top of page
Search

ni Mabel Vieron | July 5, 2023



ree

Kinondena ni Pope Francis ang ginawang pagsunog sa Quran ng isang indibidwal sa Sweden.


Ayon sa Santo Papa, nakakagalit at nakakadismayang makitang binabastos ang banal na libro ng mga Muslim.


Dagdag pa niya, anumang libro na maituturing na banal ay dapat irespeto gaya ng mga pagrespeto sa mga naniniwala rito.


Magugunitang isinagawa ng isang lalaki ang pagsunog sa Quran sa labas ng mosque sa Stockholm, Sweden na isinabay pa sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 31, 2023

ni Alvin Fidelson | March 31, 2023



ree

Photo: Pope Francis / Alessandra Tarantino / AP


Nanawagan si Papal Nuncio Archbishop Charles Brown na ipanalangin ng mga Pilipinong Katoliko si Pope Francis na ngayon ay nasa banig ng karamdaman sanhi ng respiratory infection.


Umaasa si Papal Nuncio na hindi ganun kagrabe ang kanyang karamdaman.


“Please, during this special time, pray for Pope Francis. Pray for his good health and his speedy recovery,” ani Brown.


Inanunsyo ng Vatican noong Miyerkules na ang 86-anyos na Papa ay naospital at nakaramdam ng hirap sa paghinga.


Nabatid na si Pope Francis ay ipinasok sa Gemelli Hospital upang gamutin.


Bago ito, dumalo pa si Pope Francis sa kanyang regular na pagbisita sa mga Katoliko sa Vatican St. Peter Square at mukhang maayos naman ang kanyang kalagayan.


Sa Gemelli Hospital din siya unang inoperahan ng colon nu'ng Hulyo 2021.


 
 

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Sorpresang dinalaw ni Pope Francis nitong Sabado ang mga batang Ukrainian refugees na nadamay sa giyera sa lugar kung saan ginagamot at inaalagaan sa isang pediatric hospital sa Rome.


Isa sa mga larawan na inilabas ng Vatican ay makikitang si Pope Francis habang nakikipag-usap sa isang batang babae na naka-full bandaged ang ulo at tila mayroong tube sa kanyang lalamunan.


Ayon sa Vatican, nasa 19 Ukrainian na mga bata ang kasalukuyang ginagamot sa dalawang sangay ng Bambino Gesu hospital para sa may cancer, neurological conditions o may matinding war injuries dahil sa naganap na pagsabog.


Ani pa Vatican, tinatayang 50 mga bata naman mula sa Ukraine ang ginagamot na sa ospital magmula nang pumutok ang giyera sa naturang bansa.


“The blood and tears of children, the suffering of women and men who are defending their land or fleeing from bombardments shakes our conscience,” pahayag ni Pope Francis sa isang mensahe sa Church conference sa Slovakia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page