yung balita. In fact, ang hearsay, ‘hearsay’ lang ito, Marites lang ito, na ang budget nga nila is P10 M, ‘no?!


“I didn’t know what kind of video it was going to be at that time, pero nu'ng lumabas siya, at maraming nagsabi na may video na lumabas, very unsavory, very low, ganyan, naisip ko, siguro, ito na nga ‘yung project na ‘yan,” sabi ni Mayor Joy.


Tinanong ni Mr. Fu kung ano ang reaksiyon niya rito.

“So, nothing. I didn’t watch it na lang. Because sabi ko, kung ito ‘yun, maba-bad trip lang ako kasi ang daming na-bad trip na mga kaibigan ko. Pati taong hindi ko kilala, medyo na-offend. So, ako naman, why will I put myself through that, ‘di ba, when I have so much work to do. Hindi ko na siya papanoorin,” katwiran ni Mayor Joy.


Pero si Manay Lolit ang may reaksiyon.


“Ako, very naughty din ako, eh, salbahe rin ako, ‘di ba? Siyempre, 'pag binayaran ako, gagawin ko ‘yung iniutos nu'ng nagbayad sa akin, 'di ba? Pero 'pag halimbawa, kahit binayaran ako, ‘pag alam ko naman na medyo hindi naman totoo at saka offensive ru'n sa gagawan ko ng video, ano, medyo sasabihin ko 'yun du'n sa nag-utos, ''Di ho ba, mas pangit kung ginawa natin ‘to? Baka sa atin pa bumuwelta,' ‘di ba?” paliwanag ng talent manager.


Dagdag pa, “Gaya ng sabi ni Ai Ai, meron siyang minention na Babalu, Babalina, ‘no, talaga namang mahaba (ang) baba niya, ‘no?! O, ba’t kailangan pa niyang i-associate kung kanino ‘yung baba niya, ‘di ba?


“At saka para sa isang laos na artista na tulad niya, dapat medyo mabait ka na kasi laos ka na, nasa ibaba ka na, eh. Hindi na siya sikat, ‘no, hindi na siya kailangang magsalita.


“Magkano ba, Ai Ai? Masyado bang malaki para gawin mo ‘yan, ‘di ba?” hirit pa ni Manay Lolit.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 3, 2022

ree

Totoo talaga ang kasabihan na: "Don’t judge the book by its cover."


Kaya namin ito nasabi ay dahil hindi namin inakalang dumaan sa matinding depression si Maggie Wilson, dating Binibining Pilipinas World 2007 at successful entrepreneur.


Puro kasi masasayang ganap niya sa buhay ang nasa Instagram posts niya, at mga travels nila ng asawang si Victor Consunji noong hindi pa sila hiwalay kasama ang nag-iisa nilang anak na si Connor.


Nitong Lunes ay inalala ni Maggie na taong 2019 pa pala nagsimula ang kalbaryo niya na sumabay pa sa lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.


Base sa post niya:

“Reflections:

“In 2019, I went through one of the hardest challenges in my life emotionally. 2020 wasn’t any better. I thought things were getting better then I got hit again with more emotional distress.”

Umamin si Maggie na dumaan siya sa therapy.

“Then lockdown happened and that wasn’t easy for any of us. I sought help and did online therapy to help me deal with what I was going through. (There’s absolutely no shame in seeking help.) You couldn’t really tell by my posts on social media because I was trying to keep things happy and light until I couldn’t take it anymore in 2021,” saad pa niya.


Inanunsiyo niyang hiwalay na sila ng asawang si Vic Consunji, Jr. nu'ng 2021 pagkalipas ng 11 years nilang kasal.


Sa pagpapatuloy nito, “My weight was as up and down because of stress, my skin suffered, I couldn’t sleep, I was so broken… I still am, but I’m putting back the pieces together slowly.

“I have serious trust issues because of what’s happened in the past that it gives me so much anxiety and stress. It doesn’t help that other people are also adding more grief, still trying to hurt me and make my life difficult but I’m trying my best to handle it.


“I’m tougher than ever but sometimes I do have my down days and that’s ok. We just need to recognize our mistakes, our flaws, acknowledge them, get help when we need it because no one else can help you if you don’t help yourself first. We make mistakes but what defines us is how we learn from them.


“At the end of the day, we’re all human and no one is perfect. So love yourself a little more, give yourself a pat on the back, and continue working on you. I am/We are a work in progress.”


Marami namang nagpadala ng suporta at emoji hearts kay Maggie.


Say ni @juliannnflores, “Absolutely true! We all are a work in progress Hugggggs Maggie!”

Gayundin si @erin.com.ph, “Sending hugs and lots of love to our queen @wilsonmaggie.”


Ayon kay @_luhn.dner_clinician_thmceoph_, “I'm proud of you Miss Maggie. It also helps that at that moment 2019-2020, you did not post much about your personal grief via social media, and emotional distress. God is good, in the years to come, for sure, better and happier days will come. Laban lang po.”


Mula naman kay @jhoie_j, “I can relate much to you. Keep going, you are strong and brave enough to face it. What I also realize in this journey is we should have learned to love ourselves more.”


Samantala, kasalukuyang nasa Amerika si Maggie para sa isang project na hindi pa niya sinasabi kung ano.


Base sa kanyang IG Stories ay ikinuwento nitong nagpa-lip tattoo siya para hindi na siya lagay nang lagay ng lipstick na bagay na bagay naman.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 1, 2022

ree

Trulili kaya na ang madalas na pag-inom ng alak ni Markus Paterson ang dahilan kung bakit balitang-balita na hiwalay na sila ni Janella Salvador na ina ng anak niyang si Jude?


Base sa tsikahan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update YouTube channel kasama si Ate Mrena ay nabuking daw ng mga netizens na walang gaanong post ang dalawa na magkakasama silang tatlo ng anak.


It’s either sina Markus at Jude o sina Janella at Jude lang ang makikita sa kani-kanilang Instagram account.


Noong January 1, 2022 pa ang huling post ng dalawa na magkasama silang tatlo at hindi na nasundan pa.


Hindi kasama si Janella sa family bonding ni Markus at ng mga magulang niyang nandito sa Pilipinas at anak nilang si Jude.


Pero pareho pa nilang pina-follow ang isa’t isa sa IG kaya baka nagkaroon lang ng tampuhan?


Sabi pa ni Mama Loi, “At ang nagbigay-tuldok diyan, ‘Nay (tawag ni Mama Loi kay Ogie) ay nu’ng kasal ni Pat Sugui, wala si Markus."


Dagdag pa, “Si Baby boy lang at si mommy ang nandu'n, hinahanap si daddy, ano sa palagay mo?”


Sina Markus at Pat ay tunay na magkaibigan kaya kataka-taka nga na bakit wala ang una sa kasal ng huli?


Simula ni Ogie, “Well, hindi ako mapalagay, pero ang narinig ko lang, Loi, ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Paterson. Hindi naman taon kundi mga ilang buwan na. Dahil narinig ko, Loi, na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Paterson. May drinking habit ito at kapag habit, madalas itong umiinom ng alak. At kapag nakakainom ng alak ay nagkakaroon ng anger management.”


Nagbalik-tanaw si Mama Loi nang makapanayam ni Ogie si Janella nitong unang buwan ng 2022 na naka-post sa YT channel nila.


“Eh, 'di ba, doon sa interview mo, nabanggit niya na may trauma siya sa mga umiinom?” saad ni Mama Loi.


Sagot naman ni Ogie, “Oo, parang ganu’n. Pero kailangan pa nating makausap si Janella kung gaano katotoo ito. Minsan naman, 'pag tinatanong mo si Janella (muwestrang ite-text), hindi sasagot ‘yun. So, sasabihin nila, silence means yes!


“Pero siyempre, pangit pa rin na porke’t hindi nakausap si Janella, eh, ‘yun ang ipapalagay natin. Pero ‘yun ang narinig ko mula sa common friends nila.


“‘Yun daw ang problema kay Markus, kahit sabihin pa ni Markus na hindi siya iinom, pero 'pag naimbita at naaya ng mga friends, ‘mamam.’ At siyempre, 'pag nasosobrahan, ayan na, iinit ang ulo, mabilis mapikon, mabilis magalit.


“Feeling ko lang, kapag madalas pinag-aawayan nina Markus at Janella ay ang pag-inom na ang suma-total ay nagkakaroon ng anger management itong si Markus, aba siyempre, makikita ng bata ‘yung pag-aaway. Hindi maganda ‘yun.


"Kaya para sa akin, magpahinga muna sila kung totoong ‘yun ang dahilan, ha?


“Kaya Markus, ano ba ang totoo? Bakit matagal kayong walang post ni Janella na magkasama kayo together with your son?” dagdag pa nito.


Bukas ang BULGAR sa panig nina Markus at Janella.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page