top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 14, 2021




Sa 2022 national elections ay nagpaplanong kumandidatong senador si Leyte 4th District Representative Lucy Torres pagkatapos makasama ang pangalan niya sa latest survey ng Publicus Asia, Inc..


Sa nasabing survey ay pang-lima ang magandang maybahay ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Top 5 senators habang nangunguna si Manila Mayor Isko Moreno, ikalawa si Sen. Manny Pacquiao, ikatlo si Dr. Willie Ong at ika-apat naman si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Lumabas ang balitang kinumpirma raw ni Goma na gustong tumakbo ng wifey niya sa pagka-senador sa 2022, pero depende pa rin sa resulta sa mga gagawing surveys ng iba’t ibang grupo.


Ang statement naman ni Congw. Lucy sa kanyang official Facebook page tungkol sa plano niya, “Only God knows, only time will tell. For now, I have a job to do as Representative of the 4th District of Leyte.”


Sa madaling salita, bukas ang pinto niya sa planong pagkandidato bilang senador.


At ang daming nangakong susuportahan siya base sa mga komentong nabasa namin.


“Go Madame! The Senate needs an erudite woman, a true Bisaya that is supportive of this administration. Help in advancing the interests of VisMin and further push out the Dilawan party filled with dubious intentions. The way you defended the anti-terrorism bill despite the hullabaloos of the unread wokes is truly admirable.”


“One vote here Ma’am but can convince my family and more people to support your journey to the Senate.”


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 13, 2021




Dahil sa sobrang kalasingan na ni Ivana Alawi habang sinasagot ang Never Have I Ever Challenge nila ng kapatid niyang si Hash Alawi ay nabuking na kinain niya pala ang poop niya noong bata pa siya.


Ang isa sa mga tanong ay "Never have I ever eaten something exotic."


Kaagad sinagot ito ng sikat na vlogger, “Wala. Hindi naman ako kumakain ng exotic.”


Hirit ni Hash, “Hindi ba exotic ‘yung brown na when you’re a baby?”


Nanlaki ang mga mata ni Ivana, “Huwag kang ganyan, naka-video ‘yan!”


Sabay lagok ulit ng dalaga ng alak, “Gusto ko lang ipaliwanag na hindi ako kumakain ng exotic food. Mama ko kasi, pinakain ako ng t*e ko! Hahaha!”


Sagot naman ng ina, “Gulat ako, tinikman mo.”


Pagbabalik-tanaw ni Hash, “When you’re 2-3 years old, t*mae ka sa arinola, tapos pagkita namin, isinusubo mo na, kaya tumakbo kami, tinawag namin si Mama, tapos pagbalik namin (kumakain na).”


Pakiusap ni Ivana, “'Wag naman isinusubo, baka sabihin, inubos ko ‘yung t*e ko.”


Mabilis na sagot ng kapatid, “Inubos mo talaga!”


Gulat na tanong ng sexy star, “What?”


At ikinuwento ng mama nila na ipinahid pa ni Ivana sa mukha niya ang poop niya.

Biro ng kapatid, “Kaya nga tingnan mo, ang ganda ng skin mo!”


Dagdag pa ni Hash, “O, lasing ka na, baka ibigay mo na sa akin ang lahat ng pera mo.”


Sagot ni Ivana, "'Di ba, 'pag lasing ako, namimigay ako ng pera? Kaya 2 winners, mananalo ng 20 thousand pesos, mag-comment lang kayo below.”


Salo ng ina, “Tig-P5,000 na lang para at least, apat ang manalo.”


Umayon naman ang dalaga, “O, sige, 4 winners, comment below, lagay n’yo IG n'yo, ime-message kita (habang nakatingin sa camera).”


Sabi pa, “Apat ang mananalo for 40,000 pesos (tig-P10 K).”


Naloka ang nanay nila, “Sabi ko, gawin nating tig-P5 thousand para apat.”


“Eh, gawin na nating P80 thousand. Hindi ko na puwedeng bawiin, nasabi ko na,” sambit ni Ivana.


Nagulat ang nanay nila, “Ha? Okay, 8 winners tig-P10 thousand each, comment down below, subscribe to their channel including Hash Alawi. Papaalala ko na lang paggising niya."


Hindi na kinaya pa ni Ivana dahil nilapitan na nito ang ina para yakapin at napaupo na kaya inalalayan na siya ng mama niyang maglakad.


“Buhatin ko muna ito, wala na, matutulog na ito,” say ng ina.


Hirit pa ni Ivana habang gumegewang-gewang sa paglalakad, “Ma, tawagan mo nga ex ko! Uwi na ako, sabi ng mama ko.”


Sino kaya ‘yung ex na laging sinasabi ni Ivana sa vlog niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan?

 
 

MISS U


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 12, 2021




Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha ulit ang SkinCare & O Skin Med Spa ng CEO at founder na si Ms. Olivia Quido-Co (licensed aesthetician) bilang official skin care sa 69th Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Manila) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.


Nauna ang partnership nu’ng Miss Universe 2019 na pinanalunan ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa.


Masayang ibinalita ni Ms. Olivia sa ginanap na virtual mediacon ang muling pagkuha sa kanyang serbisyo lalo’t nagdaratingan na sa Estados Unidos ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo.


Sey ni Miss O, “Excited ako roon kasi meron tayong aalagaan na 80 delegates na beauty queens around the world. Tayong mga Filipinos ang mag-aalaga ng beauty queens all over the world.”


Ang Miss U representative ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay kasalukuyang nasa Los Angeles kung saan sila magkikita ni Ms. Olivia para sa pre-pageant activity kasama rin si Ms. El Salvador, Vanessa Velasquez.


Samantala, magkakaroon daw ng live audience sa grand coronation night pero limitado ito sa 25% lang ng capacity venue.


May ticket-selling para sa pageant, at ang mga miyembro ng audience ay iho-hold sa isang bubble sa hotel bago ang grand coronation night.


Kuwento ni Ms. Olivia ay sobrang istrikto ang health protocols na ipapatupad dahil araw-araw ang COVID-19 swab test para sure na safe ang lahat.


“Meron silang tinatawag na COVID-19 protocol na may hinire silang agency, ang Miss Universe, na ite-test kami, lahat kami, ang mga mag-aalaga sa mga delegates for I would say, every day daw ‘yung swab test namin.


"Du’n pa lang, mahigpit na mahigpit na sila because they will place us in a bubble sa hotel.”


Siyempre, natanong si Ms. O kung ano ang nakikita niyang tsansa ni Rabiya sa 79 kandidata at palarin kaya itong maging ika-limang Ms. U ng Pilipinas?


“Meron siyang something about her aura, and meron siyang charm na very relatable. You know, magaling siyang speaker, strong ‘yung story niya. I think those are her edge na malaki ang chance natin sa Miss Universe this year,” paliwanag nito.


Bukod kay Rabiya, ang nakikita raw ni Ms. O na strong contender sa Miss U ngayon ay si Amanda Obdam ng Thailand.


At siyempre, gusto ring makilala ni Miss O at muling makita si Miss Chile Daniela Nicolás dahil isa siya sa mga naging panel of judges sa Miss Chile.


“Excited din ako to meet Miss El Salvador, para siyang Barbie doll, as in literally parang Barbie doll, so I wanna see her in person at si Maria Thattil ng Australia,” dagdag pa ni Ms. O.


Inalala ng California-licensed aesthetician kung paano nagsimula ang partnership niya with Miss Universe nu’ng 2019 when she helped the pageant’s swimsuit competition and shared skin care tips for the candidates.


Ang isa sa mga tumulong kay Ms. Olivia para makilala nang husto ang kanyang SkinCare & O Skin Med Spa ay noong dalhin ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines pageant at kilalang beauty queen maker, ang dating beauty queen na si Venus Raj at dahil naging word of mouth ang magandang serbisyo ay dinagsa na ito ng mga kilalang celebrities ng bansa at mismong mga taga-America na rin.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page