ni Jasmin Joy Evangelista | April 2, 2022
Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes na mas makakamura ang mga vice mayor kung ipapa-ambush na lamang ang mga mayor sa kanilang localities sa halip na tumakbo sa eleksiyon.
“To the vice mayors, don’t run in the next elections. Just pay someone to ambush the mayor so that you’ll be the [mayor]… You’ll spend a lot of money during elections but for the ambush, P50,000 is enough. There are a lot of crazy people here in Cebu ‘no? But I love Cebu actually,” ani Duterte sa Bisaya sa kanyang speech sa Lapu-Lapu City noong Huwebes ng gabi.
Ito ay kanyang naging mensahe sa ginanap na joint meeting ng National Task Force (NTF) at ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-Elcac) sa Central Visayas.
Pinuri rin ng pangulo ang NTF at RTF-Elcac dahil sa “collectively realizing the commitment of the government’s holistic and whole-of-nation approach to resolving communist insurgency.”
“Your serious efforts to deliver basic social services in conflict-affected areas truly help in bringing the government closer to the Filipino people,” aniya pa.
Nananatili umanong kritikal ang commitment ng gobyerno upang ma-achieve ang kapayapaan sa bansa sa natitirang tatlong buwan ng kanyang administrasyon.
Hinikayat din ni Duterte ang mga local chief executives sa Central Visayas na palawigin pa ang kanilang local efforts sa NTF at RTF-Elcac “in the fight against lawlessness and insurgency, and to support the Administration’s key programs in achieving sustainable [peace and] security.”
“To the government’s national and local partners in this endeavor, we assure you of the Administration’s unrelenting support in your respective initiatives in securing lasting peace,” pahayag pa ng pangulo.
“The Filipino people deserve a peaceful and prosperous nation, and that is what the government should provide. Let us all work hard together for this,” dagdag niya.