top of page
Search

ni Lolet Abania | October 10, 2021


ree

Mahigit sa 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility ang dumating sa bansa ngayong Linggo ng hapon.


Lumapag ang kabuuang 918,450 doses ng Pfizer vaccines sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, pasado alas- 4:00 ng hapon.


Ang mga naturang bakuna kontra-COVID-19 ay sakay ng isang Emirates flight.


Noong Marso 1, nagsimula ang vaccination program ng bansa, kung saan sa ngayon nasa mahigit 20 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19 habang nasa 26 milyong indibidwal naman ang nakatanggap ng unang dose.


Sa kasalukuyan, ang mga COVID-19 vaccine brands na naideliber na sa bansa ay Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik V.


 
 

ni Lolet Abania | October 2, 2021


ree

Nakatanggap muli ang Pilipinas ng halos 900,000 doses ng Pfizer vaccine mula sa COVAX facility ngayong Sabado.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 889,200 doses ng Pfizer vaccine ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ng alas-4:15 ng hapon ngayong araw via flight EK332.


Sinalubong ang naturang COVID-19 vaccine nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at United States Agency for International Development Health Director Michelle Lang-Alli.


Ayon kay Galvez, ang ilang mga vaccine ay gagamitin para sa pilot implementation ng pagbabakuna sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17.


“We will still focus on inoculating our priority groups A2 and A3, but partly itong ibang dumarating na ito we will be given also to our possible children inoculation this coming October 15,” ani Galvez.


Sinabi ng vaccine czar na may alokasyon ang gobyerno ng tinatayang 60 milyon doses para sa pagbabakuna ng mga menor-de-edad.


“Meron tayong ia-allocate na, more or less, good for 17.7 people. Our population of adolescents and children is more or less 29 million. So we will be allocating more or less 60 million doses,” sabi ng opisyal.


Nagpasalamat naman si Galvez sa United States Embassy para sa ibinigay na mga Pfizer vaccines. Nagpahayag din ng kasiyahan si Alli at sinabing ang US ay malugod na nakapagbigay ng tulong sa Pilipinas sa paglaban nito kontra-COVID-19.


“Yes, this is part of the 5.5 million doses of vaccine that arrived this weekend here in Manila, but also down in Davao and Cebu,” sabi ni Alli. “The United States is very happy to be able to provide safe and effective vaccines not just to Manila but to the greater Philippines and the Central and Southern part of the Philippines as well,” dagdag niya.


Una nang inanunsiyo ng Amerika na magpapadala sila ng mahigit 8 milyon COVID-19 vaccine doses sa Bangladesh at sa Pilipinas para sa pinakabago nilang tulong sa gitna ng patuloy na paglaban ng buong mundo sa COVID-19 pandemic.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021


ree

Inanunsiyo ng Pfizer and BioNTech nitong Lunes na ligtas gamitin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga edad 5 hangang 11.


Dagdag pa nila, ito ay ‘well tolerated’ at nag-produce ng ‘robust’ inmune response sa mga bata.


Ito ay base aniya sa isinagawang medical trial ng kumpanya.


"In participants five to 11 years of age, the vaccine was safe, well tolerated and showed robust neutralizing antibody responses," ani US giant Pfizer at German partner sa isang joint statement.


Plano nilang isumite ang kanilang mga datos sa mga regulatory body sa Europian union, United States, at sa buong mundo, as soon as possible.


"We are eager to extend the protection afforded by the vaccine to this younger population," ani Pfizer CEO Albert Bourla.


Ang trial ay kinabibilangan ng 2,268 na mga may edad 5-11 na gumamit ng dalawang dose regimen ng bakuna na itinurok na may 21 araw na pagitan.


Ginamit nila dito ang 10-microgram dose o mas maliit ng 30 microgram dose na ginagamit sa mga may edad 12 pataas.


Pareho rin daw ang side effects na naramdaman sa mga may edad 16 pataas ang naranasan ng nasabing sumali sa clinical trial.


Plano ng kumpanya na ipasa sa US Food and Drug Administration ang kanilang clinical studies para sa emergency use authorization.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page