top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2021


ree

Mabuti na ang lagay ni Pope Francis matapos itong sumailalim sa intestinal surgery dahil sa pamamaga ng large colon nito, ayon sa Vatican noong Linggo.


Ayon sa Holy See Communications Office, sa Gemelli University Hospital umano dinala ang 84-anyos na Santo Papa para sumailalim sa operasyon sa kanyang “symptomatic diverticular stenosis” na isang kondisyon kung saan may nabuong maliit na sac sa muscular layer ng bituka.


Ayon naman kay Spokesman Matteo Bruni, maayos na ang lagay ni Pope Francis matapos ang operasyon.


Aniya, “The Holy Father reacted well to the surgery carried out under general anesthesia.”


Samantala, walang binanggit si Bruni kung gaano katagal inabot ang operasyon at kung hanggang kailan kailangang manatili ng Santo Papa sa ospital.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 25, 2021


ree

Pitong daan at limampu't isa pang bangkay ng mga bata ang natagpuan sa dating Catholic boarding school para sa mga indigenous children sa western Canada noong Huwebes, kasunod ng mahigit 200 na mga labi ng mga bata na nadiskubre noong nakaraang buwan.


Dahil dito, muling nabuhay ang panawagan ng ilang residente kay Pope Francis at sa Catholic Church na humingi ng paumanhin sa pang-aabuso at karahasang sinapit ng mga bata sa naturang paaralan mula sa kamay ng pamunuan ng simbahan na namamahala sa eskuwelahan.


Saad ni Cowessess First Nation Chief Cadmus Delorme, "As of yesterday, we have hit 751 unmarked graves.


"This is not a mass grave site. These are unmarked graves.”


Ayon kay Delorme, posibleng may mga marka ang naturang mga labi ngunit "Catholic Church representatives removed these headstones."


Dagdag pa niya, ito ay krimen sa Canada at maituturing umano na “crime scene” ang naturang lugar.


Matapos madiskubre ang 215 labi ng mga bata sa Kamloops Indian Residential School sa British Columbia na nagsara noong 1978, ipinag-utos ng pamahalaan ang pagsasagawa ng excavation sa Marieval school.


Ang naging sistema ng mga residential schools ay puwersahang inihiwalay ang nasa 150,000 mga bata sa kanilang pamilya. Marami sa kanila ang naabuso, na-rape at dumanas ng malnutrisyon na tinawag ng ahensiyang Truth and Reconciliation Commission noong 2015 na "cultural genocide" at tinatayang aabot sa mahigit 4,000 bata ang namatay sa naturang paaralan.


Saad naman ni Federation of Sovereign Indigenous Nations Chief Bobby Cameron, ito ay malinaw na maituturing na "crime against humanity."


Aniya pa, "The only crime we ever committed as children was being born indigenous.”


Ayon naman kay Prime Minister Justin Trudeau, ang mga labing natagpuan sa Kamloops at Marieval ay "Shameful reminder of the systemic racism, discrimination, and injustice that indigenous peoples have faced — and continue to face — in this country."


Aniya pa, "Together, we must acknowledge this truth, learn from our past, and walk the shared path of reconciliation, so we can build a better future.”


Ang Marieval residential school sa eastern Saskatchewan ay paaralan para sa mga indigenous children hanggang noong kalagitnaan ng taong 1990s bago ito i-demolish at palitan ng day school.


Nanawagan naman ang mga indigenous community leaders ng mas mabilis na aksiyon upang matagpuan ang iba pang posibleng unmarked graves sa Ontario at Manitoba provinces.


Saad naman ni Cameron, "We will find more bodies and we will not stop till we find all of our children.”


Saad naman ni Delorme, "We all must put down our ignorance and accidental racism at not addressing the truth that this country has with indigenous people.


"This country must stand by us."


 
 

ni Lolet Abania | June 10, 2021


ree

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, ang kasalukuyang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples or Propaganda Fide, sa isa pang posisyon sa Holy See.


Sa nai-post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Cardinal Tagle ay miyembro na ngayon ng Congregation for the Eastern Churches, isang Vatican body na bahagi ng Propaganda Fide.


Ayon sa CBCP, ang appointment ay hindi biglaang ginawa ng Pontiff.


Ang Congregation for the Eastern Churches ay sumusuporta sa Eastern Catholic na mga simbahan sa buong mundo at nagbibigay din ng assistance sa Latin-rite Catholic dioceses ng Middle East.


Nakikipagtulungan din ang naturang Congregation sa tinatayang 23 Eastern Catholic churches at komunidad, para sa iba pang gawain upang masigurong mauunawaan ang pagkakaiba sa aspeto ng liturgy at spirituality.


Bukod sa dalawang posts na ito, si Cardinal Tagle ay miyembro rin ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See, kung saan ayon sa CBCP post ay nag-o-operate gaya ng central bank ng Vatican.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page