top of page
Search

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 30, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Bukidnon.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyong lahat d’yan sa BULGAR. Isa ako sa marami ninyong tagahanga sa pag-aanalisa ng panaginip. Ibig kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko na nakikipag-inuman ako sa mga kaibigan ko ng whisky, tapos naubos agad ang alak kaya pinalitan namin ng wine ang iniinom namin. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Joseph


Sa iyo, Joseph,

Ang whisky ay nangangahulugan na hindi mo kayang iwasan ang pag-inom ng alak hanggang ikaw ay malasing. Nagbababala ito na iwasan mo na ang paglalasing dahil hindi mabuti sa kalusugan kung ikaw ay magiging lasenggo.


‘Yun namang wine ang ipinalit ninyo sa whisky nang ito ay maubos na, maganda ang ibig sabihin ng wine. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganaan sa buhay, simbolo ito ng magandang kalusugan at kasiyahan sa buhay. Kung uminom ka ng wine sa panaginip mo, ang ibig sabihin niyan ay madalas kayong magkakatuwaan ng mga kaibigan mo at mapapadalas ang bonding moment ninyo. At kung anuman ang dinaranas mong problema sa kasalukuyan, ito ay lilipas at malulutas din. Liligaya ka na sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 29, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrna ng Cotabato.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na may nagaganap na giyera rito sa lugar namin at nilusob kami ng mga taong hindi taga-rito tapos dumating ang mga sundalo para iligtas kami. Sumama ako sa mga sundalo at nagdala ako ng sarili kong baril upang labanan ang mga kaaway. Natakot ang mga kaaway at sila ay tumakas. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Myrna


Sa iyo, Myrna,

Ang ibig sabihin ng giyera ay may paparating na sigalot sa buhay mo. May posibilidad na mag-away-away kayo ng mga mahal mo sa buhay. Ang sabi mo ay natakot ang kalaban sa at dali-dali silang tumakas, ang ibig sabihin niyan ay malulusutan mo ang away ninyo at ikaw ang magwawagi. Uunawain nila ang katwiran mo at tuluyan nang mananahimik. Hindi na nila igigiit pa ang kanilang gusto.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Mindoro.


Dear Maestra,

Napanaginipan kong namasyal ako sa may bandang ilog malapit sa bahay namin. Tumalon ako sa ilog para maligo, tapos hindi ko napansin na may buwaya pala at kinagat ako nito sa paa. Buti na lang, daplis lang dahil madali akong nakaahon sa ilog. Ang sakit ng paa ko na kinagat ng buwaya pero hindi naman grabe. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,

Kung malinis at malinaw ang tubig ng ilog na tinutukoy mo sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng kasaganaan at pag-unlad sa buhay. Kung maputik, marumi, hindi gaanong malinaw ang tubig, ang ibig sabihin nito ay daranas ka ng kahirapan sa buhay kung saan mahihirapan kang kumita ng sapat para sa mga pangangailangan ng pamilya mo.


Samantala, ‘yung kinagat ka ng buwaya sa paa, pero hindi naman gaanong masakit, ito ay nagpapahiwatig na may darating na pangyayari sa buhay mo kung saan magiging asiwa ka at hindi mo alam ang gagawin. Pero sa malaot-madali, ang problemang naturan ay malulutas din kung gagamitin mo ang iyong talino at diskarte sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page