top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021


ree

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Sulawesi Island, Indonesia ngayong Sabado, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


Sa tala ng USGS, tumama ang episentro ng lindol sa 258 kilometers northeast ng Manado sa North Sulawesi at may lalim na 68 kilometers.


Samantala, kaagad namang nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas hinggil sa naturang lindol.


Saad pa ng PHIVOLCS, “No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021


ree

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng walong volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong Sabado at kasalukuyan pa rin itong nakataas sa Alert Level 3.


Naitala rin ng PHIVOLCS ang high levels ng volcanic sulfur dioxide (SO2 gas emissions) na may sukat na 4,149 tonelada noong Biyernes.


Ayon sa PHIVOLCS, patuloy pa ring naglalabas ng steam-rich plumes o malakas na pagsingaw ang Bulkang Taal na umaabot sa taas na 1,200 metro.


Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021


ree

Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 39 volcanic earthquakes kabilang ang mahihinang background tremors.


Naitala rin ang 5,299 tonelada ng sulfur dioxide flux na ibinuga ng bulkan at ang steam-rich plumes mula sa main crater na umaabot sa 3,000 meters high.


Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page