top of page
Search

ni Lolet Abania | June 6, 2022


ree

Nasa tinatayang 7,000 hanggang 8,000 pulis ang itatalaga para tiyakin ang seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30, ayon sa Manila Police District (MPD).


Sa isang interview kay MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco ngayong Lunes, sinabi nitong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang Philippine National Police - National Headquarters ay magbibigay ng karagdagang deployment ng mga pulis.


“Sa panig ng MPD, meron kaming 4,400 na kapulisan at iyan ay lahat ide-deploy ko para sa inagurasyon ng ating bagong presidente,” saad ni Francisco.


“Ako ay bibigyan ng additional complement galing sa NCRPO at sa National Headquarters so we are looking about 7,000 to 8,000 police na puwede i-deploy that day,” dagdag ng opisyal.


Sa ngayon, ayon kay Francisco, wala pa silang na-monitor na anumang banta o threat kaugnay sa oath-taking ni Marcos na nakatakdang ganapin sa National Museum of the Philippines.


Sinabi rin ni Francisco na ang P. Burgos Street at Kalaw Avenue mula sa Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard ay kanilang isasara sa trapiko kaugnay sa isasagawang okasyon.


Isang rerouting plan naman ang kanilang itinakda para sa mga motorista. Binanggit naman ni Francisco na maaaring gamitin ng mga protesters ang mga freedom parks upang magsagawa ng kanilang mga rally.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 6, 2022


ree

Mahigit 1,000 pulis ang idineploy sa mga key areas sa Central Luzon upang masiguro ang kapayapaan sa panahon Semana Santa at summer vacation.


Ayon kay Brig. Gen. Matthew Baccay, chief of Police Regional Office 3, itinagubilin na niya sa lahat ng local police directors na i-assist ang mga motorista at commuters bilang parte ng kanilang public safety campaign.


“We have already deployed more than 1,000 personnel regionwide on April 1,” ani Baccay.


Aniya pa, dadagdagan ng kapulisan ang kanilang foot and mobile patrols. Nag-set up din sila ng mga Police Assistance Desks/Centers were also set up.


“Road safety marshals are being deployed to convergence points, particularly in bus terminals, airports, seaports, and recreational areas including highways, main thoroughfares, and crime-prone areas, to ensure maximum police presence,” pahayag pa ni Baccay.


Nakaalalay din sa mga kapulisan ang force multipliers at auxiliary forces, kabilang ang Barangay Peacekeeping Action Teams at radio net groups.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022


ree

Umabot na sa 1,636 ang naaresto sa paglabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Linggo.


Kabilang sa mga nahuli ay 1,589 civilians, 23 security guards, 15 police officers, at 9 military personnel.


Sa isinagawang 1,516 police operation, nakakumpiska ng 1,268 firearms, 7,106 pieces ng ammunition, at 586 deadly weapons.


Batay sa datos ng PNP, ang top 5 regions na may pinakamaraming nahuling violator ay National Capital Region (536), Central Visayas (171), Central Luzon (116), Calabarzon (173), at Western Visayas (93).


Ayon sa Comelec Resolution No. 10728c ipinagbabawal ang pagdadala, pagbitbit, o pag-transport ng mga firearms o deadly weapons sa labas ng tahanan at sa lahat ng pampublikong lugar mula Jan. 9 hanggang June 8.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page