top of page
Search

by Info @Brand Zone | Feb. 18, 2025



Press Release | February 18, 2025


The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) announced the

implementation of its enhanced benefits for Extracapsular Cataract Extraction with

Insertion of Intraocular Lens (IOL) covering both adult and pediatric surgeries,

effective January 30, 2025.


This initiative is aligned with President Ferdinand R. Marcos Jr.'s directive to

continually improve and sustain healthcare benefits being provided by the state

health insurer, ensuring adequate financial support to patients seeking medical

treatment.


Based on PhilHealth Circular 2025-0001 published on January 15, 2025, benefits for

adult cataract surgery have significantly increased by more than fourfold, with

financial support starting at P20,200. Coverage varies depending on the type of lens

used, with procedures involving a monofocal IOL or standard lens at P28,300 per

eye. Premium lenses such as monofocal toric IOL that provides clear vision at one

specific distance while correcting astigmatism are covered for P43,800 per eye, a

multifocal IOL that helps see both near and far objects at P66,900 per eye, and

multifocal toric IOL that corrects astigmatism and multiple viewing distances at

P80,900 for the right eye.


Meanwhile, pediatric cataract surgery coverage has seen an unprecedented increase

of tenfold, with benefits reaching up to P135,000 per eye and P139,050 for both eyes.

If an intraocular lens (IOL) is included, coverage is at P179,000 per eye and P187,100

for both eyes.


Previously, PhilHealth pays for cataract extraction at P16,000 per eye with no

differentiation between adult and pediatric cases.


To ensure timely and uninterrupted healthcare services, the state health insurer

reminds all accredited healthcare facilities to maintain minimum stock levels of

intraocular lenses, essential eye medications, life-saving drugs, IV fluids, and

necessary supplies to avoid unwarranted out-of-pocket from outside purchases and

services.


This notable increase in coverage for cataract extraction is expected to help reduce

preventable blindness and improve the quality of life of Filipinos suffering from this

type of eye condition.


In 2024, PhilHealth has disbursed a total of P3.58 billion for 224,209 cataract

removal procedures.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 16, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Ang newly-appointed President at CEO ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, kasama ang 9,000 opisyal at empleyado mula sa buong bansa ay ipinagdiwang ang ika-30 taong anibersaryo ng state insurer sa isang solemn Eucharistic Mass noong Pebrero 14 at si Father Jerry Orbos, SVD, ang nangasiwa nito.


Upang masunod ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pagtiyak na walang hadlang na mga serbisyo, ang misa ay nasundan ng isang board meeting na pinamunuan ni Health Secretary Teodoro Herbosa. Tinalakay ang mga isyu sa critical policy, na tumutugon sa parehong mga pangangailangan ng mga provider at miyembro.


“Nais nating tapatan ng buong pusong paglilingkod ang mainit na pagtanggap ng ating stakeholders, public health and medical communities, at lalung-lalo na ng mga kawani ng PhilHealth na siyang katuwang natin upang mas palawigin pa ang ating serbisyo,” pahayag ni Mercado.


Tatlumpung taon mula nang mabuo, ang PhilHealth ay nananatiling nakatuon sa paghahatid ng de-kalidad at mas tumutugon sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

by Info @Brand Zone | Feb. 14, 2025



Alagang PhilHealth

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Pebrero ang National Health Insurance Month kung saan nilalayong palakasin at pasiglahin ang kamalayan ng mga Pilipino sa mahalagang papel ng segurong pangkalusugan.


Ngayong taon ay pinagdiriwang din ang ika-30 anibersaryo ng PhilHealth na itinatag upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng programa at tiyaking bawa't Pilipino ay nakaseguro ang kalusugan sa panahon ng kanilang pangangailangang medikal


Ang tema ng selebrasyon ay "PhilHealth @ 30: Panatag Kami Dito". Nakatuon ang tema sa patuloy na dedikasyon sa pagpapalawak at pagpapahusay ng mga benepisyo upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng sambayanang Pilipino.


Patunay sa nagdaang taon ay napakaraming pinagbuti, pinalawak at bagong mga benepisyo ang ipinatupad ng PhilHealth. Kagaya ng pagtaas ng 95% sa mahigit na P9,000 case rates packages, gayundin ang Z benefits para sa Breast Cancer na tumaas ng 1,300 porsyento mula P100,000 hanggang P1.4 milyon, Kidney Transplant mula P600,000 na naging P2.1 milyon na, at Peritoneal Dialysis mula P270,000 na ngayon ay aabot na sa P1.2 milyon kada benepisaryo


Pinagbuti rin ang mga pakete sa stroke, high-risk pneumonia, hika neonatal sepsis, malubhang dengue, atake sa puso (angioplasty) at operasyon sa katarata. Pinalawak ang hemodialysis sessions kada taon sa 156 mula sa dating 90 sessions, pagtataas ng bayad mula P2,600 hanggang P6,350 kung saan ang bawat pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5 ay maaaring maka-avail ng aabot sa halos isang milyong piso kada taon


Nagpatupad din ang PhilHealth ng mga bagong benepisyo gaya ng emergency care package, outpatient therapeutic care benefits package para sa Severe Acute Malnutrition, outpatient mental health services, preventive oral health services at coverage para sa salamin sa mata para sa mga batang hanggang 15 taong gulang

Pinalalakas din ang Konsulta Package, ang primary care services ng PhilHealth upang maagapan at hindi na lumala ang sakit dahil sakop nito ang health screening and assessment, konsultasyon, laboratoryo at gamot at medisina ayon sa rekomendasyon 

ng duktor. Ngayon ay pumalo na sa P1,700 ang budget ng PhilHealth sa bawat pasyente kada taon. Kaya gamitin natin ito


Nabago na din ang panuntunan sa paggamit ng benepisyo sa paulit-ulit na confinement. Ngayon maaari nang makagamit ng benepisyo ang mga miyembro kung sila ay mao-ospital dahil sa pabalik balik na sakit


Sa aming ika-30 taong anibersaryo ay patuloy ang PhilHealth sa pagsisikap na maisagawa ang mas mahusay epektibo, de-kalidad at abot kayang serbisyong pangkalusugan


Sa pangunguna ng aming bagong Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, patuloy naming hatid ang pinalawak na mga benepisyo. Ayon kay PCEO Dr. Mercado: "Ang PhilHealth ay kaisa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa hangaring maging malusog ang lahat ng Pilipino. Kaya ang aming pangako sa lahat ng miyembro, tuloy-tuloy ang serbisyo, palalawigin pa natin ang inyong benepisyo.


Sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng PhilHealth sa nakalipas na 30 taon, taos puso po namin kayong pinasasalamatan


PAALALA 


Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 50% adjustment, mag-login sa www.philhealth.gov.ph. Maaari rin kayong tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662- 2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!


Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968- 8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click- to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.

Para sa  listahan ng mga contracted hospitals:  

https://www.philhealth.gov.ph/partners/ providers/facilities/contracted/


Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588

PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS

PhilHealth



 
 
RECOMMENDED
bottom of page