top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 23, 2023



ree

Nakilala na ang person of interest sa kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon matapos itong huling makitang nasa Lemery, Batangas, ayon sa Police Regional Office (PRO) 4A nitong Lunes.


“As per [Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas], yes po,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, ang hepe ng PRO 4A Public Information Office, nang tanungin kung mayroong person of interest (POI) sa kaso.


Tumanggi si Lucas na magsabi ng karagdagang impormasyon tungkol sa naturang person of interest.


“Tuloy-tuloy pa din po ang pangangalap ng mga impormasyon para mas matukoy po yung pagkakakilanlan ng POI,” dagdag ni Gaoiran.


Huling nakita ang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon na nasa isang mall sa Lemery noong Oktubre 12.


Ayon sa ina ng beauty queen, may kikitain sana si Catherine sa Batangas City, ngunit hindi ito dumating.


Nag-utos si Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte ng "intensified efforts in tracing and gathering information" hinggil sa kinaroroonan ni Catherine.


Dagdag pa ng pulisya, "stations and units across Batangas Police Province are working together with the Tuy Municipal Police Station in searching for any trace or information."


Si Catherine ay kinatawan ng Tuy, Batangas sa patimpalak na Miss Grand Philippines 2023.


“Ang sinumang may mahalagang impormasyon ukol kay Catherine Camilon ay maaring mag-ulat sa Tuy Municipal Police Station sa pamamagitan ng kanilang Station Hotline 0998-598-5711."



 
 

ni Jeff Tumbado @News | July 18, 2023



ree

Isang 27-anyos na babae ang nadiskubreng wala ng buhay na may saksak at malalim na hiwa sa kanyang leeg sa loob ng inuupahang kuwarto sa isang hotel sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, kamakalawa.


Natagpuang duguan at nakahandusay malapit sa banyo ang biktimang si Janet Garay-on, naninirahan sa Bgy. Poblacion.


Ayon sa report ng pulisya, base na rin sa nakuhang CCTV footages ng hotel, makikita ang paglapit ng biktima sa front desk sa ikalawang palapag ng gusali.


Saglit na umalis ang biktima at pagbalik nito ay may kasama na siyang lalaki.


Kinabukasan, Hulyo 16, nang madiskubre ng isang roomboy ang insidente. Oras na umano ng checkout ng biktima subalit walang nagbubukas ng pinto kaya pinasok na ang kwarto at doon nadiskubre ang krimen.


Nagtamo ng tatlong saksak at hiwa sa leeg at dibdib si Garay-on.


Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking kasama ng biktima na siyang itinuturong suspek sa brutal na krimen.


 
 

ni Levi Gonzales | February 14, 2023



ree

Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Sitio Looban, Bgy. Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon.


Kinilala ang biktimang si Jerome Dumdumaya, 42, habang ang suspek ay si Manolito Alvarez, 50, vendor, kapwa residente sa naturang lugar.


Alas-11:30 ng gabi, pinuntahan umano ng biktima ang suspek sa bahay nito kaugnay sa naganap na argumento sa pagitan ng kanyang misis.


Nagkainitan ang dalawa hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima bago tumakas.


Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on- arrival.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page