top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 22, 2023




Hindi nakadalo si Vice President Sara Duterte sa commencement exercise ng “Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon,” o MADASIGON Class of 2023 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar sa Baguio City.


Si VP Sara sana ang mag-aabot ng Vice Presidential Saber para sa Rank 2 ng PMA Madasigon Class of 2023.


Si Defense Undersecretary Carlito Galvez na ang nag-abot sa Vice Presidential Saber kay Cadet 1CL Edmundo Logronio.


Hindi naman naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President kaugnay sa attendance ni VP Sara sa PMA.


Matatandaan na si Duterte ay honorary member ng Philippine Military Academy Bagong Anyo ng Buhay (Banyuhay) Class of 2002.


Sa kanyang talumpati, ibinahagi naman ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na nakiisa sa seremonya ang ilang hakbang ng administrasyon para sa mga Pilipinong sundalo, katulad ng pagsulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa social

protection para sa mga unipormadong lingkod, at pag-amyenda sa Republic Act No.

11709 sa propesyonalisasyon at merit system ng kasundaluhan.


Nanawagan din ang Pangulo sa mga nagtapos na panatilihin ang mga katangian ng tapang, integridad, at pagkamakabayan sa militar upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa bansa.


 
 

ni Lolet Abania | February 19, 2022



Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na huling Philippine Military Academy Alumni (PMA) Homecoming sa ilalim ng kanyang termino.


Ni-represent na lamang ang Commander-in-Chief ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na nagtapos din sa naturang military academy bilang bahagi ng Maagap Class of 1973.


“My warmest greetings to the alumni of PMA on the occasion of your homecoming. I acknowledge the many efforts of the alumni of the PMA in protecting the Filipino people from various threats to our peace and security,” pahayag ni Pangulong Duterte sa isang taped video.


“I am certain that every batch has a heroic achievement to be proud of, for which I commend you. May you enjoy this fair occasion and derive from it a renewed sense of patriotism and passion to serve. I wish you a meaningful and memorable event,” dagdag ng Pangulo.


Gayunman, wala pang tugon ang Malacañang, at si acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles hinggil sa hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa PMA event.


Sa naturang event, apat na cavaliers ang pinarangalan ng PMA Alumni Association, Inc. ng Lifetime Achievement Awards na sina Anselmo Avelino Jr. ng Class ’67; Melchor Rosales ng Class ‘68; Edgar Aglipay ng Class ’71; at Senator Panfilo Lacson ng Class ‘71.


Ang mga PMA alumni na pinarangalan din ng cavalier awards ng PMAAI na pinangunahan ng kanilang chairman at CEO Cavalier Amado T. Espino, na siyang class president ng PMA Class of 1972 ay ang mga sumusunod:


• Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng Class ’82 para sa Outstanding Accomplishment in Public Administration

• Cavalier Crispiniano Acosta ng Class ’82 para sa Outstanding Accomplishments In Private Enterprise

• Cavalier Erwin Rommel Luga ng Class ’82 para sa Outstanding Accomplishments In Special Field Of (Religion-Other Endeavor)

• Cavalier Edgardo De Leon ng Class ’88 para sa Outstanding Performance In Staff Functions

• Cavalier Michael Ray Aquino ng Class ’88 para sa Outstanding Contributions To Alumni Affairs

• Cavalier William Gonzales ng Class ’89 para sa Outstanding Performance In Command Administration

• Cavalier Leo Francisco ng Class ’92 para sa Outstanding Performance In Police Operations

• Cavalier Roy Echeverria ng Class ’93 para sa Outstanding Performance In Coast Guard Operations

• Cavalier Melvin Banua ng Class ’97 para sa Outstanding Performance In Air Operations (Senior Officer)

• Cavalier Herbert Dilag ng Class ’98 para sa Outstanding Performance In Special Operations

• Cavalier Ashley Nastor ng Class 2000 para sa Outstanding Performance In Naval Operations (Senior Operation)

• Cavalier Gladiuz Calilan ng Class ’01 para sa Outstanding Performance In Army Operations.

• Cavalier Mark Paul Mendoza ng Class ’06 para sa Outstanding Performance In Air Operations (Junior Officer)

• Cavalier Junrey Sajulga ng Class ’13 para sa Outstanding Performance In Naval Operations (Junior Officer)


Sa isang tweet, si Lacson, na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections, ay nagpasalamat naman sa PMA sa pagkilala nito sa mga taon ng kanyang pagseserbisyo-publiko.


“Thank you Philippine Military Academy for recognizing my 50 years of dedicated service to country and people and for the arduous four years of imbibing in me the values of Courage, Integrity and Loyalty,” post ni Lacson sa Twitter.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 5, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 ang 50 kadete at food handlers sa Philippine Military Academy, pagkumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Martes.


Ayon kay AFP Spokesman Major Gen. Edgard Arevalo, lumabas sa imbestigasyon na galing sa food handlers ang COVID-19 na nakahawa sa mga kadete.


Aniya, "Ayon sa kanilang pagsusuri, ang mga food handlers actually ang siyang nakapagdala ng virus at naka-break ng COVID-19 bubble d'yan sa loob ng akademya. Kaya nga po doble ang ating ginagawang pag-iingat.”


Ang lahat ng nagpositibo ay asymptomatic at kasalukuyan nang sumasailalim sa isolation. "Nais nating kalmahin ang loob ng mga magulang ng mga kadete.


Ginagawa po ng pamunuan ng academy ang lahat ng stringent measures at health protocols na kailangang gawin kagaya ng detection, isolation, treatment bago i-reintegrate sila ulit sa cadet corps,” dagdag ni Arevalo.


Maaari rin umanong sumailalim sa lockdown ang academy kung darami pa ang kaso. "Ayon kay PMA Superintendent Gen. Ferdinand Cartojano, isolation muna ang ginawa and even before this pandemic, kung maalala natin 'yung important events sa Academy na pinagtitipunan…inalis na muna natin lahat. Very small group if at all ang pinapayagan upang ma-preserve nga ang health security bubble,” ani Arevalo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page