top of page
Search

by Angela Fernando @News | July 25, 2024



DICT PhilHealth

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na 21 katao ang naiulat na namatay sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon dahil sa epekto ng Habagat na pinalakas ng Tropical Cyclone Carina.


Ayon sa PNP, 11 katao ang namatay dahil sa masamang panahon, kabilang ang lima sa Batangas at tig-tatlo sa Cavite at Rizal. Karamihan sa mga biktima ay namatay dahil sa pagkalunod, landslide, pagkakuryente, at pagbagsak ng mga puno. Isa ang nawawala sa Cavite, habang anim ang nasugatan sa Rizal.


Sa Central Luzon, tatlo katao ang namatay, kabilang ang dalawa sa Angeles City, Pampanga at isa sa Bustos, Bulacan. Namatay sila dulot ng landslide at pagkalunod.


Tatlo katao naman ang naiulat na nasugatan sa rehiyon. Samantala, wala pang detalye sa iba pang nasawi dulot ng Habagat at Bagyong Carina.

 
 

ni Lolet Abania | May 18, 2022


ree

Opisyal nang nagsimula ang rainy season o tag-ulan sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Sa isang advisory, sinabi ng state weather bureau na batay sa kasalukuyang weather system ng bansa naabot na ngayon ang pamantayan para sa pagsisimula ng tag-ulan.


“The presence of a frontal system and the occurrence of severe thunderstorms have brought widespread rains during the last five days in areas under Type I climate and other parts of the country. Moreover, southwesterly wind flow was also observed during the past few days. This satisfies the criteria of the start of the rainy season over the western sections of Luzon and Visayas,” paliwanag ng PAGASA.


“Intermittent rain -- associated with the Southwest Monsoon -- will begin affecting Metro Manila and the western sections of the country. Monsoon breaks which can last for several days or weeks may likewise occur,” sabi pa ng weather bureau.


Samantala, ayon sa PAGASA, ang kasalukuyang La Niña ay maaaring magpatuloy na makakaapekto sa maraming bahagi ng bansa at tumaas ang katulad na above-normal rainfall conditions sa susunod na mga buwan.


“Despite the ongoing COVID-19 pandemic, DOST-PAGASA will continue to monitor the day-to-day weather and long-term climate situation and provide updates when significant changes occur,” ani PAGASA.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 26, 2020


ree

Magdadala ng pag-ulan ngayong weekend ang low pressure area (LPA) sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, Quezon at Palawan, ayon sa PAGASA.


Ang mga nabanggit na lugar ay posibleng makaranas ng flash floods o landslide kaya naman, pinag-iingat ang lahat ng mga naninirahan dito.


Bukod pa rito, makararanas din ng mahinang pag-ulan at maulap na panahon ang Northern at Central Luzon kabilang ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dahil naman sa northeast monsoon o hanging amihan.


Samantala, makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng maulap na panahon at isolated rain showers at thunderstorm dahil sa localized thunderstorms.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page