top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 11, 2021




Ang suwerte ni AJ Raval dahil pagkatapos ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar movie ay may bago siyang pelikula na ipapalabas na sa Abril 30, ang Death of A Girlfriend.


Bukod dito ay kasama pa siya sa action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Police Captain Andrea Villar na ka-love triangle nina Geoff Eigenmann at Jane de Leon.


Wholesome ang karakter ni AJ sa serye ni Coco Martin pero ang totoo, considered siyang sexy star na una niyang ipinakita sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar. At may mga ipinost siyang larawang naka-two-piece sa kanyang IG account, bagay na hindi nagustuhan ng tatay niyang si Jeric Raval kaya tinanggal na lang niya para walang isyu.


“Nagalit po siya kaya ngayon, deleted na 'yung post ko. Ipinaalis po. Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po ako kung work lang po, kapag kailangan.


“Mahigpit siya, at may pananakot (sa mga ex-boyfriends niya). Pero ngayon, mabait naman ‘yung boyfriend ko, close sa family, so, okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya,” kuwento ng dalaga.


Dagdag pa, “Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako."


At ang laging payo ng ama sa kanya pagdating sa pakikipagrelasyon, “Sinasabi niya lang lagi sa akin, dapat piliin ko 'yung responsible, may pangarap, kahit hindi kaguwapuhan, basta may pangarap.”


Samantala, pinuri naman ni Direk Yam Laranas si AJ dahil walang arte sa katawan at palaban sa all the way scenes nila ni Diego Loyzaga sa movie. Parehong game ang dalawang artista niya kaya napadali ang lahat sa shooting.


Panoorin ang thrilling na love trip ng Death of a Girlfriend sa April 30 sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.





 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 10, 2021




Inamin ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na wala pa sa plano nila ang magkaroon ng anak dahil gusto nilang i-enjoy na silang dalawa lang muna.


Inamin ito ng aktres/TV host/vlogger kay Dra. Vicki Belo sa YouTube channel ng celebrity doctor.


“Wala pa kaming plano ni Mikee kasi ini-enjoy pa lang namin 'yung isa’t isa. Kung kailan ibigay ni Lord, kasi wala naman kaming contraceptive. Minsan, tinatamad ako!” say ni Alex.

Dagdag pa nito, “Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s swab test.”

Naloka ang celebrity doctor sa term na ginamit ni Alex, “Hoy, sa ilong ‘yung swab. Ibang swab yata iniisip mo!”


Seryoso kasing kausap si Doc Vicki kaya naloka siya kay Alex.


“Ibang swab talaga ‘yung ginagawa namin. Pero talagang positive, negative, talagang positive pa rin,” tumatawang sabi ng maybahay ni Mikee.


Sa magkapatid na Toni at Alex ay mas agresibo ang huli kaya naman todo-bantay ang Mommy Pinty Gonzaga niya noong hindi pa sila kasal ni Mikee at alam ito ni Doktora Belo.


Kuwento ng mama ni Scarlet Snow, “Mommy Pinty is super strict. Talagang bantay-sarado. Actually, Alex is never alone with Mikee. Ang taga-bodyguard pa nu’n, ang kapatid ni Mommy Pinty.”


Sabi ni Alex ay pinapayagan naman daw siya ng nanay niyang makipag-date kay Mikee nang walang bantay at 'pag may work siya, 'yung road manager niya ang bantay niya.


“But the thing is, nu’ng nag-pandemic, siyempre, bawal lumabas, bawal mag-date. Siyempre, ang tagal-tagal kong hindi nakita si Mikee. Siguro, mga three months kaming hindi nagkita bago siya nakabisita sa bahay namin. Siyempre, gusto mo siyang yakapin pero nakatingin ang mommy. Kahit daplis lang, wala,” pahayag ni Mrs. Morada.


Diretsong tanong ni Doc Vicki, “Aminin mo talaga since kasal ka na, wala talagang nangyari?"

“Wala. Kiss lang,” sabi kaagad ni Alex.


Sundot na tanong, "Saan?”


“Alam mo, panonoorin ng mommy 'to. Mamaya na. Ikaw talaga,” tumawang sabi ni Alex kay Dra. Vicki.


Dagdag-kuwento pa, “Actually, not about the physical pero gusto mo na talagang makasama si Mikee kasi aalis siya, tapos hindi mo na alam kung kelan next na magkikita, kasi siyempre, taga-Lipa pa siya. Tapos, ‘pag papasok na ako sa kuwarto ko, ang lungkot ko na. Sasabihin ko, ‘Mommy, payagan n’yo na ako please mag-overnight.' Ang sagot niya, ‘Hindi! Pakasal na lang.'”


Samantala, may planong magpakasal sa simbahan sina Mikee at Alex pagkatapos ng lockdown.


“Meron kasi akong gown. Wala pang one-month ng proposal, bumili ako ng gown sa Singapore. Bigla na lang nagka-pandemic. Siyempre, nanghihinayang ako. Sobra akong nanghinayang,” saad nito.







 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 9, 2021




Pinasok na rin ni Maricar De Mesa ang pagba-vlog at isa ang BFF niyang si Aiko Melendez sa mga guests niya sa episode na Guilty or Not Guilty Challenge.


"Guilty or not guilty, I have thrown a temper tantrum on set," ang unang tanong.


Not guilty si Maricar at guilty naman ang sagot ni Aiko dahil, “May reason kaya ko ginawa ‘yun kasi gusto kong turuan ‘yung artista na laging late na parang, ‘Hey, pinaghihintay mo lahat ‘yung mga crew just because mababa 'yung mga crew sa atin, but that doesn’t give you the license to be late on the set.”


Guilty ulit ang sagot ng aktres sa tanong na, "I have walked out on a shoot."


Ang paliwanag ni Aiko, “Ang dami ko nang napagdaanan sa showbiz, nag-walkout ako kasi merong nag-steal ng kiss sa akin na katrabaho ko."


"Eh, hindi mo type," singit ni Maricar.


"Hindi ‘yun, Mare, ang usapan namin, ‘yung kissing scene namin, daya, pero ang ginawa niya, hinalikan pa rin niya ako forcibly, so, nag-walkout ako.”


Tinanong ni Maricar kung sino ito at ibinulong sa kanya ni Aiko.


Nag-make face si Maricar at ang sabi, “Naku, baka mag-walkout din ako.”


“Ha, ha! O, 'di ba? Parang kamanyakan naman na hinalikan ako,” sambit ni Aiko.

Tanong uli, "Guilty or not guilty, I have dated 2 guys at once?"


Parehong guilty ang sagot ng magkaibigan, “Hindi lang 2 guys, 4 pa nga, eh,” hirit ni Aiko. "Date lang naman, eh.”


Ipinagmamalaki rin ni Aiko na never siyang nag-cheat sa partner niya, “Not guilty ako, sila (exes) ang laging nagtsi-cheat sa akin.”


Sa iba pang revelations ay panoorin sa YouTube channel ni Maricar.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page