- BULGAR
- Sep 7, 2020
ni Lolet Abania | September 7, 2020

Bibigyan na ng pagkakataon ang mga nagnanais na pumasok na kawani sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) na kulang sa taas dahil sa pinababa na ang minimum height requirement nito.
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang inihain ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang Senate Bill 1563 na pagpapababa ng minimum height requirement ng isang kawani na magseserbisyo sa mga naturang ahensiya.
Maaari nang makapasok at maging pulis, bumbero at jail guards kahit pa hindi pinalad na tumangkad. Sa lalaki kailangan na may taas na 1.57 metro o 5’2” at para sa babae, may taas na 1.52 o 5’0” na lamang ang itinakdang minimum height.
“Those who have less in life should have more in law,” sabi ni Dela Rosa na hango sa kredo ni dating Pangulong Ramon Magsaysay. “We give more in law to those who have less in height,” aniya pa.






