top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 04, 2021




“I remember one time, I was walking in the hallway na dalawang beses nangyari na mayroong (akong) kaklase na biglang lumapit sa akin at bigla akong sinampal out of nowhere,” ito ang pagtatapat ni Ella Cruz na biktima raw ng bullying noong bata pa siya.


Sa virtual mediacon ng Gluta na mapapanood na sa Hulyo 2 ay inamin ng aktres na noong nasa probinsiya pa siya at nag-aaral ay maraming nambu-bully sa kanya lalo’t nagso-showbiz na siya noon.


“I have good grades at nagtataka sila paano ako nakaka-catch up, eh, nag-aartista na ako noon. Tapos, nu’ng tinanong ko kung bakit ako sinampal, sagot lang sa akin, ‘Wala lang.’


“Meron pang isang beses sa hallway din na grupo ng mga babae na mocking me na parang ‘Why do I do this and why do I do that.’ And yes, nabu-bully po ako at lagi akong umiiyak sa ate ko.


“Ate ko ang lumalaban sa mga ka-batchmate ko na lagi akong binu-bully. Ayaw kong maalala kumbaga sa past. Pero ‘yun ‘yung mga dahilan that made me stronger,” ang buong kuwento ng dalaga.


Gagampanan ni Ella ang isang Aeta girl na nangangarap sumali sa beauty contest nila sa school pero marami ang lumalait dahil sa kulay niya.


Nagustuhan namin ang trailer ng Gluta dahil ang husay ni Ella na puwedeng makatanggap ulit ng award tulad sa pelikulang Edward (2019) nila ni Louise Abuel.


Ang pelikulang Gluta ay hindi lang para sa mga taong may maitim na balat o kulay kundi para rin sa lahat dahil halos lahat ay gumagamit na nito, mapa-ordinaryong tao o kilalang personalidad.


Bukod sa pambu-bully ay inamin din ng dalaga na marami siyang insecurities lalo na sa pisikal niya dahil bukod sa maliit siya, hindi pa flawless nang magsimula sa showbiz.


“Growing up, siguro hanggang ngayon, meron pa rin akong insecurities. Pero minsan, kailangan mong ma-realize na meron tayong kani-kanyang kagandahan and in-accept ko nang merong mas magaganda sa akin.


“In-accept ko na siguro, mas maganda siya, pero siguro, mas magaling akong sumayaw. Lagi kong sinasabi, I don’t have much magazine covers. Siguro, hindi pang-magazine ang mukha ko.


“Sabi ko, okey lang, sige. Pero I have more projects na iba naman na blessings like movies na napu-fulfill ko and I have acting awards. ‘Yun talaga ang pinaka-nagsabi sa akin na I’m doing fine. I’m doing great. I’m doing good in this industry.


"Hindi man ako palaging nasa cover ng famous magazines na ‘yan, at least I have an award confirming that I’m doing great,” paliwanag nito.


Anyway, excited si Ella sa pelikulang Gluta dahil unang beses niyang nakatrabaho si Direk Darryl Yap na halos linggu-linggo yata ay may mediacon dahil sa dami ng pelikula niya sa Viva Films.


Kasama rin sa Gluta si Marco Gallo bilang si Bambino; si Juliana Parizcova Segovia bilang Uncle Goliath na sikretong gumagamit ng glutathione at kabahagi ng LGBT, ang anak-anakan ni Direk Darryl na si Rose Van Ginkel sa papel na Lovely at si Cristina Gonzales bilang guro ni Angel na nagsabing hindi siya maaaring maging anghel sa isang palabas dahil sa kulay ng kanyang balat.


Kaya sa Hulyo 2 ay abangan ang Gluta sa Vivamax at mapapanood din ito sa Middle East tulad ng UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 02, 2021




Hindi na kailangang mag-elaborate pa ni Maris Racal tungkol sa relasyon nila ng OPM icon na si Rico Blanco dahil ang maganda niyang ngiti ay sapat nang sagot para sa amin na masaya siya sa piling ng kasalukuyang karelasyon.


Sa nakaraang virtual mediacon para sa Kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos-Concio ay kinilig na inamin ni Maris na masaya siya kay Rico nang kumustahin ang kanyang love life at paano niya ito ilalarawan.


“Masaya naman po. Nahihiya lang po ako sa mga kasama ko (MMK co-actors). Kami po ni Rico, I think, base po sa post na ginawa ko po, I think it's very obvious. Right now, we are very excited and busy din. We are preparing such beautiful music together. Kaya abangan nila 'yun soon,” masayang pahayag ng dalaga.


Noong Marso 17, 2021 ay 48th birthday ni Rico at binati siya ni Maris (na edad 23 lang) na sinagot naman ng binata ng, "Love you" sabay kumalat ang jamming video at mga larawan nila sa social media na kumakanta silang dalawa at napansin ang kanilang mga titigan sa isa’t isa.


Marami pa sanang tanong sa aktres pero nakiusap na siya na hindi niya masasagot dahil nasa MMK virtual mediacon siya at inirespeto naman siya ng mga dumalo.

Anyway, muling patutunayan ni Maris ang pagiging aktres sa upcoming Father’s Day episode ng Maalaala Mo Kaya at makakasama niya si Cris Villanueva bilang tatay niya sa kuwento.


Todo ang pasasalamat ng aktres sa MMK team dahil lahat ng ibinibigay sa kanyang materyal ay magaganda at talagang may hatid na inspiring message para sa mga kabataan.


“Kaya parang every time na may episode ako, tapos malapit siya sa puso ko, gusto ko talagang gawin and I will do everything to make it happen talaga,” say pa nito.


Isang two-part father’s day special ang pagbibidahan nina Maris at Cris sa darating na Hunyo 12 at 19. Sa loob ng maraming taon, walang ibang hinangad si Jai (Maris) kung hindi makita ang tatay na si Jericho (Cris).


Kahit pa mahal naman siya ng kanyang ina at stepdad, tingin ng dalaga ay may kulang sa kanyang pagkatao. Kaya naman nang maging isang delivery service crew siya, isinabay niya ang paghahanap sa kanyang tatay habang nagtatrabaho.


Bukod kina Maris at Cris, may espesyal na episode rin sa MMK ngayong Hunyo sina Pepe Herrera at Kim Molina bilang magkasintahang ipakikita na hindi batayan ang estado sa buhay sa pagpili kung sino ang mamahalin.


Alamin kung paano nabuo ang love story ng inhinyerong si Rose (Kim) at kanyang kasintahang tricycle driver na si JR (Pepe) at kung anu-anong pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon na mapapanood sa Hunyo 5.


Bukod sa dalawang kuwento, muling ipalalabas ang episode nina Jaya at Awra Briguela.


Sariwain ang pagsasadula ng buhay ni Timi (Awra) na nagkaroon ng viral video matapos niyang ikuwento ang sitwasyon ng kanyang lesbian na inang si Cata (Jaya).


Panoorin ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 01, 2021




Inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘complicated’ ang relasyon nila ngayon ng boyfriend niyang si Neil Salvacion na isang nurse sa isang kilalang hospital sa Manila.


Sa panayam kay Rabiya ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel na in-upload sa YouTube nitong Linggo ay umamin siyang may pinagdaraanan sila ni Neil.


“Tito Boy, it’s a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines, but we’re friends and I still contact him, but we need to have space together as of the moment.


“But I’m not closing any doors. We’ve been in this kind of situation before, we’ve been together for seven years, who knows po,” pagtatapat ng dalaga.


Kamakailan ay nagkagulo ang mga supporters ni Rabiya nang burahin ni Neil ang mga larawan nila ng nobya sa Instagram account nito at iisa ang tanong sa binata — kung ano ang ibig sabihin ng pagtanggal nito ng mga larawan at sana, hindi totoong hiwalay na sila.


May mga nagsabing baka may usapan ang dalawa na hindi muna sila magpo-post ng larawang magkasama lalo’t pina-follow pa rin nina Rabiya at Neil ang isa’t isa.


Nawala ang agam-agam ng mga supporters/fans nang mag-comment si Rabiya sa larawang ipinost ni Neil na nakaupo siya sa bangka sa tabing-dagat ng Matabungkay na ang caption niya ay, "vacSEAnated."


At nagkomento naman si Rabiya ng, “Payat siya, eh.” Sinagot naman ni Neil ng, "Senegwelas for days."


At sinagot din ni Rabiya ang nagtanong kung nanliligaw sa kanya ang dating PBB housemate na si Andre Brouilette dahil magkasama silang nag-lunch sa Beverly Hills, bukod pa sa iba pang larawang magkasama sila sa Los Angeles.


Ang sabi ng dalaga, “I’m not available.”


Kaya, nakampante na ang lahat. Pero tiyak na magkakagulo na naman dahil sa pag-aming ito ng dalaga na magkaibigan na lang muna sila ni Neil.


Samantala, nilinis ni Rabiya ang pangalan ni Andre, “Tito Boy, nahihiya ako kay Andre, it’s because ‘yung photos na kumalat, that was the third time that I was able to talk to him.


“The first one was before the send-off to Miss Universe and the second one was during the competition and that was the third time na sinundo lang nila ako sa airport and he’s a nice guy.”


Anyway, imposibleng hindi muling magkita o magsama sina Rabiya at Andre dahil iisa ang manager nila, si Jonas Gaffud, lalo’t showbiz na ang career path ng dalaga ngayong patapos na ang termino niya bilang Miss Universe Philippines 2020.


Nabanggit din nito na hindi muna siya uuwi ng Pilipinas at gusto muna niyang samantalahin ang pagkakataon.


“Tito Boy, ang hirap po kasing bumalik sa Pilipinas kasi you’re gonna be isolated, so it’s my favor also to the organization if I can stay a little bit longer kasi this is my first time to be outside of the country. I really want to make memories, really want to meet people and also I’m planning to look for my dad (nasa Chicago),” say ni Rabiya.


Ang Indian father ni Rabiya ay si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi na ngayon ay nasa Chicago, Illinois at isang doktor.


Usapang-showbiz, may nakapagbulong sa amin na posibleng sa GMA-7 pipirma ng kontrata si Rabiya kung saan gagawa siya ng teleserye na kung papalarin ay horror ang type niya dahil challenging ito.


“Hindi madali ang manakot,” aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page