top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | May 12, 2025



PhilHealth at MMDA


Hello, Bulgarians! Muling pinagtibay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang long-standing commitment sa public health education, na binuo sa anim na taong partnership.


Nanguna sa seremonya ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Mayo 8, 2025 sa Makati City sina PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado at MMDA Acting Chairperson Atty. Romando S. Artes, na sinamahan ng mga pangunahing opisyal mula sa dalawang ahensya. 


Ang panibagong MOA ay minarkahan bilang pagpapatuloy ng kanilang pagtutulungan na palakasin ang kamalayan ng publiko at pag-unawa sa mga benepisyo ng PhilHealth na patuloy na pinahuhusay ayon sa mandato ng Universal Health Care Law.


Sa ilalim ng MOA, gagamitin ng MMDA ang kanilang marketing communication channels kabilang ang digital at non-digital media platform para tumulong sa pagpapakalat ng napapanahon at tamang impormasyon sa mga inisyatiba at kampanya ng PhilHealth. Ang PhilHealth naman ay magbibigay ng mga updated Information, Education and Communication (IEC) materials, at onsite registration sa mga orientation activities.


Binigyang-diin ni Dr. Mercado ang halaga ng pagtutulungan sa pagsusulong ng mga layunin sa kalusugan ng publiko. “Through the signing of this memorandum of agreement we reinforce our joint commitment towards protecting the health and safety of the Filipinos in our shared dedication in delivering Universal Health Care to the Filipino people. Kasama po rito ang pagbibigay ng anunsyo nu’n pong information sa ating mga miyembro,” ani Mercado.


Bilang tugon, sinabi ni Atty. Artes na nag-renew ang kanilang ahensya ng suporta sa PhilHealth’s information drive. “All of our facilities and assets will be used especially in the promotion of this beautiful project,” saad ni Artes.  


Ang magkasanib na pagsisikap ay sumusuporta sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act sa pamamagitan ng paghikayat sa pampublikong pakikipag-ugnayan at edukasyon, lalo na sa mga matataong lugar kung saan ang komunikasyon sa kalusugan ay mahalaga.


Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 touch points ng PhilHealth (02) 866-225-88 o sa mga mobile number (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1275987 o 0917-109187.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

by Info @Brand Zone | May 8, 2025



PhilHealth


Thirty years of protecting Filipinos' health took center stage along EDSA's southbound lane as the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), in partnership with the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and Boysen Philippines unveiled a 300-meter mural titled “Payong ng Kapanatagan.” 


The "Payong" (umbrella) is symbolic of PhilHealth’s role in Universal Health Care. Like an umbrella shielding us from the sun or rain, PhilHealth provides protection to Filipinos against unexpected and often costly medical treatment.  The Payong demonstrates the commitment of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to safeguard the health needs of every Filipino.

 

“This artwork is more than just a painting on the wall. It is a tribute to the power of compassion and service, and a visual reminder that health is not only a personal responsibility, but a collective mission,” said MMDA Chairman Atty. Romando S. Artes.

 

The mural serves to illustrate PhilHealth’s commitment to provide every Filipino with peace of mind through adequate financial access to healthcare anytime and anywhere in the country, regardless of their station in life.

 

“Ito po ang kahulugan ng PhilHealth sa buhay nating lahat – napoprotektahan tayo laban sa mabigat na gastusin tuwing tayo’y nagkakasakit, at nagkakaroon tayo ng agarang access sa serbisyong medikal sa oras ng ating pangangailangan,” said PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado. “Gaya ng payong, ang PhilHealth ay laging kasama natin sa bawat hakbang ng ating buhay.”

 

Visible to thousands of daily commuters, the mural also stands as a reminder of our shared commitment and responsibility in ensuring that health care services remain within reach, especially of the poor, the marginalized, and vulnerable sectors of the society.

 

For information on PhilHealth benefits, members may call PhilHealth’s touch points at (02) 866-225-88 or at mobile numbers (Smart) 0998-8572957, 0968-8654670, (Globe) 0917-1275987 or 0917-1109812. ###

 


 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Apr. 17, 2025



PhilHealth 45-Day Annual Limit

Nasa larawan sina (L-R) PhilHealth VP for NCR Dr. Bernadette Lico, AMI beneficiaries Jose Brozo, Juvy Busayong (asawa ng pasyenteng si Jose Busayong), Dennis Garcia, PGH Medical Director Dr. Legaspi at Deputy Director Dr. Margaret Lat-Moon.


Hello, Bulgarians! Mahigit Php22.8 milyon ang naibigay sa Philippine General Hospital (PGH) noong Abril 11, 2025 ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). 


Ito ay bayad sa unang batch ng mga claim sa PhilHealth’s benefit package para sa Ischemic Heart Disease-Acute Myocardial Infarction (IHD-AMI), isang sakit na karaniwang kilala bilang atake sa puso. Tatlong buwan lamang pagkatapos ng pagpapahusay nito, ang package ay naging kapaki-pakinabang sa hindi bababa sa 77 claim para sa mga heart attack patient noong Marso 2025.


Present si PGH Medical Director Dr. Gerardo D. Legaspi para tumanggap ng tseke mula kay PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado sa simpleng ceremonial turnover sa PGH.  


Sa ibinigay pong pagkakataon na ma-improve ang service to heart attack patients, record high ang ating serbisyo — wala na pong charity na heart attack patient ngayon. Iyan ang improvement na gusto nating makita. And I think with this current administration of PhilHealth, we will be seeing more of that,” wika ni Dr. Legaspi. 


Kinilala rin niya ang walang patid na suporta ng PhilHealth Regional Office–NCR, sa pangunguna ni Dr. Bernadette Lico na naroroon din sa kaganapan, sa pagtiyak na ang mga pasyente ng PGH ay nararapat na makatanggap ng financial risk protection na ibinibigay sa kanila ng PhilHealth.


Dumalo rin ang ilan sa mga pasyente at kanilang mga pamilya na benepisyaryo ng package — isa rito ay si Juvy B. Busayong, asawa ng pasyenteng si Jose Busayong mula sa Calamba City, Laguna. 


“At first, hesitant kami kasi alam naman natin kapag narinig natin angiogram expected na natin na expensive,” patotoo niya, “pero one of the doctors nagsabing may package na ang PhilHealth at wala na kaming babayaran. Siyempre, natuwa kami! Napakalaking pribilehiyo na kami ay makatanggap ng ganoong package. Gusto naming magpasalamat sa PhilHealth sa package na ibinigay dito sa amin. Sana po ay marami pa kayong matulungan at marami pang buhay ang ma-save.”


Binigyang-diin uli ni Dr. Mercado ang pangako ng PhilHealth na ilapit ang mga serbisyong pangkalusugan na nagliligtas-buhay sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagtiyak ng agarang pagbabayad ng mga claim sa mas maraming ospital.


“Ang P22.8 milyong bayad na ito sa PGH ay simula pa lamang. Kami ay iikot pa sa iba’t ibang mga rehiyon para ating personal na tiyakin ang mabilis na pagpoproseso at pagbabayad ng claims para sa mga serbisyong ipinagkaloob ng ating mga ospital sa mga miyembrong may sakit sa puso,” pahayag ni Dr. Mercado.


Ang IHD-AMI benefit package ay nag-aalok ng coverage hanggang Php523,853 na maaaring ma-avail sa lahat ng accredited Levels 1 hanggang 3 public at private health facilities na may kakayahang maghatid ng mga kinakailangang serbisyo.


Para sa karagdagang impormasyon sa pinahusay na Ischemic Heart Disease-Acute Myocardial Infarction package, maaaring tawagan ang PhilHealth 24/7 touch point sa (02) 866-225-88 o sa mobile number (Smart) 0998-8572957, 0968-8654670, (Globe) 0917-1275987 or 0917-1109812.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page