top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 18, 2026



Bumagsak ang isang light aircraft sa kabundukan malapit sa Leukerbad, canton Valais, Switzerland - Valais, Cantonal Police

Photo: Bumagsak ang isang light aircraft sa kabundukan malapit sa Leukerbad, canton Valais, Switzerland - Valais, Cantonal Police



Patay ang tatlong katao, kabilang ang dalawang Briton, matapos bumagsak ang isang light aircraft sa kabundukan malapit sa Leukerbad, canton Valais, Switzerland nitong Martes.


Ayon sa awtoridad, ang Cirrus SR22T ay lumipad mula Sion Airport ngunit makalipas ang halos 10 minuto ay bumangga sa mountain slope sa hindi pa malamang dahilan.

May mga nakasaksi na nakakita ng apoy at usok sa lugar, kaya agad rumesponde ang Valais Rescue Organisation, pulisya at mga bumbero, katuwang ang tatlong helicopter.


Sinimulan na ng Swiss Transportation Safety Board ang imbestigasyon, habang hiwalay ding nagsasagawa ng inquiry ang Valais Police at Office of the Attorney General.

Patuloy naman ang pormal na pagkilala sa mga nasawi.


Kinumpirma ng UK Foreign, Commonwealth and Development Office na tinutulungan nito ang pamilya ng dalawang Briton at nakikipag-ugnayan sa Swiss authorities kaugnay ng insidente. 


 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 7, 2026



Makikita ang makapal na usok dulot ng pagsabok sa pagbagsak ng Air Force F-4 Phantom fighter jet, sa Athens Flying Week airshow sa Tanagra Air Force Base, north of Athens, Greece, Saturday, Sept. 5, 2026. AP Photo

Photo: Makikita ang makapal na usok dulot ng pagsabok sa pagbagsak ng Air Force F-4 Phantom fighter jet, sa Athens Flying Week airshow sa Tanagra Air Force Base, north of Athens, Greece, Sabado, Sept. 5, 2026. AP Photo



Nasawi ang dalawang piloto nang bumagsak ang isang F-4 Phantom military aircraft habang isinasagawa ang airshow sa isang base malapit sa Athens, Greece nitong Sabado.


Kakakuha pa lamang ng eroplano ng takeoff nang bigla umano itong mawalan ng altitude at bumagsak sa harap ng libu-libong spectators ng taunang “Athens Flying Week.”


Sumabog ang aircraft matapos ang crash at agad rumesponde ang ilang firefighting aircraft upang apulahin ang nagliyab na bahagi ng lugar.


Hindi nakapag-eject ang dalawang piloto bago bumagsak ang eroplano. Hindi pa malinaw ang sanhi ng insidente at patuloy itong iniimbestigahan.


Dahil sa aksidente, kinansela ang airshow habang nagtungo naman sa lugar si Defence Minister Nikos Dendias upang personal na tingnan ang sitwasyon.

 
 

ni Lolet Abania | December 15, 2021



Patay ang flight instructor habang sugatan isang student pilot matapos na ang Cessna 152 aircraft ay bumagsak nang pababa na ito sa Pangasinan ngayong Miyerkules, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).


Sa isang statement ng CAAP, ang nasabing aircraft ay nagmula sa Fly Fast Aviation Academy.


Nagtamo ng matitinding sugat na nagresulta sa pagkasawi ng pilot-in-command habang ang estudyanteng piloto ay naisugod naman sa malapit na ospital sa Alaminos at agad na isinailalim sa medical treatment.


Ayon sa CAAP, ang aircraft ay lumipad mula sa Lingayen Airport bandang alas-8:22 ng umaga para sa isang orientation flight.


Agad namang idineploy ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ang Go Team sa crash scene upanag madetermina ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft.


“More information is expected to follow upon the examination of the crash scene. The names of the persons on board the aircraft have been withheld pending notification to their next of kin,” ayon pa sa CAAP.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page