top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 28, 2026



TEKA NGA - VICO, PILIT PINATATAKBONG PRESIDENTE SA 2028 ELECTIONS-FB Vico Sotto

Photo: File / -FB Paulo Avelino



Ilang beses nang sinabi ni Vico Sotto na wala siyang intensiyon na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 election. Pagkatapos daw ng kanyang termino bilang mayor ng Pasig, balak niyang muling mag-aral at bumalik sa akademya. 


Plano rin niyang magturo sa Ateneo de Manila University, ang kanyang alma mater.

Pero marami ang pilit siyang kinukumbinse na huwag munang iwan ang pulitika. Isa kasi siyang mahusay na public servant, masipag at hindi corrupt. 


Puwede siyang tumakbong vice-president (VP) o president. Pero 38 years old pa lang si Mayor Vico sa 2028. Kailangan ay 40 years old ang edad ng kakandidatong VP o presidente.


Marami rin ang nagsasabi na kung ang pagiging senador ang kanyang pipiliin, tiyak na magiging number one senador siya dahil sa kanyang popularidad ngayon. 

Let’s see kung hindi magbabago ang desisyon ni Mayor Vico Sotto na pahinga na muna siya sa pulitika.





Aminadong magastos sa mga luho… 

MARIEL, AYAW UMASA SA DATUNG NI SEN. ROBIN, TODO-KAYOD



AMINADO si Mariel Rodriguez na magastos siya, kaya kailangan niyang magkaroon ng sariling income upang makabili ng mga bagay na gusto niya. 

Kahit senador na ang kanyang mister na si Robin Padilla, hindi nito basta bibilhin ang mga luxury bags na gusto ni Mariel.


At maging sa pagkain ay magkaibang-magkaiba sila. Si Sen. Robin Padilla ay mga pagkaing lutong-bahay ang gusto, samantalang si Mariel ay nasanay kumain sa mga high-end resto. 


Kaya kapag gusto niyang kumain sa labas, sumasama siya sa kanyang grandpa at iba pang kamag-anak.


Gusto ni Mariel na may sariling pera siya para sa kanyang pansariling pangangailangan. At doon niya naisip na mag-live selling ng kanyang mga personal na gamit tulad ng bags, shoes at iba pa. 


Nauna na rito ang kanyang steak business, na si Robin pa ang kanyang delivery boy. Kaya naman hindi naging issue sa kanila ni Sen. Robin ang pera. Hindi siya nakadepende sa kanyang mister.





Gustong mag-solo, ‘di umubra…

CAPRICE AT HEATH, PINAGSAMA SA SERYE PARA SUMIKAT



MAS palalakasin ng GMA Network ang tambalan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Sila ang magbibida sa bagong romantic series ng GMA Public Affairs na You Are My Favorite Song (YAMFS).


Makakasama nila rito sina Marco Masa at John Clifford na kasamahan nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE 2). Ito ay mula sa direksiyon ni JP Habac na ang kuwento ay mula sa original na konsepto ni Ivan Caro at isinulat ni Erwin Caezar Bravo.


Mas mahahasa ang talento sa pag-arte ng CapEath tandem at magiging daan upang mapatatag ang kanilang showbiz career. 


Bagama’t may naunang pahayag si Caprice Cayetano na gusto niyang makilala bilang solo artist at hindi nakadepende sa love team, naniniwala ang Sparkle GMA Artist Center na mas susuportahan sila ng mga fans kung magta-tandem muna sila sa mga shows na kanilang gagawin. 


Darating din ang panahon na kapag sikat na sikat na sila, hindi na nila kailangang nakadepende sa kanilang love team.





Gagawing tagapagsalba… 

DENNIS, PASOK SA ENCANTADIA KUNG KELAN MAGTATAPOS NA



IKINATUWA ng mga viewers ng Sang’gre ang pagpasok ng karakter ni Dennis Trillo bilang ang Bathalang si Emre. Siya ang tutulong sa mga Sang’gre upang matalo ang kanilang mga kalaban.


Nagbabalik ang Bathalang si Emre upang isalba ang kaharian ng Encantadia. Magsasama-sama ang mga Sang’gre upang magapi ang kanilang mortal na kalaban.


Nalalapit na ang pagwawakas ng fantaserye pero marami pang twist at mga kapana-panabik na eksena na dapat abangan. 


Asahan ang umaatikabong labanan na magaganap. May mga dating tauhan din ng Encantadia na magbabalik at makakasama ng mga Sang’gre sa kanilang pakikipaglaban.

 
 

ni Lolet Abania | August 13, 2021



Nasa 41 katao ang hinuli ng LGU ng Pasig City habang ipinasara ang isang events place matapos na magsagawa ng birthday party sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.


Sa isang Facebook post ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Biyernes, sinabi nitong inatasan na ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod ang pagpapasara sa nabanggit na lugar na matatagpuan sa Axis Road sa Bgy.


Kalawaan. Ayon kay Sotto, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na party, kung saan hindi ito makikita mula sa main road dahil sa tagong lugar.


“Ang titigas ng ulo!” caption ni Sotto. “Kung gusto nating bumalik sa mas normal na pamumuhay, sumunod po tayo sa health protocols. Tandaan – #ECQ pa ngayon,” dagdag ng mayor.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 24, 2021




Natapos na ang 14-day quarantine ni Pasig City Mayor Vico Sotto, batay sa inilabas niyang pahayag sa kanyang social media account nitong Martes, Marso 23.


Aniya, “My last night of quarantine! Nag-negative ako sa PCR test nu'ng ika-apat na araw mula exposure, kaya safe ‘yung nakasalamuha ko pa nu'ng March 12. Kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14 days dahil ito ang sabi sa DOH Guidelines.


Maaari kasing nag-i-incubate pa lang ang virus." Matatandaang sumailalim siya sa quarantine matapos mamatay dahil sa COVID-19 ang kanyang driver at kabilang siya sa naging close contact nito.


Gayunman, iginiit niya na kahit naka-quarantine ay nagtatrabaho pa rin siya bilang alkalde, habang ang City Hall ay nasa Alternative Working Arrangement.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page