top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 17, 2021



Grabe, mukhang 24/7 nakabantay ang mga tao sa Pola, Mindoro para kunan ng mga larawan at videos ang bawat kilos nina Coco Martin at Julia Montes na kasalukuyang nagsu-shooting ng indie movie na idinidirek ni Brillante Mendoza.


Kaya namin nasabing 24/7 nakabantay ay dahil panay ang bato nila ng mga larawan sa mga loyalistang supporters ng rumored couple na CocoJuls4ever dahil punumpuno ang kanilang social media ng mga larawan nina Coco at Julia.


Ginagampanan ng aktor ang isang pulis at guro naman ang aktres na nakunan sila ng video na magka-angkas sa motorsiklo kasama ang dalawang estudyante.


Komento nga ng netizen, “Walang helmet?”


Si Coco ang tinutukoy bukod pa sa apatan silang sakay sa motor na pinayagan naman tiyak ng LGU ng Pola, Mindoro dahil sumunod sa health protocols ang buong produksiyon.


Ang caption ng CocoJuls4ever sa mga larawan, “Si Mamang Pulis at Si Madam Teacher.

“OMAYGAAAAHD!!! 'Di ko na alam kung paano ba kumalma. Deserve nila 'tong project na 'to. Ang tagal nating naghintay.

“Salamat sa source na ayaw magpa-mention. Marami kaming nagmamahal sa 'yo. Ang daming biyaya.”


May video post ang mga supporters na habang nakaupo sina Coco at Julia na naghihintay ng kanilang cue ay ginawan ng kuwento lalo na nu’ng abutan ng aktres ang leading man niya ng pamunas ng mukha.


Sabi ng @cocojuls4ever, “Paano ba mag-alaga ang isang Julia Montes without having a matinding "public display of affection?"

“Julia: Deng, pinagpapawisan ka na. Heto towel, oh, magpunas ka."

"Coco: Salamat, Mara. Labyu!"

"(Char lang 'yang dialogue. Malay ba natin kung ano'ng pinag-uusapan nila. Pero towel nga ba 'yun o panyo? Basta pamunas ng pawis).


Nakunan ding nasa ibabaw ng bubong ang dalawa.


Ang caption ay, “Good morning!!! Akalain mo ‘yun, nakaabot na sa "bubong". Char! Ingat sa pagbaba ha, @cocojulbukayo.”


Komento ni @zynkha1432, “Sana merong Mr. & Mrs. Smith na Pinoy version, tapos silang dalawa ang gaganap.” At marami ang nag-like nito.


Anyway, nasabi naman sa amin ng handler ni Julia na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment na next year pa ire-release ang indie movie na ito ng tambalang Coco-Julia.


Sa tanong namin kung pang-film festival ba ito sa ibang bansa since si Brillante Mendoza ang direktor, “No idea if pang-filmfest abroad, but ang sinabi sa akin is they will release this next year. Wala pa pong title,” sagot ni Mac.


Hmmm, hindi kaya Ang Probinsyana ang title? Joke lang po.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 16, 2021




Kasama sina Enrique Gil at Liza Soberano sa mga hurado sa nakaraang Binibining Pilipinas 2021 nitong Linggo, Hulyo 11, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.


Sinamahan ang dalawa ng kanilang manager na si Ogie Diaz at base na rin sa kuwento nito ay sobrang higpit ang organizer, ang Binibining Pilipinas Charities, Inc., dahil nasa 200 katao lang na magkakahiwalay ang nasa loob ng coliseum na may 11,000 seating capacity dahil sa COVID 19 restrictions.


“Dalawang upuan ang pagitan ng bawat audience. Pati sa mga judges, walo lang ‘yung kasya pero 13 ang pinili. Kumbaga, walo ‘yung nasa floor, naka-tape na ‘yung lima (hurado) tulad nina Congresswoman Vilma Santos-Recto, Michael Cinco, Miss International 2013 Bea Santiago,” kuwento ni Ogie na in-upload niya sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel.


Anyway, pagkatapos ng coronation night ay hiningan ni Ogie ang alagang aktres ng reaksiyon bilang isa sa mga hurado.


“Nakakaawa kasi ang daming magagaling, there’s so many girls to choose from and it’s hard because you can't just base on their looks, 'di ba? It’s the complete package on how they talk, on how they walk, the way they carry themselves, so, it’s really hard,” kuwento ni Liza.


For the nth time ay muling tinanong ni Ogie si Liza kung may planong sumali sa beauty pageant lalo’t pangarap ng ama nito na maging beauty queen ang anak.


Natawa muna ang dalaga, “My dad is funny. No, I really appreciate all the support and the kind words but I don’t think pageantry is for me, I’d rather be behind the scenes.


“I’d rather judge maybe. I don’t think I can commit to that (kind) of lifestyle unless it’s sport and you have to be dedicated and passionate. And it’s something that I can't allot so much time.”


At kung ang boyfriend namang si Quen ang tatanungin ay talagang gusto rin niyang sumali ang dalaga. Habang nasa entablado nga raw ang mga contestants ay feeling niya, naroon din si Liza.


“Nakikita ko nga (Liza), ‘Ano'ng number mo nga ulit, Baby? Number ano ka ba d'yan?” birong tanong nito sa aktres.


Hirit pa, “Sabi ko sa kanya (Liza), 'Ikaw talaga ang Binibini ko.' Ayaw nga, eh. Okay na ‘yun, sige, baka Miss Universe (sasalihan), baka Miss Universe next year. Hindi, joke lang.


“Ano ba, B (tawag niya sa dalaga)? Miss Universe? Feeling ko, mananalo ‘yan 'pag sumali! Naku, wala nang competition, wala na.”


Sundot din ni Ogie, hindi talaga feel ni Liza ang mga beauty contests dahil kung sadyang gusto nito, eh, di sana, noon pa.


“Hindi talaga siya sasali, wala sa kamalayan niya, natutuwa si Liza na siya’y itinutulak (sumali) pero hindi nga para sa kanya ‘yun.”

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 15, 2021



Ibinasura ang kasong slight physical injuries na inihain kay Tony Labrusca ng nagngangalang Dennis Ibay, Jr. sa Makati Prosecutor’s Office noong Hunyo 4, 2021.


Base sa resolusyong inilabas noong Hulyo 12, 2021 ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Seña ay napawalang-sala ang Kapamilya actor “on technical grounds.”


Pahayag ni Senior Assistant City Prosecutor Seña, “This resolves the complaint for slight physical injuries filed by Dennis F. Ibay, Jr. against Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., a.k.a. ‘Tony Labrusca.’


“Record shows that the incident subject matter of the case happened on January 16, 2021.

“However, the complaint was only filed before this Office on June 04, 2021, or after more than two months from the time of the incident.


“Considering that the complaint for slight physical injuries against respondent was only filed on June 04, 2021, or after more than two months from the date of its alleged commission, the crime is already extinguished by reason of prescription.


“Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that the complaint for slight physical injuries against Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., a.k.a. ‘Tony Labrusca’ be dismissed on the ground of prescription.”


Nakarating na kay Atty. Joji V. Alonso, legal counsel ni Tony ang kopya ng resolusyon mula sa Makati City Prosecutor’s Office.


Sabi ng abogada, “While the decision of the Honorable Office was based on technical grounds, we remain steadfast that our client is innocent from the aforesaid charge.”


May isa pang resolusyon ang hinihintay mula sa Makati Prosecutor’s Office, ang two counts of aggravated acts of lasciviousness case na isinampa naman ng babaeng kasama ni Dennis Ibay, Jr. na hindi pa pinangalanan.


Tinawag naman ni Atty. Joji na “mere allegations” at “unfounded claims” ang mga kasong isinampa kay Tony.


“We call the public to be mindful of casting judgment based on mere allegations and unfounded claims.


“We welcome the legal process taking its course, where in the end, the truth shall always prevail. We look forward to clearing @tony.labrusca’s name.”


Bukas naman ang espasyo ng BULGAR para kay Dennis Ibay, Jr. at sa kasama nito para sa kanilang panig.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page