top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Quezon 3rd District Representative Aleta Suarez, ayon sa Facebook post ng Quezon Public Information Office ngayong Sabado.


Saad ni Aleta, “Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang inyong lingkod ay sumailalim sa RT-PCR Test noong Mayo 6, 2021, alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH), bilang isang close contact ng aking kabiyak at gobernador ng Quezon, Gov. Danilo Suarez na naunang nagpositibo sa COVID-19.


“Lumabas po ang resulta kahapon, Mayo 7, 2021 at ako po ay nagpositibo rin sa COVID-19.”


Ayon kay Aleta, siya ay asymptomatic at naka-isolate sa kanilang tahanan.


Nanawagan din siya sa mga nakasalamuha niya at pinayuhang mag-self-quarantine.


Aniya, “Sa akin pong mga nakasalamuha at mga naging close contact nitong mga nakaraang araw, kayo po ay pinapayuhang mag-self-quarantine at mag-monitor ng inyong kalusugan.


“Kung kayo po ay nakararanas ng anumang sintomas ng COVID-19, agad itong ipagbigay-alam sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) upang kayo ay mabigyan ng kaukulang medikal na atensiyon at sumailalim sa test kung kinakailangan.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 18, 2021



Bumuti na ang kalagayan ng business tycoon na si Lucio Tan matapos siyang isugod sa ospital dahil sa COVID-19, ayon sa kanyang anak noong Sabado.


Sa Instagram post ni Vivienne Tan, aniya ay stable na ang kondisyon ng kanyang ama at nagpasalamat din siya sa mga nagdasal para sa paggaling nito.


Aniya, “Thank you for all your concern and prayers.


“My dad was admitted to the hospital after he tested positive for COVID-19. He is in stable condition, responding well, and recovering.”


Dagdag pa ni Vivienne, “We would like to request for some privacy at this time.


“Please continue to pray for his speedy recovery. Thank you.”


Si Tan ay chairman ng LT Group na partner ng Philip Morris-Fortune Tobacco, Asia Brewery, Tanduay Distillers at Eton Properties.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 8, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 si dating Speaker at Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, ayon sa kanyang anak.


Pahayag ni Finance Assistant Secretary Paola Alvarez tungkol sa kalagayan ng kanyang ama, "He is not in Manila, he is in Davao del Norte. He was not intubated at all but yes, he tested positive but he is already recovering.


"He is doing well and fine and is recovering at home in Davao. Thank you for everyone’s concern. This is indeed a global challenge and we must work together to keep it from spreading."


Si Alvarez ay naging Speaker ng House of Representatives noong July 2016 hanggang July 2018.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page