top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

NOON ANG FILMFEST.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 29, 2021





Nagbalik-tanaw si Lolit Solis sa mga nagawa niyang mali noong bata-bata pa siya sa industriya ng showbiz, base sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito sa YouTube.

Tinanong ni Ogie si Manay Lolit tungkol sa ginawa nitong scam noong 1994 Manila Film Festival kung saan ipinanalo niya ang alagang si Gabby Concepcion na dapat sana ay si Edu Manzano ang Best Actor.


“That time, medyo nag-i-slide down siya (Gabby), eh, kasi nag-asawa siya ng bago, si Jenny Syquia. So, akala ko talaga, ang magiging winner, si Richard Gomez, kasi siya ang karibal ni Gabby.


“Hindi ko alam na si Edu Manzano ang mananalo dapat. So, sabi ko, hindi puwedeng manalo si Richard, lalong babagsak si Gabby, kaya naisip kong siya (Gabby) ang maging Best Actor, so ‘yun!” katwiran nito.


Sinabihan daw ni Manay Lolit ang mga presenter na pangalan ni Gabby ang tawagin kahit na si Edu ang nanalo.


“Iyon ‘yung take it-take it, kadiri!” natatawa nitong sabi.


Bakit pati si Ruffa Gutierrez, nanalo rin, eh, si Aiko Melendez pala ang winner?


“Si Ruffa? Kasi siya ang inutusan kong magbasa ng Gabby Concepcion. Tapos, ‘yun pala, sila ang magwi-witness against me! Ang winner pala nu’n, dapat si Aiko.


“Pero kung alam kong si Edu Manzano ‘yun (nanalo), baka nagdalawang-isip ako, kasi hindi naman siya direktang karibal ni Gabby, eh, that time, akala ko talaga si Richard.”

Inamin din ni Manay Lolit na sa tingin niya ay nagamit siya sa pulitika noon dahil nga mga metro mayors ang bumubuo sa Manila Film Festival.


“Kasi kung showbiz lang ‘yan (hawak ang MFF), 'pag nagkabukingan, ang sasabihin lang ng lahat, ‘Naku, ‘yang Lolita na ‘yan, may ginawa na namang kapalpakan.' Parang matatanggap kasi nga, ang showbiz naman, para tayong pamilya, madali naman tayong mapagpatawad.

“That time, parang nagamit din ako para gumana ‘yung image ng mga politicians. So, they run after me,” pahayag ni Manay Lolit.


Malaki ang pasalamat ng talent manager sa mga alaga na itinuring niyang anak dahil sinuportahan siya hanggang dulo at hindi siya iniwan tulad nina Senator Bong Revilla, Jr., Bacoor Mayor Lani Mercado, Lorna Tolentino at Christopher de Leon.


“Sabi ko, magpa-manage na sila sa iba kasi nga 'di ba, pero sabi nila, hindi nila ako iiwanan at doon iniligtas ako ni Douglas Quijano,” sambit nito.


Nademanda rin noon si Manay Lolit dahil kina Piolo Pascual at Sam Milby na isinulat niyang diumano’y may relasyon.


“Oo, kagagahan ko. Hindi ko naman alam kung sino ang kabulungan ni Piolo nu’ng nakita ko. Nakita ko lang, may ibinubulong, so nagbigay ako ng malisya na may binubulungang lalaki si Piolo.


“Eh, tapos, ang ginawang title ni Salve (Asis-editor ng Pilipino Star), Sam and Piolo, Naglalampungan.


“Nu’ng idinemanda nila ako, ang nagdemanda nga raw, si Direk Johnny Manahan at talagang nilapitan ko si Direk Johnny. Sabi ko, ‘Direk, bakit mo ako idinemanda, eh, ang dami-daming nagsusulat ng kung anu-ano tungkol kay Piolo?'


“Sagot niya (Mr. M), ‘'Di bale nang iba ang nagsulat sana, hindi ikaw, kasi ‘yung sa ‘yo, parang vinalidate mo na ‘yung issue.' Hindi ko alam kung magmamalaki ako na may kredibilidad ako kaya ako nademanda,” tawa nang tawang sabi nito.


Humingi naman daw siya ng apology sa dalawang aktor, “Pinatawad nila ako, tinanggap nila ‘yung apology ko.”


Sobrang puri rin ni Manay Lolit kay Piolo dahil, “Siyempre, after nu'n (kaso), umiiwas ako kasi nahihiya ako, baka hindi ako batiin. Pero siya ‘yung lumalapit. Doon ko nakita kung gaano siya ka-polite.”

 
 

BAHA NU’NG ONDOY.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 26, 2021



Kapag ganitong walang tigil ang ulan sa buong Metro Manila at sinabayan pa ng lindol ay bumabalik sa alaala ng aktres na si Cristine Reyes ang sinapit niya noong Bagyong Ondoy nu’ng 2009 kasama ang mga pamangkin at ina kung saan 24 oras siyang nasa bubong ng bahay nila na nanginginig sa ginaw, walang kain o tubig na maiinom man lang dahil lubog sa tubig-baha ang buong Marikina City.


Maraming gustong tumulong noon sa aktres pero hindi nila alam kung paano siya pupuntahan para sunduin dahil walang sasakyan na puwedeng sumuong sa lagpas-bubong na tubig-baha.


Dumating noon ang leading man ng aktres na si Richard Gutierrez sa pelikulang Patient X na sakay ng pump boat bandang 1 AM sa Provident Village, pero hindi nito nakita si Cristine dahil sobrang dilim at ang lakas ng current at bandang 3 AM, nang humina na ang ulan ay siyang dating naman ng mga volunteer workers mula sa Olongapo City — ang Subic Bay Disaster Management Committee of the Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na kasama ng aktor para sunduin ang dalaga.


Kaya aminado ang aktres na hindi nawawala ang trauma niya sa mga panahong tulad nito na walang tigil ang ulan dahil kawawa ang mga kababayan nating biktima ng baha.

Nag-post si Cristine ng quote card sa kanyang IG account na may nakalagay na: “She became strong by herself.”


At ang caption niya: “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified.


“This weather gives me anxiety. It reminded me of the devastating flash flood caused by Typhoon ‘Ondoy’. I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more, some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom. We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body. It was horrible and traumatic.


“In times like this… when you have no control of things around you. There’s only one thing I consistently do. I speak to HIM.


“Bihira akong manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit, palagi Siyang ‘and’yan. Palagi Niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat.”


Ang real Darna ng showbiz na si Angel Locsin ang unang nagkomento sa post na ito ng aktres, at aniya “Labyu, AA (heart emoji).”


Komento naman ni Maxene Magalona, “Sobrang totoo ‘to (emoji praying). Sending you love. God bless you, AA.”


Sey naman ni Jan Marini, “He who dwells in the secret place of the Most High shall abide under the shadow of the Almighty. I will say of the Lord, ‘He is my refuge and my fortress; My God, in Him I will trust.’ Surely He shall deliver you from the snare of the fowler and from the perilous pestilence.”


Marami pang ibang celebrities ang nagpahayag ng suporta kay Cristine.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 25, 2021




Sumailalim ulit sa GCQ o General Community Quarantine with heightened restrictions ang Metro Manila kasama ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro at Davao del Norte simula July 23 hanggang July 31.


Dahil ito sa pagpasok ng Delta variant sa bansa na dahilan kaya tumataas ulit ang kaso ng COVID-19.


At dahil dito ay postponed ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2021 na dapat sana ay ngayong Linggo gaganapin sa Okada, Manila.


Ayon sa anunsiyo sa official FB page ng Miss World Philippines, “In compliance with the reimposition of the IATF’s heightened GCQ restrictions, the Miss World Philippines Organization is rescheduling the forthcoming Miss World Philippines coronation night originally scheduled this coming Sunday, July 25, at Okada Manila, to August 8, same venue.”


Ikalawang postponement na ito ng Miss World na dapat sana ay noong Hulyo 11 ginanap pero dahil kasabay ito ng Binibining Pilipinas na ginanap sa Smart Araneta Coliseum ay itinakda ito ng Hulyo 25, pero muling naurong sa Agosto 8.


Ang mga titulong Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Environment Philippines, Miss Eco Teen Philippines, at Miss Tourism Philippines ang paglalabanan ng 45 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page