top of page
Search

ni BRT | June 20, 2023




Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na gumagawa ng hakbang ang gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon para labanan ang fake news.


Sa talumpati ng Pangulo sa 14th International Conference of Information Commissioners, sinabi nitong para labanan ang disinformation at misinformation, ilang kampanya ang ilulunsad digitally.


Ito ay ang pagsasagawa ng media information literacy campaign na ang approach ay youth oriented.


Siniguro din ng Punong Ehekutibo ang patuloy na pagpapatupad ng freedom of information program sa executive sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO).


 
 

ni Mylene Alfonso | June 19, 2023




Tinatrabaho na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magbigay ng mga livelihood packages para sa mga marginalized dahil mas gusto ng mga Pilipino na magtrabaho para sa kanilang mga pamilya sa halip na humingi ng ayuda mula sa gobyerno.


Sa kanyang vlog, sinabi ni Marcos na ang mga cash grant na ipinamahagi sa mga mahihirap na lugar ay dinagdagan ng livelihood packages.


"Nakikita natin sa panahon ng kahirapan, ang ugali ng Pilipino ayaw nilang umaasa at basta nag-aantay na lang ng ayuda, basta’t nag-aantay na lang,” pahayag ni Marcos.


“Ang Pilipino, nasa ugali talaga natin na masipag tayo. Mas maganda para sa bawat Pilipino na sila ay nagtatrabaho, na mayroon silang aasahang kikitain at nang mayroon silang pag-asa na gumanda pa ang kanilang mga hanap-buhay,” saad ng Pangulo.


"Mas gusto nila na magtrabaho kaysa umasa na lang sa ayuda,” wika pa niya.


Nabatid na matagal nang namamahagi ang gobyerno ng mga farm machineries mula sa Department of Agriculture, mga scholarship mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mga livelihood package mula sa Department of Trade and Industry, ayon kay Marcos.


"Lahat ng ito sa isang lugar lang namin inilagay nang sa gayon ay mas madali para sa ating mga kababayan," punto ni Marcos.


“Ito ay hindi lang mga ayuda na salapi kundi ayuda ng pagkakataon para sa mga mamamayang Pilipino nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay at hindi lang umaasa na tumatanggap ng biyaya,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 7, 2023




Habang patuloy na bumabagal ang inflation ng bansa sa ikaapat na magkakasunod na buwan noong Mayo 2023, tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa publiko na may coordinated at proactive monitoring system para panatilihing nasa target ang presyo ng pagkain at enerhiya.


Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), lalong bumaba ang inflation sa 6.1 percent noong Mayo 2023 mula sa 6.6% noong Abril 2023.


Ito ang pinakamababang year-on-year inflation rate mula noong Hulyo 2022 na nagdadala ng year-to-date ang average na inflation sa 7.5%.


Ang patuloy na paghina ng inflation ay dahil sa mas mabagal na taas-presyo sa pagkain at transportasyon.


“Kami ay kumpiyansa na makakamit namin ang inflation target ng gobyerno ngayong taon habang kami ay nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pagsubaybay sa mga pangunahing dahilan ng inflation,” pahayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan.


Noong Mayo 26, nilagdaan ni Marcos ang Executive Order No. 28, na lumikha ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO).


Nilalayon ng naturang komite na pahusayin ang koordinasyon ng pamahalaan sa pamamahala ng inflation at pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


“Habang ang mga panganib sa inflation outlook ay nakasandal sa pagtaas dahil sa mga potensyal na pagtaas sa mga pamasahe sa transportasyon, pagsasaayos ng sahod, mas mataas na singil sa kuryente, at mga lokal na presyo ng mga pangunahing pagkain na nagreresulta mula sa epekto ng El Niño, ang gobyerno ay nagsusumikap na ipatupad ang kinakailangang mga interbensyon habang nilalayon naming panatilihing mababa at matatag ang mga presyo para sa mga Pilipinong mamimili,” ani Balisacan.


Para sa mga panandaliang hakbang, sinabi ng administrasyong Marcos na kailangang punan ang mga kakulangan sa lokal na suplay sa pamamagitan ng napapanahong pag-aangkat, tiyakin ang sapat na buffer ng bigas sa panahon ng El Niño, at palakasin ang biosecurity.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page