top of page
Search

ni Lolet Abania | April 3, 2022



Umabot na sa 2,313 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide election gun ban.


Sa kanilang report ngayong Linggo, ayon sa PNP na 2,249 ng mga violators ay mga sibilyan, 40 security guards, 14 police officers, at 10 na mga military personnel.


Nakumpiska sa mga lumabag mula sa ikinasang 2,209 police operations ay 1,785 firearms, 10,157 piraso ng ammunition, at 826 deadly weapons o nakamamatay na armas.


Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators na nai-report ay nasa National Capital Region (NCR) na may 854, kasunod ang Calabarzon na 250, at Central Visayas na 241.


Sa ilalim ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec), “the bearing, carrying, or transporting of firearms or deadly weapons outside of the residence and in all public places from January 9 until June 8.”


Exempted naman dito ang mga law enforcers, subalit kailangan nila ng awtorisasyon mula sa Comelec at dapat na nakasuot ng prescribed uniform ng kanilang ahensiya habang sila ay nasa official duty sa panahon ng election period.


Nitong Miyerkules, ang Comelec ay nag-recalibrate ng mga guidelines para sa gun ban exemptions bago pa ang eleksyon sa Mayo 9.


Sa ginanap na Comelec’s en banc meeting, ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ang mga amendments para sa Resolution No. 10728 ay layon na mag-produce ng aniya, “a more efficient system of issuing certificates of authority, include the decentralization of the granting of exemption to the Regional Directors and Election

Officers and the grant of automatic exemption to justices, judges, and prosecutors, including the Ombudsman.”


 
 

ni Lolet Abania | March 27, 2022



Nakasabat ang anti-drug operatives ng tinatayang P900,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang arestado ang isang suspek sa isang buy-bust operation sa Davao City nitong Sabado, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa isang Facebook post ngayong Linggo, kinilala ng PNP ang suspek na si Arnulfo Ferraren Sefuentes alyas ‘Tata’, 47-anyos, residente ng Fatima Village, Bajada, Barangay 19-B, Davao City na inaresto sa isang anti-drug operation.


Si Sefuentes ay nasa 4th top drug personality sa Davao region (Region 11) at kinokonsiderang isang high-value target (HVT) ng pulisya. Batay sa police report, bandang alas-12:08 ng hatinggabi nagkasa ng buy-bust operation ang Regional Special Operations Group 11, kasama ang mga law enforcement agencies sa R. Castillo St., Barangay Lapu-Lapu, Agdao, Davao City.


Nakumpiska kay Sefuentes ang mga sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 57 gramo na may street value na P912,000.


“Our focus is to further intensify the campaign against illegal drugs and to improve the quality of operations where policemen should focus more on High-Value Targets and higher grams of drugs confiscated per operations,” pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.


Nasa kustodiya na ng Sta. Ana police si Sefuentes habang inihahanda na rin ang kaukulang kaso sa korte laban sa kanya.

 
 

ni Lolet Abania | March 18, 2022



Arestado ang aktor na si Kit Thompson dahil sa umano’y pambubugbog at pag-detained sa kanyang nobya na si Ana Jalandoni sa Tagaytay City, Cavite.


Sa inisyal na report mula sa lokal na pulisya, nasagip nila si Jalandoni sa isang hotel kung saan nag-i-stay ang dalawa matapos na makatanggap ng emergency call mula sa 911.


“It turns out na talagang merong… valid ‘yung information na meron talagang binugbog o sinaktan na babae doon sa loob ng hotel,” sabi ni Tagaytay City Police chief Rolando Baula.


Ayon sa biktima, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ni Thompson na nagresulta sa pananakit umano ng nobyo. Inatake umano siya ng boyfriend at pinagsusuntok sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.


Puno ng pasa at galos ang mukha ng biktima nang dalhin sa Tagaytay City Medical Center habang binigyan din agad ng paunang lunas. Dinala naman ang aktor sa istasyon ng pulisya para sa imbestigasyon.


Nahaharap si Thompson sa posibleng charges dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Law. Tiniyak naman ni Calabarzon police chief Antonio Yarra na kanilang tututukan ang nangyaring insidente.


“Ang ganitong klaseng violence ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang,” sabi ni Yarra.


“I will take this chance to call on other women who are victims of violence not to be afraid and report immediately to the nearest police station their situation. Kagaya na lamang po ng biktima sa insidenteng ito, agad na nabigyan ng aksyon at hindi na umabot pa sa mas marahas na sitwasyon,” ani pa ni Yarra.


Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Cornerstone Entertainment, ang management ni Thompson, hinggil sa insidente.


“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter,” batay sa kanilang statement.


“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online,” dagdag pa


 
 
RECOMMENDED
bottom of page