top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021



Muling pinaalalahanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga government agencies at private entities na maaari silang mapatawan ng hanggang P500,000 sa sandaling hindi i-honor ang Philippine Identification (PhilID) card.


Batay sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System (PhilSys), “PhilID or the national ID is a valid proof of identity and must be accepted in all transactions.”


Sa isang social media post noong November 10, ipinahayag ng PSA na sa ilalim ng PhilSys Act, ang PhilID ay magsisilbing official government-issued identification document sa mga government at private transactions.


“The PhilID Card shall be accepted as sufficient proof identity, without the need to present any other identification documents,” saad sa pahayag.


Mayroong penalty ang refusal to accept, acknowledge at/o pag-recognize sa PhilID card na nagkakahalagang PHP500,000.


Kung ang lumabag naman ay isang government official o employee, kasama sa penalty ay ang disqualification na magkaroon ng kahit anong posisyon sa public office o employment sa gobyerno, kabilang ang mga government-owned and controlled corporations at mga subsidiaries nito.


As of October 31, at least 3.1 million PhilID cards na ang nai-deliver ng Philippine Postal Corporation habang 40,264,550 naman ang nakakumpleto na ng kanilang registration process.

 
 

ni Lolet Abania | October 14, 2021



Umabot na sa mahigit 2 milyon na national ID cards ang naipamahagi ng gobyerno sa ngayon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


“Pagdating sa nakatanggap na ng ID, ang report ng PHLPost (Philippine Postal Corporation) as of September 30 ay meron ng 2.2 million Filipinos na nakatanggap na ng PhilID,” ani PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


Nasa 43.2 milyong Pilipino naman ang nakapag-register para sa national ID system (Step 1).


Ibig sabihin nito na ang isang indibidwal ay dumaan na o nag-register online via register.philsys.gov.ph at napunan ang online application form na naglalaman ng personal na impormasyon nito gaya ng full name, address, petsa ng kapanganakan at iba pa.


Ayon pa kay Bautista, para naman sa Step 2 o ang capturing ng biometric information, gayundin ang beripikasyon ng mga personal details ng mga indibidwal na unang ibinigay via online registration o Step 1, umabot na sa 34.99 milyong Pilipino ang nakumpleto na ang proseso at naghihintay na lamang na mai-release ang kanilang national ID cards.


Target ng gobyerno na makapag-enlist ng tinatayang 50 milyong Pilipino para sa national ID bago matapos ang taon, kung saan ayon sa National Economic and Development Authority, ito ay kinakailangan para epektibong ma-identify ang benepisyaryo sa social protection programs at mapalawak ang paggamit ng electronic payments na magpapaangat sa digital economy ng bansa.

 
 

ni Lolet Abania | September 15, 2021



Umabot na sa 1.7 milyong national ID cards ang naipamahagi ng gobyerno sa mga Pilipino, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.


Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na ang naturang datos ay nai-record ng ahensiya hanggang nitong Setyembre 10.


Ayon pa sa PSA, nasa 42 milyong Pilipino ang nakapag-register na para makakuha ng national ID. Kapag registered na ibig sabihin nito, ang isang indibidwal ay rehistrado na online via register.philsys.gov.ph at napunan o naibigay na sa online application form ang kailangang personal na impormasyon gaya ng buong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, at iba pa.


Matapos naman ang online registration o ang Step 1, ang isang aplikante ay makatatanggap ng text message at email mula sa PSA ng kanyang appointment schedule para sa capturing o pagkuha ng biometric information gaya ng iris scans, fingerprint scans, at front-facing photograph, gayundin ang beripikasyon ng personal na detalye ng indibidwal na unang ginawa sa pamamagitan ng online registration o Step 2.


Lahat ng nag-a-apply para sa national ID ay bibigyan ng pagkakataon na magbukas ng kanilang bank account sa Landbank na pinamamahalaan ng gobyerno. Sinabi naman ni Bautista na dahil sa national ID program, nakapagbigay ito ng pagkakataon sa 5 milyong Pilipino na makapagbukas ng Landbank account.


Samantala, target ng gobyerno na makapagtala ng tinatayang 50 milyong Pinoy para sa national ID bago matapos ang taon na ayon sa National Economic Development Authority ay kinakailangan upang epektibong matukoy ang mga benepisyaryo para sa social protection programs at mas lumawak pa ang paggamit ng electronic payments habang mapapaunlad nito ang digital economy ng bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page