top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 24, 2021




Sino’ng mag-aakala na dahil sa mga posts ni Andrea Brillantes sa social media ay naipagawa niya ang Mediterranean house na matagal na niyang pangarap para sa kanyang pamilya?


Sa ginanap na virtual mediacon para sa bagong digital anthology series ng ABS-CBN na Click, Like, Share ay inamin ng batang aktres na hindi sapat ang mga kinita niya sa teleserye para makumpleto ang bahay nila ngayon.


“There were times na wala akong teleserye kaya nagsipag akong mag-post, stay relevant. Nagsipag ako sa TikTok, sa Musically para makakuha ng maraming raket. At sobrang nakatulong sa ‘kin ‘yun.


“Dahil sa social media na ‘yan, natupad ko ‘yung makabili ng bahay. Hindi talaga siya actually sa teleserye, kasi napupunta ‘yun lahat sa money na pangkabuhayan, so social media talaga helped me,” pagtatapat ni Blythe (tunay na pangalan ng aktres).


Pero may pros and cons din ang paggamit ng social media dahil dito siya unang na-bully.


“At a very young age, ang dami nang nagsasabing may mali sa ‘kin. ‘Yung kilay ko, ‘yung height ko, kahit sobrang bata pa ‘ko, pinagsasabihan na 'ko sa weight ko,” sambit nito.


At natanong din siya tungkol sa ‘cancel culture’ ng Gen Z kapag gusto nilang ipaboykot o hindi suportahan ang isang artista na minsang may pagkakamali.


Edad 12 daw si Andrea nang maranasan ito.


“Bago pa nagawa ‘yung ‘cancelled’, naranasan ko na siya ilang beses at a very young age. Wala pa akong 13 yata, naranasan ko na parang kinalaban ako ng buong mundo. Feeling ko talaga, wala akong kakampi.”


At dahil breadwinner si Andrea, tinatagan niya ang sarili.


Aniya pa, “Talagang hindi ko siya pakakawalan. ‘Di ko puwedeng pabayaan ang pamilya ko kasi gusto kong maranasan nila ang buhay na gusto nila. Kasi ‘di po ako ipinanganak na mayaman, at gusto ko pong maranasan ko ‘yun kasama ang pamilya. Diyos lang dapat ang nakakapag-judge sa ‘yo. At alam ko si Lord ay tatanggapin ako. Kaya kahit i-cancel ako ng buong mundo, nandiyan Siya. Kasi alam kong tutulungan Niya ako sa lahat ng bagay.”


Anyway, inaabangan na ng milyones na supporters ng Gold Squad ang Click, Like, Share nina Andrea, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin at ang premiere episode nito sa Hunyo 5, Hunyo 12, Hunyo 19, at Hunyo 26 at 6 PM sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.


Magiging available rin ito ngayong taon sa Upstream.


Makakasama rin sa Click, Like, Share ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco at Renshi de Guzman, pati na sina Jimuel Pacquiao at Nio Tria sa kanilang acting debut.


Ang Click, Like, Share ay sa direksiyon ni Emmanuel Palo, handog ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 22, 2021




Naawa ang komedyanang si Pokwang kay Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin o Candy Thuzar dahil hindi siya puwedeng bumalik sa bansa nila pagkatapos ng 69th Miss Universe bunsod ng may nakaambang arrest warrant. Kaya naman, gustong kupkupin ng komedyana ang dalaga.


Aarestuhin si Candy ng Military Junta dahil ginagamit nito ang kanyang social media para ipaalam sa lahat na nangangailangan ng tulong ang bansang Myanmar. Sumali rin siya sa anti-coup movement.


Pero maraming netizens ang nag-react sa panawagang ito ni Pokwang kay Ms. Myanmar dahil mas maraming mahihirap sa Pilipinas na nakatira pa sa bangketa ang mas dapat nitong tulungan.


Sinagot ng netizen na si Lucas JP Fajardo ang bashers ng aktres, “Magkaiba ang sitwasyon ni Ms. Myanmar sa mga taong nasa kalsada. Si Ms. Myanmar, walang bansang uuwian dahil sa kasalanang gusto n’ya lang humingi ng tulong hinggil sa nangyayari sa bansa nila. Pero ang mga nasa kalsada na pulubi, nagsisiksik sa lungsod, bakit 'di umuwi sa probinsiya at magbungkal ng lupa? Magtanim para may makain.”


Sumang-ayon din dito si Darryl Kyle, “Mga nagko-comment dito, 'di na nga makatulong, kung anu-ano pa pinagsasabi! Haixt! Kasalanan ba naman ni Pokwang kung naghihirap sa buhay ang mga taong palaging nagpaparami ng mga anak kahit 'di kayang buhayin kung kaya't nagiging dahilan ng paghihirap nila?”


Anyway, sa Ogie Diaz Showbiz Update vlog ay tinanong nina Ogie at kasamang si Mama Loi kung ano'ng masasabi ni Pokwang sa mga nagsabing mas dapat nitong tulungan ang kababayang Pinoy.


“Marami namang mahirap sa Pilipinas, bakit hindi ko ampunin at bakit si Ms. Myanmar pa? Excuse me, kung talagang followers ko kayo o legit ko kayong fan, alam n’yo kung ano ang ginagawa kong pagtulong at hindi ko na iisa-isahin ‘yun.


“Ang importante, alam ni God kung ano ang ginagawa ko, hindi ‘yung mga naka-data lang na makapag-comment lang, okay? Kalma!”


Samantala, muling inulit ni Pokwang ang panawagan niya kay Ms. Myanmar, "Hi, Ms. Myanmar, I’m Pokwang and I’m from the Philippines and I’m a fan of woman like you, you are very courageous and stands what is right for her country, you’re very strong and powerful. Just want you to know that you have a friend here in the Philippines and offering my humble home to you if you want to visit. And Ms. Myanmar, God bless you and protect you and God bless your country.”


Nasa Amerika pa rin si Ms. Myanmar at doon daw muna siya mananatili tulad ng ginawa ng kababayan niyang si Miss Grand Myanmar 2020 na si Han Lay na sumali sa Miss Grand International 2020 noong Marso sa Bangkok, Thailand at hanggang ngayon ay naroroon pa rin at kinukupkop ng Miss Grand International Organization.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 18, 2021





Nang makapanayam namin si Elijah Canlas kamakailan via Zoom meeting, hinamon namin siya sa Jojowain at Totropahin challenge.


“May makapanood man nito, or kakilala ko, laro lang, pasensiya na, guys," paunang sabi ni Elijah.


So, ito na ang mga itinanong namin sa kanya. Una, si Bea Alonzo?

"Jojowain po. Ang husay niyang artista, napakaganda at mukhang may stand at moral sa buhay kaya jojowain ko. Hindi ko pa po siya nakilala pero siyempre, Bea Alonzo siya, everybody knows her."


Si Jane de Leon, "Totropahin po kasi hindi ko pa po siya kilala. May idea ako kung sino siya pero 'pag nagkakilala siguro po kami, baka jowain."


Si Maris Racal?


"Totropahin, kasi naging partner na po ‘yan ni Kokoy (de Santos, sa Stay in Love sa TV5), so sila na lang bahala, charing! Parang masaya siyang kasama. Nakikita ko vlogs niya, ‘yung vlog nila ni Kokoy, napanood ko, so feeling ko, masaya siyang kasama kaya totropahin."


Maja Salvador?


"Jojowain, same lang po with Bea Alonzo. Mahusay na artista, maganda ang moral and principles in life at mukhang masaya rin siyang kasama, saka maganda po."


Kim Chiu?


"Totropahin po siguro. Nakita ko siya sa Taumbayan (restaurant) years ago, kasama niya sina Bela Padilla at Angelica Panganiban. Sila ang magkakasama, ang saya-saya sa lamesa, so totropahin po."


Liza Soberano?


"Totropahin po. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa mestiza. But Liza is very beautiful, hindi naman maitatanggi ‘yun. Saka maganda ang stand niya sa buhay, sa politics man, may ipinaglalaban siya sa buhay."


Pero biglang bawi nito, "Naku, jojowain na lang po. Ganu’n po, nakaka-turn on po talaga ‘yung may mga ipinaglalaban sa buhay."


Janine Gutierrez?


"Jojowain din po kasi nakasama ko ‘yan sa Babae at Baril, napakabait po na tao. One of the best actresses we're having right now."

Kathryn Bernardo?


"Jojowain po siguro? Ang hirap. Mahusay, grabe, I’m such a big fan sa Hello, Love, Goodbye and even sa The House of Us. Ayokong awayin ng fans nila," natatawang sabi niya.

Shaina Magdayao?


"Jojowain, yes jojowain. Napanood ko na po siya sa Past Present Perfect, parang masaya po siyang kasama saka kalog siya. Such a talented actress also. Saludo po ako sa kanya sa mga ginagawa niyang movies with Direk Lav Diaz."


Erich Gonzales?


"Totropahin. Parang same with Jane de Leon, hindi ko pa po siya na-meet. Hindi ko siya kilala as a person, hindi kami nagko-cross path."


Hayan, more or less ay may ideya na ang mga supporters ni Elijah kung sino ang mga type niyang aktres sa showbiz.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page