top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 16, 2022



Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o ayuda sa buong taon para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.


Sa ginanap na Palace briefing, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang dalawang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) sa sunod-sunod na fuel price increase.


“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price,” ani Andanar.


“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag pa niya.


Matatandaang sa Talk to the People ni P-Duterte noong Miyerkules, iminungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagbibigay ng P200 subsidiya sa buong taon sa mahihirap na pamilya bulang tulong sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo. Inirekomenda rin niya ang pananatili ng fuel excise tax.

 
 

ni Lolet Abania | March 13, 2022



Isang mahabagin at mas mabuti na abogado, ang nais sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na presidente ng Pilipinas.


Ito ang naging tugon ng Pangulo sa isang interview ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado, kung saan binanggit ni Pangulong Duterte, ang mga katangian na dapat hanapin ng mga Filipino voters na kanyang successor.


Nai-share din ng Chief Executive, kung paano na-develop ang compassion sa kanyang buhay nang dahil aniya ito sa yumao niyang ama, si Davao Governor Vicente Duterte, na nagpakita ng pagiging mahabagin sa mga taong kanyang pinaglingkuran.


“If there is somebody who would ask me on what it would be, sabihin ko, you must love the human being. Kailangan mahal mo talaga ang kapwa mo tao,” sabi ng Pangulo.


“Kasi kami nagbiru-biruan [noon], sabi ko ‘pag laki ko, congressman ako.’ Sabi ng tatay ko, ‘No, first of all, kailangan mahal mo ‘yung tao,’” dagdag niya.


Gayunman, nilinaw ni P-Duterte na ang kanyang compassion o pagkahabag ay maiksi lamang sa mga taong sangkot sa ilegal na droga.


“So, [he/she] must be compassionate. Pero extreme lang ako. Maawain ako pero pagka durugista ka? Anak ng… Umalis ka na lang diyan, barilin ko ‘yang it—,” ani Pangulo.


Nahaharap ang Duterte administration sa posibleng International Criminal Court (ICC) scrutiny hinggil sa tinatawag umanong crimes against humanity, na nagmula ito sa giyera kontra droga ng gobyerno.


Ang ICC probe, kung saan ipinagpaliban noong Nobyembre 2021, batay na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas, ay nagdulot ng pagdami ng mga reklamo mula sa mga pamilya ng mga nasawi sa drug war, at sa human rights advocates.


Base sa records ng gobyerno, mahigit 6,000 drug suspects ang nasawi sa mga isinagawang anti-drug operations ng pulisya simula nang si Pangulong Duterte ay maluklok sa puwesto noong Hunyo 30, 2016.


Gayundin, sinabi ng Pangulo na mainam na ang susunod na lider ng bansa ay dapat na decisive o hindi mapag-alinlangan, habang iginiit niyang sana ay isang abogado ito.


“Hindi naman ako nagsabi it’s the best quality, but one of the good qualities of a president, sana abogado. Isang tingin mo lang maka-decide ka na kaagad, and the repercussions, alam mo na kung ano. Whatever kind of -- how would you say -- issue or -- alam mo na,” anang Pangulo.


Sina Vice President Leni Robredo at Jose Montemayor, Jr. lamang ang mga abogado mula sa 10 presidential candidates sa 2022 elections.


Ang panghuli, ayon sa Pangulo, dapat na makitaan ang kanyang successor ng tinatawag na good judge of character.


“You are able to delegate powers because you know their character,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.


Matatandaan na nabanggit ni Pangulong Duterte, na nasa pagpapasya ng mga botante kung pipiliin nila ang isang Ilocano na mamumuno sa bansa matapos ang kanyang termino na ilang buwan na lamang ngayon.


Si presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang running mate ng anak ni Pangulong Duterte na si Sara ay mula sa Ilocos Norte.


Gayunman, sinabi ni P-Duterte na hindi niya ieendorso si Marcos bilang presidente sa darating na eleksyon, kahit pa ang kanyang anak ay running mate ni Bongbong.


Iginiit din ng Pangulo na mananatili siyang neutral hinggil sa naturang usapin.

 
 

ni Lolet Abania | March 9, 2022



Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary Anderson Ang Lo bilang bagong Deputy Ombudsman for Mindanao, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.


“Yes,” saad ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa text message nang tanungin sa appointment ni Lo.


Ang posisyon ng isang Deputy Ombudsman for Mindanao ay namumuno hinggil sa corruption cases laban sa mga opisyal ng lokal na gobyerno ng naturang rehiyon.


“We wish Deputy Ombudsman Lo success as we assure him of the Executive’s support in the Office of the Ombudsman’s drive towards good governance in the public sector,” sabi ni Presidential Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang statement.


Si Lo ay asawa ni Judge Jill Rose Jaugan-Lo, ang hukom na nag-administer sa oath ni Pangulong Duterte noong 2013 nang siya ay mayor pa ng Davao City.


Nanumpa naman si Lo bilang PMS undersecretary noong Agosto 2016.


Isa sa tatlong nominees si Lo, na napili sa listahan ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Deputy Ombudsman for Mindanao. Ang dalawang nakabilang ay sina Atty. Beda Epres at Atty. Maria Iluminada Lapid-Viva.


Noong Agosto 2021, nabanggit ni Ombudsman Samuel Martires na buo ang kanyang tiwala at labis ang kumpiyansa niya sa integridad at kakayahan ng tatlong ito.


Ani Martires, “the three have undergone vetting process by himself through exhaustive background checks.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page