top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 08, 2021



ree

Inamin ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid na hindi okay sa kanya na malamang may idine-date na ibang lalaki ang dalaga, pero wala naman siyang magagawa.


Aniya, “I don’t think anyone in that situation is really excited to see the ex with someone else.”


Pero kung ito ang makakapagpaligaya kay Nadine ay okay sa kanya, “I want her to be happy.”


Sundot na tanong ni Boy Abunda para sa kanyang YouTube Channel, okay lang ba na mag-entertain si Nadine ng manliligaw?


“I’m not her husband neither her father so she can do whatever makes her the happiest,” katwiran ng binata.


Ang nabanggit na may ibang kasamang non-showbiz guy si Nadine ay ang nakilala niyang surfer sa Siargao Island kung saan siya nagbakasyon at may larawan silang kumalat sa social media.


Bagama’t matagal nang hiwalay ang JaDine ay nanatili silang magkaibigan lalo’t magkatrabaho sila.


Tanong ni Kuya Boy kay James na galing sa supporters nila, “Your relationship with Nadine proves that ex-lovers can be best of friends. How deep is your relationship with her and where is that relationship now?"


“We’re still very good friends, we still work together and she’s always be very special to me and right now, she’s doing her own thing and I’m doing my own thing.


"And yeah, we’re focused on our own careers. You know, we’re trying to help (each other) with music kind of things and it’s been great to see her be able to take control of her creative directions in her a lot of music, lot of her projects.


"How are we going? We’re okay,” mahabang sagot ni James.


Nagkikita pa rin daw ang ex-couple.


“Very frequently, at least once a week,” pag-amin ni James lalo’t nagkakatulungan sila sa kanilang singing careers dahil under si Nadine sa Careless music label ni James.


Tinanong ulit ang binata kung posibleng magkabalikan pa sila ng dalaga pero napangiti lang ito at hiniling na ibalato na lang ang pribado nilang buhay tulad noong magkarelasyon pa sila.


Samantala, naikuwento naman ni James na excited siya para kay Nadine dahil may bago itong single na malapit nang ilabas.


Abala si James sa kanyang singing career at excited siya sa paglabas ng bagong music video nitong SODA na umabot na sa 2M streams sa Spotify.


Binanggit din ng singer/actor/producer/entrepreneur na may isa pang music video na lalabas na ikagugulat ng lahat dahil ibang-iba raw iyon at experimental, “It’s the other side of me.”


Anyway, ang iba pang negosyo ni James ay ang restaurant na Almusal Café sa The Pop Up UP Katipunan at Alamat Filipino Pub and Deli sa Poblacion Makati City na kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila ay bukas ang mga ito para sa gustong magpa-deliver o mag-takeout.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 07, 2021



ree

Abut-abot ang pasasalamat ni Kris Aquino sa bigwigs ng GMA-7 na sina Ms. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan dahil pinagbigyan siyang lumabas sa network sa Linggo, Agosto 8.


“Thank you @annettegozonvaldes and @joeyabacan for this opportunity,” say nito.

Sumagot naman ang GMA exec, “We're so excited to watch you at the Shopee Special! (emoji smiley).”


Paanong hindi sila pasasalamatan ni Kris, eh, pagkalipas ng limang taon ay muli siyang mapapanood sa telebisyon, bagay na matagal na niyang inaasam-asam.


Inakala niya na pagkatapos niyang mawala sa ABS-CBN nu'ng 2016 ay mapapanood siya sa Kapuso Network nu'ng 2017 para sa travel show, pero hindi natuloy dahil may humarang daw.


At nitong nakaraang 2020 ay may nag-alok na producer para sa TV5 naman bilang blocktimer at excited na nga si Kris pero sa dami ng naging problema sa parte ng produ ay umayaw na ang Queen of All Media.


Pero ngayon, totoo na lalabas na siya sa GMA-7 sa Linggo, Agosto 8, para sa Mega Flash Sale ng Shopee bilang co-host ni Willie Revillame.


Ipinost ni Kris ang larawan nila ni Willie kasama ang ibang guest para sa special episode ng Shopee.


Caption ni Kris, “Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE, he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to co-host with him.”


Bukod kina Ms. Annette at Joey ay nagpasalamat din si Kris sa kanyang Shopee family dahil sa pabor na hiningi niya para sa mga nagbantay at nag-alaga sa Kuya P-Noy niya noong labas-masok ito sa Makati Medical Center.


Aniya, “To my @shopee_ph family, maybe I can now share this part of my journey with my brother, my KUYA (sorry I will omit the exact date but this was a little over a month before his death), napuntahan ko s’ya, naghintay ng more than 3 hours until he was peacefully resting para masilip s’ya sa ICU after a procedure.


“The whole team at Makati Med were just so caring & compassionate and they did EVERYTHING to protect his privacy. Sobrang na-touch ako because I saw for all of them it was more than just professionalism, it was RESPECT.


“Gumawa ako ng paraan because they had to know how much I appreciated them - so my Shopee fam kept my secret so that I could order special Kris ShopeePay vouchers.


“Walang lumabas- nagawan ng paraan, nakapag-THANK YOU ako sa mga tahimik na nag-alaga sa Kuya ko mula December 2019 nu’ng labas-masok na s’ya sa ospital. As I told my Shopee fam, I am fully aware my contract expires on 10/10- but they have my LOVE & LOYALTY for LIFE!


“Honestly, takot akong bumalik on TV (and all platforms FB, YT, IG, and Twitter) this Sunday because I know I’m underweight, although I’m fully vaccinated I do have autoimmune, I’m still grieving, and matagal na 'kong hindi lumalabas on network TV.


“BUT sabi n'yo hinahangaan n'yo sa 'kin ang pagiging “strong” ko - NOW is my chance to prove it, and why should I be scared? Katabi ni KCA si WBR and this is for @shopee_ph. And for all of my followers na patiently naghintay for this moment to arrive. #lovelovelove.”

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 05, 2021



ree

Naging emosyonal si Sharon Cuneta nang ibalita sa kanya na binasag ng pelikula niyang Revirginized ang lahat ng pelikula ng Viva Films na kasalukuyang palabas ngayon sa KTX.ph.


Sa virtual mediacon ng Revirginized, ibinalita sa Megastar na breaking all records daw sa nasabing streaming apps ang movie ni Sharon sa pre-selling ng tickets.


Ayon sa aktres ay matagal na niyang hindi narinig ang ganyang balita.


“I used to break my own records. I used to be the only one able to break my own records in so many years. Thank you Direk Daryll for this movie for Carmela (karakter niya). Thank you to my Sharonians. Thank you, Viva.”


Kaya nabanggit ito ng Megastar ay dahil matagal na siyang hindi nakagawa ng pelikula at may ilang namba-bash na nagsabing hindi na siya sikat.


Isa sa selling point ng Revirginized ay ang body shot scene ni Sharon at ng leading man niyang si Marco Gumabao.


“Oo nga, naka-dalawang asawa ako pero ni minsan, hindi ko ito ginawa sa kanila (body shot), kaya talagang nagulat ako. Nu’ng sinabi ni Direk Daryll na gagawin ko ‘yun, sabi ko na lang, ‘Sige.’


“Uminom muna ako ng tequila at totoo pala ‘yun, talagang iba na (pakiramdam) at nagawa namin iyon ni Marco in one shot. Sabi ko sa kanya, i-guide niya ako kaya thankful ako kay Marco,” kuwento ni Shawie.


Marami talaga ang nagulat sa naturang eksena kung saan matapos uminom ng tequila ni Sharon ay dinilaan niya ang asin sa dibdib ni Marco.


Sa tanong kung ano ang naging reaksiyon ng asawa’t mga anak ni Sharon sa body shot, “Ikinuwento ko sa kanya (Sen. Kiko Pangilinan) ‘yung eksena. Sabi lang niya, ‘Okay.’ He’s very supportive kaya hindi ko iniiwan ‘yan, eh, hahaha! I am very grateful to have a husband like him,” sagot ng aktres.


Nabanggit din ni Sharon na hindi niya kayang makisama sa "dictatorial" husband.

Anyway, mapapanood ang Revirginized sa Agosto 6 sa KTX. ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page