top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 11, 2021




Naaliw kami sa komento ng netizens na loyalistang sumusubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano sa YouTube na hindi raw nauubos ang mga kabarilan ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at 'yung sinasabi lagi ni Lolo Delfin (Jaime Fabregas) na tipirin ang mga bala nila dahil wala na silang extra.


“Unli-tauhan at unli-bala naman,” ito ang halos iisang komentong nabasa namin.


Oo nga, 'no, iilang van lang naman ‘yung tauhan ni Renato Hipolito (John Arcilla) na lumusob kina Cardo at marami na rin namang napatay ang pangkat ng Task Force Aguila, pero bakit hindi nauubos?


Ang paliwanag ni John sa panayam niya sa ABS-CBN news tungkol sa unli-tauhan at unli-bala, “Magagalit ang sponsor! Hahahaha! Kapag kinunan pa namin ang lahat ng pagpapalit nila ng bala, mauubos ang isang episode!”


At kaya hindi nahuhuli ang karakter niya, “Magaling kasi ako sa intelligence as Renato Hipolito (kaya tumatagal ang buhay niya bilang kontrabida ni Coco).”

Anyway, aware si John sa hate messages na nababasa niya at marami siyang bashers na dahilan kung bakit nagkaroon siya ng anxiety.


“Actually, naging anxiety ko 'yun for a while. 'Yun din siguro ‘yung naging dahilan kung bakit nakipagbiruan ako sa followers lately, para ipakita sa kanila na, ‘Come on, don’t take it seriously! This is just a teleserye, we’re just giving you some fun.’


“At the same time, we’re also trying to give some relevance. Of course, we also want to impart some lessons, kung ano ‘yung nangyayari sa ating society, sa ating family, hindi lang naman purely entertainment,” esplika ng aktor.


Samantala, sitsit sa amin ay huling mahabang locked-in taping na pala ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayon at balitang tatapusin na ito hanggang Setyembre.


Halos lahat ng artistang kasama sa Ang Probinsyano simula umpisa hanggang wakas ay aminadong nakapag-ipon na at nakapagpatayo ng bahay, kaya abut-abot ang pasasalamat nila sa ABS-CBN dahil kahit nawalan ng franchise at dumanas pa ng lalong hirap dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi sila binitiwan lalo na ang bida at direktor nilang si Coco Martin.

 
 

NASA GMA-7 NA RIN.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 10, 2021




Ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang radio program na Cristy Ferminute, na napapakinggan sa Radyo 5, 92.3 News FM at napapanood sa Cignal OnePH kasama si Rommel Chika bukod pa sa Facebook live ng OnePH at sa YouTube channel nito, na nasa GMA Artist Centre na si Ms. Mariole Alberto.


“Nasa GMA Artist Centre na si Ms. Mariole Alberto na talagang nagpasikat sa mga artista ng ABS-CBN,” bungad ni ‘Nay Cristy.


Sundot naman ni Rommel Chika, “Oo nga, kaya ngayong lumipat na, mag-expect na tayo nang bonggang-bongga (pagbabago ng mga artista ng Siyete).”


Si Ms. Mariole ang pumalit na hepe ng ABS-CBN Star Magic nang magretiro noon si Mr. Johnny Manahan o Mr. M.


Ilang taong hinawakan ni Ms. Mariole ang Star Magic at maraming sumikat na artista mula sa kanilang pamamahala bukod pa sa tumaas ang premium ng mga ito kaya naman sa laki ng mga talent fee nila ay nakapagpatayo sila ng magaganda nilang bahay, negosyo at ‘yung iba ay nasa investment ang mga sobrang kita.


Aminado naman ang mga taga-GMA Artist Centre na nakakausap namin na iba ang dating ng mga artista ng ABS-CBN kung ikukumpara sa kanila.


Eh, kasi nga, walang branding o magandang packaging ang GMA Artist Centre para sa mga artista nila.


Kaya maraming Star Magic artists ang nalungkot nang umalis na sina Ms. Mariole at Mr. M sa ABS-CBN na itinuring na ikalawang magulang nila at ‘yung iba nga ay umalis na rin at nagpa-manage na sa iba tulad nina John Lloyd Cruz, Maja Salvador at Bea Alonzo.


Speaking of GMA Artists Centre ay marami kaming nasasalubong na talents nila sa mall na hindi namin kilala noong wala pang COVID 19 pandemic dahil mga hindi nakabihis o parang pupunta lang sa convenience store ang porma, o kaya, tipong magba-bike sa village.


Anyway, ayon kay ‘Nay Cristy, sana intindihin ang mga taong lumilipat sa ibang network dahil kumakalam din ang kanilang mga sikmura.


“Ito po ay tawag ng panahon na sa panahon ng pandemya ay kailangan nila ng trabaho tulad din ng mga artista at tayong mga ordinaryong tao. Kailangan pong mapalitan ‘yung salapi na lumalabas sa kanilang bulsa para sa mga hindi nakapag-ipon at hindi napaghandaan ang ganitong panahon. Talagang gutom po ang aabutin kapag hindi sila magtatrabaho. Kaya huwag na po nating sinisisi na walang utang na loob, walang loyalty. Ganu’n naman po talaga," paliwanag ni Tita Cristy.

 
 

NA-TRAP SA COCONUT FARM.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 09, 2021




Nasiraan ng sasakyan si Andi Eigenmann kasama ang fiancé niyang si Philmar Alipayo at tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa habang namamasyal sa Coconut Farm Viewdeck, Pilar, Siargao.


Ang malas, hindi sila makatawag para makahingi ng tulong dahil walang signal sa lugar kung nasaan sila. Wala ring baong tubig at pagkain at higit sa lahat, walang bahay sa paligid.


Alalang-alala na sina Andi at Philmar, pero hindi nila ito ipinahalata sa tatlong bata at nag-picture-picture na lang muna sila at ang ganda ng mga ngiti nina Ellie at Lilo.


Ang caption ni Andi sa magaganda nilang larawang ipinost sa kanyang IG account.


“Our car broke down in the middle of "nowhere"! (More about this on our next vlog.)

I knew when I posted these pictures, that I wanted to share the hassle of a day we had.


“But as I scroll through, I notice the big smiles, and can't help but recall this moment as a fun one! All we had was each other. We had no signal/no water/we were sticky sweaty from the hot summer air and we were (mostly papa) being eaten alive by noknoks!


“Sometimes things, life, just doesn't go our way. It may be upsetting/it may cause our heads to explode. But we can also accept it graciously and be grateful instead.

“This is an important lesson I am happy that my fiancé and I both want to instill in our children. And looking back, it makes me proud to realize that maybe it was the kids that taught us this lesson in the first place.


“Not once did they complain, they were just enjoying themselves, being out in the world, amongst all those coconut trees. They were just curious about what had surrounded them, and it was just papa and I that joined in on their little adventure. It's nice to stop and try to see the world through children's eyes. And allow that to help us find joy in the simplest of things.”


Hindi lang nabanggit ni Andi sa kanyang caption kung paano sila nakaalis sa lugar, baka sa vlog na lang niya ikinuwento.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page