top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 12, 2021



Isang taong anibersaryo nitong Hulyo 10 ng pagpapasara sa ABS-CBN at ginunita ito ng mga Kapamilya artists. Isa si Angel Locsin sa mga nagpahayag ng suporta niya sa nasabing network.


Nagtapos na ang programa niyang Iba ‘Yan na ipinalabas sa A2Z, TV5 at Kapamilya online channels at sa kasalukuyan ay walang proyekto ang TV host/actress. Pero kahit na wala siyang project ay hindi niya iiwan ang Kapamilya Network.


Ayon kay Angel, “Stay ako rito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan ‘yung mga kaibigan o kapamilya.


“Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap, ‘di ba? Habang may pinagdaraanan, hindi mo iyan iiwan kapag mahalaga sa ‘yo.


“Habang may pinagdadaanan ‘yung ABS-CBN, nandito lang ako. It doesn’t mean na nakikita mo akong araw-araw, pero I am a Kapamilya pa rin. Nandito lang ako.”


Nabanggit din niya na may konti siyang naipon na kaya pang suportahan ang sarili at pamilya kaya keri na wala muna siyang trabaho sa ngayon.


“Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon. Siguro, ‘yung years na pinagkatiwalaan ako ng tao, kahit paano, may ipon din naman. May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko roon.


“Sa ngayon, puwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsements. Siyempre, ikakasal din ako, so aasikasuhin ko muna ‘yun, ‘di ba?


“May mga bagay muna na siguro, kailangan munang pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako. Nandito lang ako,” esplika ng dalaga na malapit nang ikasal.


Nagbigay din ng opinyon si Angel na sana ay huwag husgahan ang mga Kapamilya artists na lumipat sa ibang TV network tulad nina John Lloyd Cruz, Pokwang at latest ay si Bea Alonzo.


“I-add ko lang na wala akong judgment sa mga kailangang lumipat. Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay.


“Lahat tayo ay may iba-ibang pinagdaraanan. At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito at iyan din naman ang gusto ko, ang nasa maayos na kalagayan ang lahat. Ito lang ang naaangkop para sa akin,” sambit nito.


Naniniwala rin siyang isang araw ay babalik na sa ere ang ABS-CBN.


“Lahat naman ay may struggles, ‘di ba? Pero lahat, nagtatapos, ‘di ba? Baka mabigyan ng pagkakataon na maipakita at maiayos kung anuman ang mga dapat ayusin. Naniniwala talaga ako dahil iba rin ang clamor ng mga tao. Maraming nakaka-miss,” saad ng aktres.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 07, 2021



“Under negotiation pa po,” ito ang pagtatapat ni Lovi Poe sa tanong namin kung ano ang update sa tsikang iiwanan na niya ang GMA-7 sa ginanap na face-to-face presscon ng The Other Wife nitong Lunes sa Botejyu Capitol Commons.


Sa ilang buwang wala sa Pilipinas si Lovi para dalawin ang boyfriend niyang si Monty Blencowe ay maraming tsikang lumabas na hindi na magre-renew ng kontrata niya sa Kapuso network ang dalaga.


Tinanong namin kung kanino siya nakikipag-negotiate kasama ang management company niya.


“Right now, it's hard to say. Everything is under negotiations. I've just finished my show. We're still having the conversation.


“I think it's best to keep it private because I don't want to be… I want to respect both networks,” paliwanag ng aktres.


At kung sakaling matuloy siyang lumipat sa Kapamilya Network ay excited siyang magtrabaho sa Star Cinema.


“Ako naman po kasi, I'm always open to working with anybody. To grow as an artist, I don't think you're supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again.


“Of course it's nice to work with them (Star Cinema) and explore. Let's be honest, when we work with other people, that's the time we will learn something new,” katwiran pa nito.


Samantala, maraming love scenes si Lovi at ang leading man na si Joem Bascon sa The Other Wife. Hindi ba siya natakot gawin ito ngayong may COVID-19 pandemic?


“Honestly, hindi naman maiiwasan to have that question, but we do have certain like (health) protocols before we proceed on set.


“Ako kasi, I’ve always been a believer of making a movie or show as real. I think you have to trust your director, the whole production that everything is done correctly,” sabi nito.


Dagdag pa, “Ako kasi, I trust my co-actors. If I follow, I’m sure they’re following too. For me, kung hindi maiiwasan, then (I’ll do it) if it calls for it,” katwiran ng dalaga.


Anyway, abangan ang The Other Wife sa July 16 sa global premiere nito sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at sa Vivamax.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 06, 2021



Sina Andrea Brillantes, Sanya Lopez at ang grupong SB19 ang mga nanalo sa ginanap na Tiktok Awards.


Ang mga nabanggit ang kinilala bilang Top Celebrity Award “for their creative content on the platform, which provided entertainment to users through these uncertain times.”


Ayon sa SB19 para sa bago nilang award, “Siyempre, unang-una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa TikTok and of course, congratulations to everyone who won an award also and participated.


“Sobrang thankful kami to be receiving this kind of award. Sobrang honored, malaking opportunity po ito para sa amin. Alam naman natin na maraming artist ang natutulungan ng TikTok ngayon. We are very honored to be part of it.”


Say naman ni Sanya na may 10 million followers sa Tiktok thru video, “Hindi ko akalain na makaka-receive po ako ng award from TikTok. I dedicate this award sa aking family, friends, sa lahat po ng bumoto sa akin. Thank you! Maraming-maraming salamat po sa award na ito. Akalain n’yo ‘yun umpisa pa lang, for entertainment, for fun lang naman ‘yung ginagawa natin. Maraming-maraming salamat po.”


Dagdag pa sa mga tagasubaybay ni Sanya na hindi niya naisip na umabot na sa 10 milyon, “I’m very happy and surprised. 'Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang 'yung paggawa ng TikTok. And I didn’t expect na aabot nang ganito. Hindi ko alam na may mga nagkakagusto sa mga ginagawa kong TikTok. So happy to see na nag-e-enjoy sila,” sabi ng aktres.


Wala rin si Andrea sa event kaya sa pamamagitan ng video rin niya ipinahayag ang labis niyang pasasalamat at saya.


“Hindi ko inakala na mananalo ako ng award sa TikTok. Thank you to my fans dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalaki ang platform ko sa TikTok and I wouldn’t be able to express myself with it,” say ng dalagita.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page