top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 24, 2021



Si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang nagkumpirmang kakandidato si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez at kasama siya sa senatorial line-up ng National People’s Coalition na inilabas nitong Miyerkules.


Si Congw. Lucy ay miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kaya maraming nagulat na kasama siya sa tandem nina Sen. Ping Lacson at Senator Tito Sotto na balitang kakandidatong presidente at bise-presidente.


Ayon kay Tito Sen, “I just got the go signal, Congw. Lucy Torres-Gomez will be in our line-up!”

Huling termino na ni Congw. Lucy bilang representative ng 4th District ng Leyte at napanood namin ang vlog ng asawa niyang si Ormoc City Mayor Richard Gomez na gusto niyang tumakbo sa Senado ang asawa para lumawak pa ang matutulungan nito at hindi lang ang kanilang bayan lalo na sa panahon ngayon.


At base naman sa panayam noon kay Congw. Lucy ay interesado naman daw siya noon pa, pero mas pinili niyang tapusin ang termino niya sa Congress.


Aniya, “Kasi hindi siya talaga 'yung… like, I was saying earlier, hindi siya talaga grand plan. Kasi kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, eh.


“So, in 2019, I was also asked again to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream. Ang sa akin lang, if maybe I’m given the opportunity, it’s one of those things that only time can tell.”


At ito na nga siguro ang perfect time, 2022 elections, kaya umoo na si Congw. Lucy kay Sen. Tito.

 
 

IBANG MAGAGANDANG BABAE NAKATINGIN.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 23, 2021



Bugbog-sarado' si Robin Padilla sa asawang si Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa katwiran nitong, "‘Di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso."


Naging guest si Robin sa YouTube channel ni Ogie Diaz at ang isyu ay tungkol sa pagkakaroon diumano ng 3rd party ni Aljur Abrenica kaya sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.

Hindi naman kinampihan ni Robin ang manugang, bagkus ay nabanggit nga nito na walang lalaking nakatatanggi sa tukso at nasabi niya ito dahil na-experience niya ito noong kabataan niya at super-sikat siya.


Ang sabi ni Mariel sa asawa, “May tanong tungkol sa tukso, na sa panahon ngayon, hindi ka naniniwala lalo na ang mga artistang lalaki na hindi nakaka-resist sa tukso.”


Sagot ng aktor, “Eh, ako, nagsasalita tungkol sa aking experience. Experience ‘yun noong ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan.”


“So, masasabing it’s in the past? Mabuti na ‘yung klaro,” sambit ng nanay nina Isabella at Gabriella.


Balik-tanong ni Mariel, “At dahil mag-e-11 years na tayo, meron bang instance sa relasyon natin na natukso ka?”


“Aba, pinapayagan mo naman ako kapag nasa abroad na tumingin-tingin, ah?” natawang sabi ni Binoe.


Gigil na sabi ni Mariel, “Hindi ako pumapayag! Never akong pumayag, hello?”


Sundot pa ni Robin, “'Pag nagsa-shopping ka, nagsa-sight-seeing naman ako.”


Kuwento ni Mariel, “Kaya nga nabibitin ako kapag nagsa-shopping ako. Ang pinag-uusapan natin, ‘yung sa Russia? So, nag-shopping ako nang sobrang bilis. Sabi niya, ‘O, tapos ka na? Ang daming magagandang babae sa (paligid). Lahat pala ng magagandang babae sa mundo, nandito sa Russia.' Natapos ‘yung shopping, nawalan ako ng gana!”


Tawang-tawa naman si Robin sa reaksiyon ng asawa, “Eh, kasi, hindi ipinagyayabang ang pagiging loyal. Ang pagiging loyal ay ginagawa, hindi ‘yun sinasabi. Kapag masyado kang talkies, baka kulang sa walkies, hahahaha! At ang tukso sa atin, reyalidad ‘yan. Kasama ‘yun sa every life (challenge).”


Pero bago ang kuwentuhan ng mag-asawa ay nag-sparring muna sila kung saan inilabas lahat ni Mariel ang mga gamit nilang dalawa noong ginagawa pa nila ito.


Nagulat ang aktor dahil biglang nagyaya ng sparring ang asawa at siya lang ang pinagsuot ng proteksiyon tulad ng headgear, sparring gloves, chest protector, pang-arnis na gawa sa kamagong at marami pang iba.


Kinunan ni Mariel ang gagawin nila ni Binoe na in-upload niya nitong Miyerkules ng gabi sa kanyang YouTube channel na pumalo na kaagad sa kulang 200K views and still counting.


Tanong ni Robin kay Mariel, “Parang ganadung-ganado ka, ah.”


“Oo, ipina-disinfect ko pa ang mga ‘to,” saad ng ina ng mga anak niya.


At nagsimula na ang pagpalo ni Mariel kay Robin base sa itinuro sa kanya noon ng mister at aksidenteng natamaan ang aktor sa pribadong parte ng katawan nito.


“Ay, tinamaan kita. 'Di ba kasama ru’n?” nag-aalalang sabi ni Mariel.


“Oo, kasama, pero wala akong gear du'n,” habang hawak-hawak ang tinamaang private part.


Kaya, umupo muna ang dalawa para mag-break time.


Samantala, 11 years na palang mag-asawa sina Robin at Mariel sa susunod na buwan (Agosto) kaya naitanong ni misis kung anong plano ng mister in 5 yrs. time.


“Babe, marami akong gustong itanong sa ‘yo. Mag-e-11 years na tayo ngayong August, 'di ba? So, meron akong gustong itanong na never ko pang naitanong sa ‘yo?” sambit ni Ma (tawag kay Mariel).


“Sana, buhay pa ako. Eh, ako naman, ang plano ko ay matahimik na buhay, ayaw ko ng magulong buhay,” sagot ng tatay ng mga anak ni Mariel.


Kaya nilinaw niya ang nababalitang pagpasok niya sa pulitika.


“It’s not gonna happen. Ang gusto ko, magkaroon ng tahimik na buhay ang mga anak ko. Ang pangarap ko nga, sa abroad (mag-aral) din. ‘Yun ang pangarap ko talaga.”


Ayon kay Mariel, “So, in 5 years, Isabella will be 10 (years old), si Gabz will be 7. So, ano ang nakikita mo sa atin nu'n? Tahimik na ang buhay natin nu'n in 5 years?”


Nabanggit ni Robin ang balak na tumira na sila abroad at ibenta na lang ang kanilang mansiyon ni Mariel o ang Museo de Padilla na kanilang ancestral house.


Pero dahil nga sa COVID-19 pandemic at lockdown ay hanggang puro pangarap na lang muna sila.


Naitanong naman ulit ni Mariel, “Kapag nai-imagine mo ang ganu’n (pag-a-abroad), ano sa tingin mo ang magiging trabaho natin?”


“Ha? Mag-aalaga lang tayo ng bata. Palalakihin natin ang mga anak natin. Kaya nga tayo pupunta ru’n (para mag-aral mga anak). Kaya nga tayo magbebenta para maging relaxed lang,” paliwanag ng aktor.


Samantala, may part 2 ang tsikahan ng mag-asawa at tila napikon si Robin sa bandang huli ng video kaya dapat abangan.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 22, 2021



Sa face-to-face mediacon ng isang pelikula ay pinag-uusapan ng mga kasamahang press si Heaven Peralejo dahil mega-tanggi noon na may relasyon sila ni Kiko Estrada, pero kamakailan ay sunud-sunod ang mga larawang magkasama sila.


Sabi ng isang editor, “Vindicated si Devon (Seron).”


Kasi naman, hindi naman magdududa si Devon kung wala siyang pruweba at kung walang nagsasabi sa kanya ng mga kaganapan sa locked-in taping ng seryeng Bagong Umaga na pinagsamahan nina Kiko at Heaven at nagtapos na noong Abril.


Anyway, muli na namang kumalat ang larawan nina Kiko at Heaven sa isang gathering ng pamilya ng aktres base sa mga nabasa naming komento sa FB post ng nagngangalang AC Rivero nitong Hulyo 19.


Ang nasabing FB owner din ang naglabas ng mga larawang magkasama ang dalawa sa isang airport pasakay ng Air Asia kamakailan at may larawang nagtititigan sina Kiko at Heaven.


Tanong naman ng katoto sa tsikahan ng grupo, “Kaya ba hiniwalayan ni Jimuel (Pacquiao)?”


Naku, no idea na kami kung bakit naghiwalay ang dalawa.


Anyway, hindi naman na siguro kailangang umamin pa nina Kiko at Heaven dahil mga mismong larawan na nila ang magsasalita para sa kanila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page